Gaganapin ang Tsudaka-To Gijutsu Gakko (Tsudaka Technical High School) Open Campus [津高等技術学校] オープンキャンパスを開催します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2017/06/07 Wednesday Seminar at mga events Ang Tsudaka-To Gijutsu Gakko (Tsudaka Technical School) ay isang vocational ability development school ng Mie Prefecture na kung saan hinahasa nito ang mga manggagawa na siyang magtatayo ng isang malakas na puwersta sa industriya. Dito, hindi lamang mapag-aaralan ang mula basic at applied na teknika na kinakailangan sa “Manufacturing”, kundi sinu-suportahan namin ang mga acquisition ng mga iba’t-ibang kuwalipikasyon na magagamit para sa national certification exam at paghahanap ng trabaho ayon sa napiling okupasyon. Isasagawa ang Open Campus upang maintindihan ng lahat ang layunin ng aming eskwelahan. 1)Target Person High school students, Mga may batang edad na naka-graduated ng high school, atbp. 2) Nilalaman 1) Tour style (hindi kailangang mag-apply, walang capacity limit) School summary explanation, employment status, application status, facility tour by demonstration, atbp. 2- Training experience style (Kailangang mag-apply, 10 katao kada department kada araw, gagawing bunutan kapag lumagpas sa capacity) Experience by category na gamit ang practical training facilities <Halimbawa> Machine Control System Department: Metal Cutting Experience, Drawing with Design Software Electronic Control Information Department: Electronic Control, Remote Control Experience by Microcomputer Program Department of Automotive Engineering: Disassembling of Automobile Engine, Understanding of Structure of Internal Combustion Engine Metal Craft Department: Spray Coating Painting Various Sheet Metal Structures Building Construction Engineering Department: Proposing a seat using wooden materials 3 ) Araw at Horas 1 Tour style June 10 (Sabado) July 25 (Martes) September 30 (Sabado) Reception: 12:50pm – 1:20pm Implementation: 1:20pm – 3:30pm 2 Training Experience Style August 7 (Lunes) hanggang 10 (Huwebes) apat na araw Reception: 12:50pm – 1:20pm Implementation: 1:20pm – 4:00pm 4) Others Kailanagan ang application sa “Training experience style”. Mangyaring punan ang application form ng inyong personal information, gustong kurso, gustong araw, atbp. Mangyaring ipadala by fax o e-mail. Ang application period ay simula sa June 12 (Lunes) hanggang July 7 (Biyernes). Maaaring mag-download ng application dito: http://www.tcp-ip.or.jp/~tsutech/pdf/data/openc/opencampusfax.pdf Libre ang partisipasyon ※Maaaring ma-cancel kapag may bagyo. Sa ganitong sitwasyon, ipapa-alam namin sa aming Homepage. Makipag-ugnayan sa: Mie Prefecture Tsudaka-To Gijutsu Gakko Address: 〒514-0817 Tsu Shi Takajaya Komori Cho 1176-2 (Along Route 165) TEL: 059-234-2839 FAX: 059-234-3668 E-mail kikaku@kr.tcp-ip.or.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Vocational Skills Development School – Tsu Advanced Vocational-Technical Training School Alamin ang Consumer Rights Consultation Service » ↑↑ Next Information ↑↑ Vocational Skills Development School – Tsu Advanced Vocational-Technical Training School 2017/06/07 Wednesday Seminar at mga events 「津高等技術学校」職業訓練を受けられる三重県の施設を紹介します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Sa video na ito ay ipapakilala namin ang Technical School sa probinsya ng Mie sa Tsu (Miekenritsu Tsu Koutou Gijutsu Gakkou), na nagbibigay ng iba’t-ibang mga propesyonal na pagsasanay at naglalayong magbigay ng kwalipikasyon para makapag-trabaho ang estudyante at matutunan ang mga teknika at iba’t-ibang mga skills. Ang Tsu Advanced Vocational-Technical Training School ay nagbibigay ng isang kumpletong iskedyul ng klase para sa mga estudyante upang matutunan ang mga pamamaraan at mga kasanayan na kinakailangan para sa trabaho. Ang mga specialized na guro ay magtuturo sa mga estudyante sa mga detalye batay sa patakaran ng pang-edukasyon upang sanayin ang kanilang creativity para sa propesyonal na lipunan at tulungan silang makamit ang iba’t-ibang kwalipikasyon. Ang paaralan ay nagbibigay ng kurso na may training period na dalawang taon, isang taon, anim na buwan at tatlong buwan. Ang training period ay maaaring mag-iba ayon sa mga kurso, gayunpaman, ang lahat ng mga estudyante na nagtapos mula sa paaralan sa 2016 ay ipapasok sa labor market. 「Interview 1 – Miyamoto Kouki – Vice Director and Associate Director」 Ginagamit namin ang salitang “professional training”, pero ang ibig sabihin nito ay ang mga estudyante ay matuto ng mga teknika at skills para sa job market. Ito ay isang paaralan na nagfo-focus sa ganitong mga pag-aaral. Isa sa mga kurso na inaalok ng Tsu Technical School ay ang Kinzoku Seikei-Ka (metal molding course) na tumatagal ng 6 na buwan. Ang kurso na ito ay para sa manggagawa na may konti o walang experience at interesado na magtrabaho sa sheet metal welding sa mga pabrika at metalworking industries. 「Interview – Hiraga Takumi – Welding Course Teacher」 Ipapaliwanag ko ang kurso na “Kinzoku Seikei-Ka”, na may training period at horas na 6 na buwan. Ang pangunahing focus ay ang pag-aaral ng teknika sa pagwe-welding, Bukod pa dito, may mga pagbabago sa kurso simula noong Abril ngayong taon.May Japanese class din na isasama tuwing klase. At ngayon, layunin namin na makamit ang mas mahirap na kwalipikasyon at mga lisensya. Ang ibang mga skills training ay isasagawa gamit ang crane at forklifts. Tanong: Nakakapasok na ba ang mga foreigners sa job market? Oo. May ilang mga foreigners na nagawang makapasok sa isang Japanese companies bilang isang regular employee. At madami ding nakakapag-trabaho ng welding sa mga contractors. Ang employability rate ay halos nasa 100%. Madami ng mga residente na may foreign nationality na naka-graduate sa kursong ito, at nakatanggap ng importanteng certificates para sa paghahanap ng magandang qualified na trabaho. Subalit ang Tsu Technical School ay nago-offer ng iba pang mga options sa professional courses maliban pa sa “Kinzoku Seikei-Ka”. Sa loob ng taon ay may isinasagawang Open Campus na may 5 industrial courses, para maging interesado na pumasok at mas makilala pa ang paaralan. Ito ay ang mga sumusunod: Machine Control System (Kikai Seigyo Shisutemu-ka) Automotive Technology (Jidousha Gijutsu-ka) Information on Electrical Controls (Denshi Seigyo Joho-ka) Metalworking (Metal Craft-ka) Construction (Kenchiku Seko-ka) 「Interview 2 – Miyamoto Kouki – Vice Director at Associate Director」 May 5 uri ng mga kurso. Isa na dito ang “Kikai Seigyo Shisutemu-ka”. Ang kurso na ito ay naglalayon sa pag-mold o pag-hurma ng bagay habang pinuputol ang iron plaques. Ang “Jisousha Gijutsu-ka” ay ang pag-aaral ng maintenance ng mga sasakyan. Ang “Denshi Seigyo Joho-ka” ay ang pag-aaral ng paggawa at pag-galaw ng mga bagay sa loob ng pabrika at ang pag-aaral sa kaalaman tungkol sa electricity at electrical systems sa loob ng electronic devices. Ang Metal Craft-ka ay ang paggawa ng mga bagay habang ito ay bini-bend, weld at kino-konekta. At ang huli naman ay ang “Kenchiku Seko-ka”, na kung saan ay nagtatayo ng mga bahay habang nagpa-plano ng construction plans at buildings at ang huling magiging construction ay isang bahay. Ito ang limang mga kurso. Bukod pa dito, may mga kurso din para sa Computer CAD (“Pasokon CAD”), Office Courses (“Office Business”), Professional training ng Health Professionals (“Kaigo Fukushi-shi Yosei”) at iba pang mga kurso. Mangyaring tignan ang iba pang mga kurso sa Tsu Technical School website. Para sa mga manggagawa na naghahangad ng improvement para mas lumaki ang chance sa job market, ang Tsu Technical School ay nagbibigay ng study schedules para sa mga detalyadong skills at teknika na kinakailangan ng lipunan. 「Interview 3 – Miyamoto Kouki – Vice Director at Associate Director」 Malinaw naman na ang layunin namin dito ay ang professional development. Ito ang pinaka-importanteng bagay. Simula ngayon, ang professional development ng skills at techniques ay magiging importante para sa kanilang trabaho. Ang mga residente na may foreign nationality na naghahangad na mas mahasa ang kanilang kakayahan professionaly ay maaaring makapag-enroll sa mga kurso ng Tsu Advanced Vocational-Technical Training School. 「Interview 4 – Miyamoto Kouki – Vice Director at Associate Director」 Katulad ng sinabi ko, ang skill at teknika ay napaka-importante. Simula ngayon ay mas dadami pa ang mga dadating na foreigners sa Japan, at tiyak na mangangailangn ng mga trabahador, hinihiling ko na sa mas dumami ang kumuha ng kursong ito at magsumikap dito sa Japan. Sa website ng Tsu Advanced Vocational-Technical Training School ng Mie Province sa Tsu, may nakasaad na detalyadong impormasyon tungkol sa inaalok na mga kurso at mga petsa ng Open Campus. Link: http://www.tcp-ip.or.jp/~tsutech/ (Sa wikang Japanese lamang) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp