Mga inirerekomendang libangan sa Mie! 三重県内のおすすめ海水浴場 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2018/08/06 Monday Kultura at Libangan Mayroong maraming magagandang beach na mapaglilibangan sa lalawigan ng Mie. Ipapakilala namin ang walong mga beach, simula sa hilaga ng lalawigan. Halina’t makisaya kasama ang inyong mga kaibigan at pamilya ngayong tag-init! Mayroong iba pang mga beach na itinatampok sa website ng Mie Tourism Association (https://www.kankomie.or.jp/season/detail_72.html), maraming mga beach na ipapakilala. Mangyaring tingnan ang website (sa wikang Hapon lamang)! * Pakikumpirma kapag magi-inquire ang tungkol sa barbecue, camping, mga oras ng pagpapatakbo ng mga establisimyento ng mga beach, at iba pang mga detalye. [Suzuka] Tsutsugaura Beach (Tsutsugaura Kaisuiyokujo) Isang beach na may mababaw na tubig at magagandang pine trees sa puting buhangin. Sa panahon ng tag-init ang beach ay hindi lamang dinadayo ng mga bisita mula sa lalawigan kundi pati na rin ng mga tao mula sa mga rehiyon ng Chubu at Kansai. Lugar: 〒510-0253 Suzuka-shi Jike-cho Business Hours: Simula ng Hulyo hanggang katapusan ng Agosto Toilet: Meron (libre) Beach house: Meron Shower: Meron (maligamgam na tubig: may bayad / malamig na tubig: libre) Changing rooms: Meron (babayaran sa establisimyento ng beach) Parking: May bayad (450 parking space) – Pampublikong sasakyan: ¥ 500 / Mga malalaking sasakyan: ¥ 1,600 / Mga motorsiklo: ¥ 100 Contact: 059-380-5595 (Suzuka Tourism Association) Detalye: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_3473.html [Tsu] Gotemba Beach (Gotemba Kaisuiyokujo) Ang Gotemba Beach, na may malumanay na alon at puting buhangin na umaabot sa 17km, ay pinili bilang Natural Park ng Lalawigan. Sa maraming mga establisimiyento sa beach, ang beach na ito na may masayang kapaligiran ay nagho-host ng mga tournament ng volleyball, at isang perpektong lugar upang magkaroon ng isang aktibong summer. Lugar: Tsu-shi Fujikata Business Hours: Sa pagitan ng Hulyo at Agosto Toilet: Dalawa (libre) Beach house: 8 establishments / May bayad: Matanda = ¥ 500 – Mga bata (hanggang ika 6th year ng shogakko) = ¥ 300 Shower: Meron (binabayaran sa establishment ng beach) Changing rooms: Meron (binabayaran sa establishment ng beach) Parking: Libre (500 parking space) / May bayad: ¥ 500 (mga 1,500 parking space) Contact: 059-246-9020 (Tsu Tourism Association) Detalye: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_3470.html [Matsusaka] Matsunase Beach (Matsunase Kaisuiyokujo) Ito ay isang beach na may kalmado na alon at mababaw na tubig na konektado sa Bay of Ise, na kilala sa pagkolekta ng mga clams at mga beach activities. Ito ay espesyal na lugar sa mga residente. Lugar: Matsusaka-shi Matsunase-cho Business hours: Sa pagitan ng Hunyo at Agosto Toilet: Dalawa (libre) Beach house: 1 establishment / Bayad: Adults = ¥ 500 – Children (hanggang ika sixth year ng shogakko) = ¥ 200 Shower: Isa (may bayad: ¥ 100), libre para sa mga taong gumagamit ng beach house Parking: Parking: Libre (mga 600 parking space) Contact: 0598-23-7771 (Matsusaka Tourism Association) Detalye: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_3494.html [Ise] Futamiura Beach (Futamiura Kaisuiyokujo) Isang napakagandang beach na opisyal na kinikilala bilang ang lugar ng kapanganakan ng mga beach, na unang itinatag sa Japan noong 1882. Ito ay isang kumportableng beach na sikat para sa magandang tanawin at ang pinong puting buhangin. Lugar: 〒519-0606 Ise-shi Futamichosho Business hours: Hulyo 7 hanggang Agosto 31 Changing room: Meron (binabayaran sa establisimento ng beach) Beach house: Meron Cold Shower: Isa (may bayad) Parking: May bayad (mga 150 parking space) Contact: 0596-21-5542 (Ise Tourism Association) Detalye: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_3489.html [Shima] Ago Beach in Matsubara (Ago no Matsubara Kaisuiyokujo) Ito ay isang beach na binibisita ng maraming mga turista mula sa Nagoya at sa rehiyon ng Kansai. Ang mga alon ay kalmado, ngunit posible ring mag-surf. Nag-aalok din ang beach ng “barrier free” na suporta, para sa paggamit ng mga espesyal na cart (upuan) para sa beach, bukod sa iba pa. Lugar: Shima-shi Ago-cho Koka Business hours: Sa pagitan ng Hulyo 1 at Agosto 31 Toilet: dalawa (libre) Beach house: mga 5 establishments Shower: May bayad (¥ 300) Parking: May bayad: ¥ 1,000 (mga 500 parking space) Contact: 0599-45-2012 (Koka Office of the Mie Gaiwan Fishing Cooperative Association) Detalye: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_3494.html [Shima] Goza Shirahama beach (Goza Shirahama Kaisuiyokujo) Isang beach na may malinaw na tubig, isang baybaying may mababaw na tubig at puting buhangin. Pinili para sa “Kaisuiyokujo Hyakusen” (100 beach na pinili ng Ministri ng Kapaligiran), ito ay nakakakuha ng maraming mga bisita sa panahon ng mga beach season. Lugar: Shima-shi Shima-cho Goza Business hours: Hulyo 1 hanggang Agosto 31 Toilet: Isa (libre) Beach house: mga 7 locations Shower: mga 7 (may bayad simula sa ¥ 200) Parking: May bayad: ¥1.000 (mga 470 parking space) Contact: 0599-88-3326 (Goza Shirahama Tourism Association) Detalye: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_3493.html [Kihoku cho] Jounohama beach (Jounohama Kaisuiyokujo) Leisure beach na matatagpuan sa loob ng Kumano Rinkai Park, isang cove na may malumanay na alon. May malapit na camping site sa lugar. Lugar: Kitamuro-gun Kihoku-cho Higashinagashima 3043-4 Business hours: kalagitnaan ng Hulyo hanggang katapusan ng Agosto (hindi pa sigurado ang petsa) Mayroong mga beach establishments sa panahon ng pagbubukas ng beach (shower na may mainit na tubig, coin locker, pag-upa ng mga bagay, pagbebenta ng pagkain) Parking: May bayad Contact: 0597-47-5371 (MAC Magotaro Auto Camp) Detalye: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_3497.html [Owase] Mikisato beach (Mikisato Beach) Isang beach na may mababaw na tubig at puting mga buhangin na may 1km ang haba. Sa tag-init mayroong maraming mga bisita at mga mangangalakal mula sa mga rehiyon ng Chukyo at Kansai. Mayroon ding beach volleyball tournaments at beach kayak. Lugar: Owase-shi Mikisato-cho Business hours: Simula ng Hulyo hanggang katapusan ng Agosto Toilet: Lima Beach house: Isa (minsan nauubusan ng establishment sa beach) Shower: Dalawa Parking: May bayad: ¥1.000 (mga 300 parking space) * Maaaring makapag barbecue (¥ 1,500 para as isang lugar) at mag set up ng tent / camping (¥ 2,500 kada tent) Contact: 0597-28-3046 (Mikisato Region Tourism Association) Detalye: https://www.kankomie.or.jp/spot/detail_3474.html Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Paano magsagawa ng emergency na tawag 2018 Accreditation Examination Para mapahintulutan na makumpleto ang compulsory education sa Junior High School » ↑↑ Next Information ↑↑ Paano magsagawa ng emergency na tawag 2018/08/06 Monday Kultura at Libangan 警察・救急車・消防の呼び方がわかりますか Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Alam mo ba kung paano tumawag ng ambulansya, bumbero o kung paano makipag-ugnayan sa pulisya kung bigla kang magkasakit, makaranas ng sunog o aksidente? Upang maprotektahan ang iyong pamilya, kabilang ang iyong sarili, napakahalaga na malaman muna kung saan at kung paano makipag-ugnayan tuwing magka-emergency. Sa video na ito, ipapakita namin sa inyo kung paano ang tamang paghatid ng impormasyon sa pulisya at bumbero tuwing magkakaroon ng emergency. Numero ng telepono na pang-emergency Ang mga numero na pang-emergency ay ayon sa sumusunod na limang mga sitwasyon. Available ang lahat ng 24 na oras. Sa kaso ng aksidente sa trapiko: 110 (pulisya) Sa kaso ng krimen / insidente: 110 (pulisya) Kapag kailangan mo ng ambulansiya, tulad ng biglaang pagkakasakit o masugatan: 119 (bumbero) Para sa sunog: 119 (bumbero) Sa kaso ng aksidente sa dagat: 118 (Coast Guard) Mga pantawag na maaaring magamit sa pang-emergency Para sa mga numerong 110 (pulisya) at 119 (kagawaran ng bumbero) maaari kang tumawag mula sa pampublikong telepono, landline, mobile phone, o PHS. Kapag naman sa pampublikong telepono, maaari mong pindutin ang “emergency call button”, hindi kailangan ng barya o card. Iangat ang handset, pindutin ang pulang “emergency call button”, pagkatapos ay i-dial ang “119” “110”. Pulisya: 110 daloy ng tawag Kapag magre-report sa pulisya, tumawag sa numerong 110 (Hyakutouban) Itatanong ng pulisya ang mga sumusunod na katanungan, mangyaring manatiling kalmado at sagutin. Anata wa nanigo wo hanashimasuka? (Anong language ang gamit mo?) Jikendesu ka? Jikodesu ka? Nanika arimashita ka? (Ito ba’y isang insidente? Ito ba’y isang aksidente? Anong nangyari?) Kega wa arimasu ka? (Nasugatan ka ba?) Basho wa doko desuka? (Saan ba ang lugar?) Itsu okimashitaka? (Kailan ito nangyari?) Hannin o miemashitaka? (Nakita mo ba ang suspek?) Ima dou natteimasuka? (Ano na ang nangyayari ngayon?) Anata no namae o oshiete kudasai (Pakisabi ang iyong pangalan) Kung ikaw ay nasangkot sa isang aksidente sa trapiko, naging biktima ng snatching o pagnanakaw, pati na rin ng karahasan, stalking, harrasments mula sa mga gangs, at iba pa, mangyaring kumunsulta sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya sa lalong madaling panahon. Kung ito ay isang emergency, tumawag sa 110. Bumbero: 119 daloy ng tawag Kapag magre-report sa bumbero, tumawag sa 119 (Hyaku jukyu ban). Kapag naka-dial ka sa 119, ang opisyal ay magtatanong sa iyo ng ilang mga katanungan. Mangyaring huwag mag-panic, manatiling kalmado at sagutin ang mga tanong. Bumbero Caller 119 fire department. Ito ba’y sunog? Ito ba’y isang emergency? Sunog po Paki-sabi ang address. Ang address ay ○○cho 1-chome 2-ban 3-go. May mga palatandaan ba sa paligid (madaling mapansn na building)? Katabi siya ng library. Ano ang nasusunog? Yung bahay ko ang nasusunog, yung katabi ng library. Anong pangalan mo at kasalukuyang gamit na phone number. Ang pangalan ko ay Shobo Hanako, ang number ko ay 123-4567. Ok, papunta na kami dyan. Ok ka lang ba? Mag-evacuate ka sa mas safe na lugar. Ok, po. Sa panahon ng sunog at emerhensiya, ang sasakyan na kanilang ipapadala ay iba. Sa kaso ng sunog, malinaw na magsabing “kaji desu.” Sa kaso ng sakit o pinsala, malinaw na magsabing “kinkyu desu.” Depende sa magnitude ng sunog o aksidente, maaari silang magpadala ng karagdagang ladder car o isang rescue vehicle. Hangga’t maaari sabihin ang sitwasyon ng sunog at aksidente ng tumpak at madaling maunawaan. Pagkatapos maipadala ang sasakyan, maaari silang tumawag muli. Mangyaring huwag patayin ang telepono na ginamit mo sa pag-report. Mga puntos na dapat tandaan kapag magre-report Sa kaso ng emerhensiya, krimen, sunog, aksidente sa trapiko o pagnanakaw, tawagan ang emergency number nang mahinahon at huwag mag-panic. Kapag nag-report at hindi alam ang address ng iyong kasalukuyang lokasyon, maaaring tumagal ng ilang oras bago dumating ang mga pulis at mga bumbero. Hangga’t maari ibigay ang tamang address at ipaliwanag ang sitwasyon. Gayundin, kung ipaalam mo sa kanila ang palatandaang mga gusali at direksyon tulad ng “Ito ay ○ ○ ng ○ ○ paaralan”, magiging madali itong maunawaan. Sa kasalukuyan, ang ugnayan sa pagitan ng pulisya at departamento ng bumbero ay nasa wikang Hapon lamang. Kapag magre-report, mahalaga na makipag-usap nang malinaw at sabihin kung saan at ano ang nangyari. Kung hindi ka makapagsalita ng wikang Hapon, humingi ng tulong sa mga taong maaaring makipag-usap as wikang Hapon. Ang mga tawag na pang-emergency (110 at 119) ay mga numero para humingi ng tulong sa kaso ng emerhensiya. Mangyaring huwag gamitin ito para sa mga konsultasyon at mga katanungan. * Sanggunian * https://www.police.pref.mie.jp/index.php http://www.pref.mie.lg.jp/D1BOUSAI/17168007955.htm http://www.fdma.go.jp/html/life/tel.html Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp