Summer National Traffic Safety Campaign

「夏の交通安全県民運動」を実施します

2022/06/16 Thursday Anunsyo, Kaligtasan

Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga aksidente dahil sa matinding init ng tag-araw.

Sundin ang mga patakaran sa trapiko, bigyang pansin ang iyong pisikal na kondisyon, manatiling hydrated at subukang magpahinga kung kinakailangan upang hindi ka masangkot o magdulot ng aksidente sa trapiko.

  1. Period

Hulyo 11 (Lunes) hanggang Hulyo 20 (Miyerkules) 2022 10-day period

  1. Mahahalagang puntos
    1. Pag-iwas sa mga aksidente sa mga matatanda at bata
  • Kapag nagmamaneho, bigyang pansin, laging asahan ang mga panganib at magmaneho nang maingat, igalang ang mga matatanda, bata, mga taong may kapansanan.
  • Dapat na maunawaan ng mga nakatatanda ang mga epekto ng mga pagbabago sa pisikal na kundisyon na nangyayari sa edad kapag pagmamaneho, at subukang magmaneho alinsunod sa lagay ng panahon at pisikal na kondisyon. At kapag tumatawid sa kalsada, isaalang-alang ang bilis ng iyong paglalakad at huwag pilitin ang iyong sarili na tumawid.
  • Pabagalin ang iyong sasakyan kapag malapit ka sa mga paaralan o mga kalsada ng paaralan, at palaging siguraduhing walang mga naglalakad sa paligid.
  • Mag-ingat sa mga bata kapag nagmamaneho.
  • Ang mga bisikleta ay nasa parehong kategorya ng mga kotse. Ang mga siklista ay dapat palaging sumunod sa mga tuntunin sa trapiko, at kumuha ng accident insurance.
  • Kapag nagtuturo sa mga bata ng mga patakaran sa kalsada, ituro kung ano ang mapanganib at bakit.
    1. Priyoridad ng pedestrian
  • Ang mga pedestrian ay may priyoridad sa tawiran. Kung may taong malapit sa tawiran, magdahan-dahan upang madali mong ihinto ang sasakyan, at bago tumawid sa tawiran, ihinto ang sasakyan at hintaying tumawid ang tao sa lane.
  • Ang mga pedestrian ay dapat palaging gumamit ng tawiran kung may malapit na tawiran kapag tumatawid sa kalsada.
    1. Tamang paggamit ng seat belt at child seat
  • Protektahan ang iyong sarili at ang iyong mga mahal sa buhay mula sa mga aksidente kapag gumagamit ng mga seat belt at child seat.
  • When entering the car, all passengers must wear a seat belt, and children under 6 years must use child seats.
    1. Pag iwas na magmaneho ng nakainom ng alak
  • Ang pagmamaneho habang lasing ay isang krimen.
  • Kung magdulot ka ng aksidente o maaresto ng DUI, maaari kang mawalan ng lisensya sa pagmamaneho, at maging ang iyong trabaho at pamilya.
  • Ang pagmamaneho na may hangover ay itinuturing ding drunk driving. Kung sa tingin mo ay medyo lasing ka pa o may hangover, huminto sa pagmamaneho.

i-click dito upang makita ang flyer.

  1. Contact

Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Kurashi Koutsu Anzen-ka Koutsu Anzen-han (三重県 環境生活部 くらし・交通安全課 交通安全班)

TEL: 059-224-2410

Tungkol sa paggamit ng face masks ng mga bata

2022/06/16 Thursday Anunsyo, Kaligtasan

I-click dito para sa impormasyon sa paggamit ng face mask para sa mga adults.

Noong Mayo 2022, ang mga bagong alituntunin ay ipinataw ng gobyerno sa paggamit ng mga face mask.

  • Ang mga batang nasa pagitan ng 2 hanggang 5 taong gulang ay hindi kinakailangang magsuot ng face mask, anuman ang distansya sa pagitan ng ibang tao.
  • Ang paggamit ng facemask ay hindi inirerekomenda para sa mga batang nasa pagitan ng 0 at 1 taong gulang. Kinakailangan para sa mga magulang na maging maingat at masusing obserbahan ang  kalusugan ng bata kapag magsusuot ng facemask.
  • Ang mga batang papasok sa paaralan (edad 6 hanggang 18) ay hindi kinakailangang magsuot ng facemask sa panahon ng mga klase sa physical education, mga extracurricular sports activities, at sa pagpunta at pauwi sa paaralan.

Kapag nasa labas (Guidelines para sa mga batang may edad 6 hanggang 18)

Kapag kayang panatilihin ang layo na halos 2 metro mula sa ibang tao Kapag hindi kayang panatilihin ang layo na halos 2 metro mula sa ibang tao
Kapaga nakikipag-usap ng matagal Hindi kinakailangang magsuot ng facemask Kailangang magsuot ng facemask
Kapag kaunti lang o hindi nakikipag-usap Hindi kinakailangang magsuot ng facemask Hindi kinakailangang magsuot ng facemask

 

Kapag nasa loob (Guidelines para sa mga batang may edad 6 hanggang 18)

If you can maintain a distance of about 2 meters from other people If you cannot maintain a distance of about 2 meters from other people
Kapaga nakikipag-usap ng matagal Kailangang magsuot ng facemask Kailangang magsuot ng facemask
Kapag kaunti lang o hindi nakikipag-usap Hindi kinakailangang magsuot ng facemask Kailangang magsuot ng facemask

Tungkol sa paggamit ng face masks ng mga bata, gawa ng Ministry of Health, Labor and Welfare-MHLW (Kousei Roudou-sho)