Ang Mie Prefecture Public Affairs Newspaper ay available sa 10 wika 三重県広報紙を10言語で配信しています Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2022/06/20 Monday Seminar at mga events Simula sa isyu ng Hunyo 2022, ang newspaper ng Mie Prefectural Public Affairs (Mie-ken Koho-shi 三重県広報紙) ay magagamit din sa electronic book (digital na edisyon) Bilang karagdagan sa pagiging available sa 10 wika (Japanese, English, Simple Chinese, Traditional Chinese, Korean, Thai, Portuguese, Spanish, Indonesian at Vietnamese), ang pahayagan ay madaling mabasa sa iyong smartphone o tablet screen, na may pop-up ( pinalaki na pag-zoom ng balita), automatic voice reading, atbp. Nilalaman ng Mie Prefecture Public Affairs Newspaper Impormasyon sa “mahahalagang proyekto at saloobin ng probinsya”, “mga events at impormasyon”, atbp. Paano gamitin ang electronic browser na bersyon ng Mie Prefectural Public Affairs Newspaper Tingnan sa pamamagitan ng “Catalog Pocket” sa pamamagitan ng link sa ibaba ng iyong browser http://www.catapoke.com/search/?keyword=mie-pref Pagkatapos piliin ang edisyon ng newspaper na gusto mong basahin, piliin ang display language. Paano gamitin ang electronic smartphone version ng Mie Prefecture Public Affairs Newspaper Maaari mong i-download ang application mula sa link sa itaas. Ang app ay libre. I-click sa icon ng magnifying glass para maghanap at mag-type ng: “mie-pref” Pagkatapos piliin ang edisyon na gusto mong basahin, piliin ang iyong gustong wika. Kung idagdag mo ang Mie Prefecture Public Affairs Newspaper sa opsyong “my content” sa loob ng Catalog Pocket, makakatanggap ka ng mga push notification. * Maliban sa Japanese na bersyon, ang iba pang 9 na wika ay awtomatikong ita-translate, kaya maaaring hindi maging sakto ang translation. * Kung makakita ang mga opisyal ng maling translation, isang notice ang ipapaskil sa “Catalog Pocket” at sa homepage ng City Hall. * Kung makakita ka ng anumang maling translation o hindi naiintindihan ang anumang translation, mangyaring magpadala ng email sa “Mie-ken Senryaku Kikaku-bu Kocho Koho-ka” (三重県戦略企画部広聴広報課): koho@pref.mie.lg.jp Tignan dito para sa karagdagang detalye: https://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/m0002300090.htm Contact “Mie-ken Senryaku Kikaku-bu Kocho Koho-ka” (三重県戦略企画部広聴広報課) koho@pref.mie.lg.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Summer National Traffic Safety Campaign (Julio/2022) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura » ↑↑ Next Information ↑↑ Summer National Traffic Safety Campaign 2022/06/20 Monday Seminar at mga events 「夏の交通安全県民運動」を実施します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga aksidente dahil sa matinding init ng tag-araw. Sundin ang mga patakaran sa trapiko, bigyang pansin ang iyong pisikal na kondisyon, manatiling hydrated at subukang magpahinga kung kinakailangan upang hindi ka masangkot o magdulot ng aksidente sa trapiko. Period Hulyo 11 (Lunes) hanggang Hulyo 20 (Miyerkules) 2022 10-day period Mahahalagang puntos Pag-iwas sa mga aksidente sa mga matatanda at bata Kapag nagmamaneho, bigyang pansin, laging asahan ang mga panganib at magmaneho nang maingat, igalang ang mga matatanda, bata, mga taong may kapansanan. Dapat na maunawaan ng mga nakatatanda ang mga epekto ng mga pagbabago sa pisikal na kundisyon na nangyayari sa edad kapag pagmamaneho, at subukang magmaneho alinsunod sa lagay ng panahon at pisikal na kondisyon. At kapag tumatawid sa kalsada, isaalang-alang ang bilis ng iyong paglalakad at huwag pilitin ang iyong sarili na tumawid. Pabagalin ang iyong sasakyan kapag malapit ka sa mga paaralan o mga kalsada ng paaralan, at palaging siguraduhing walang mga naglalakad sa paligid. Mag-ingat sa mga bata kapag nagmamaneho. Ang mga bisikleta ay nasa parehong kategorya ng mga kotse. Ang mga siklista ay dapat palaging sumunod sa mga tuntunin sa trapiko, at kumuha ng accident insurance. Kapag nagtuturo sa mga bata ng mga patakaran sa kalsada, ituro kung ano ang mapanganib at bakit. Priyoridad ng pedestrian Ang mga pedestrian ay may priyoridad sa tawiran. Kung may taong malapit sa tawiran, magdahan-dahan upang madali mong ihinto ang sasakyan, at bago tumawid sa tawiran, ihinto ang sasakyan at hintaying tumawid ang tao sa lane. Ang mga pedestrian ay dapat palaging gumamit ng tawiran kung may malapit na tawiran kapag tumatawid sa kalsada. Tamang paggamit ng seat belt at child seat Protektahan ang iyong sarili at ang iyong mga mahal sa buhay mula sa mga aksidente kapag gumagamit ng mga seat belt at child seat. When entering the car, all passengers must wear a seat belt, and children under 6 years must use child seats. Pag iwas na magmaneho ng nakainom ng alak Ang pagmamaneho habang lasing ay isang krimen. Kung magdulot ka ng aksidente o maaresto ng DUI, maaari kang mawalan ng lisensya sa pagmamaneho, at maging ang iyong trabaho at pamilya. Ang pagmamaneho na may hangover ay itinuturing ding drunk driving. Kung sa tingin mo ay medyo lasing ka pa o may hangover, huminto sa pagmamaneho. i-click dito upang makita ang flyer. Contact Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Kurashi Koutsu Anzen-ka Koutsu Anzen-han (三重県 環境生活部 くらし・交通安全課 交通安全班) TEL: 059-224-2410 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp