(Oktubre 2017) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

(2018年1月)県営住宅の定期募集について

2018/01/05 Friday Paninirahan

Panahon ng aplikasyon

Hanggang Enero 31, 2017

Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat , upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

Mangyaring mag-click dito

I-check naman ang URL sa ibaba tungkol sa (Kuwalipikasyon ng application ng pag-upa),(mga patakaran sa pag-upa) atbp.

http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/35745031344.htm

*Ang mga impormasyon dito ay sa wikang Hapones lamang.

*Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggat sa mabuo ang bilang ng mga na-solicit na aplikasyon. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang Marso 7, 2018 (Miyerkules).

*Ang homepage ng pabahay ng prepektura ay hindi namakikita paglagpas ng panahon ng aplikasyon sa ika-7 ng Marso.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ng Aplikasyon  Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office   Araw ng bunutan   Araw ng pag-upa 
Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan

ng Augusto

Oktubre 1
Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan

ng Nobyembro

Enero 1
Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan

ng Pebrero

Abril 1

*Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.  Subalit sa buwan ng Enero, mula Enero 5 ang unang araw na matatapat ng Martes o Biyernes ang simula ng pag-apply.

 Makipag-ugnayan sa:

Mie Prefecture Land Development Division Housing Section Housing Management Team
Tel: 059-224-2703 (Sa wikang Hapon lamang)

Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod:

(1) Hokusei Block (Kuwana Shi, Kawagoe-cho, Yokkaichi Shi, Suzuka Shi) TEL 059-373-6802

(2) Nakasei Iga Block ( Tsu Shi, Iga Shi) TEL 059-221-6171

(3) Nanzei・Azuma Kishu Block (Matsusaka Shi, Ise Shi, Toba Shi, Owase Shi, Mihama Cho) TEL 059-222-6400

Pagpapakilala ng dayuhang residendente na aktibo sa komunidad na patungo sa isang Multicultural Coexistence Society

2018/01/05 Friday Paninirahan

多文化共生社会に向けて地域社会で活躍する外国人住民の紹介

Ang mga dayuhan na naninirahan sa Mie Prefecture ay makikita ang pagtaas mula sa tatlong taong nakakaraan. Ayon sa data noong Disyembre ng taong 2016, ang Mie Prefecture ay may mahigit na 43,000 na nakatirang mga dayuhan, na nasasangkop bilang 2.36% ng populasyon. Ang mga naninirahan sa Mie Prefecture ay galing sa iba’t ibang bansa at rehiyon na may bilang ng mga nasyonalidad na hindi lalampas ng isang daan.

bagamat may iba’t-ibang rason kung bakit dumating sa Japan, ang mga foreigners ay naninirahan bilang isang miyembro ng lipunan sa kanilang mga lugar. Madami sa mga tao ang nakikibagay sa Japanese society at positibong natatanggap ang kultura, paniniwala, pamumuhay at linguwahe habang patuloy pa din na pinapatupad ang kanya-kanyang mga paniniwala at cultural background.

Sa sandaling ito, kasama sa mga dayuhang residente, ang mga Pilipino na pumapangatlo sa pinaka-marami na sumunod sa Brasil at China, na unang dumating sa Japan 15 taon ng nakalilipas, ay sumasali sa mga conference ng mga foreigner, interpreters, mga klase para sa international understanding sa mga eskwelahan, atbp., nakapanayam namin ang dalawang tao na nagko-contribute sa pagbuo ng isang lipunan na may multicultural coexistence.

Ang unang grupo ay si Mrs. Sarah Bartolome na nakatira sa Matsusaka City at ang kanyang asawa na si Mr. Marco Bartolome. Si Sarah ay nagta-trabaho sa Matsusaka City bilang isang interpreter. Ibinahagi niya ang karanasan bilang isang interpreter.

Ang pagiging translator ay napaka-importante kasi may mga Pilipino na kahit matagal ng nakatira sa Japan, mayroon silang hindi alam na terms pagdating sa Municipal Office, katulad ng mga dokumento, kung ano yung kailangan kuhanin at minsang marunong silang mag-Japanese pero wala silang lakas ng loob na makipag-usap o hindi nila masyado naiintindihan ang sinasabi ng mga Hapon. Kaya’t napaka-importante talaga dahil nakakatulong kami sa maraming Pilipino at bukod pa dito hindi lang Pilipino, Brasil, Chinese, Peru marami talaga so nakakatulong kami kaya’t kailangang magkaroon ng translator sa bawat siyudad.

Si Sarah ay nakilahok sa conference ng mga dayuhang residente ng Mie Prefecture, tinanong namin ang kanyang dahilan sa pagsali.

Bilang isang miyembro, noong sumali ako doon sa meeting na yon, ang daming naitulong saakin kasi madami akong impormasyon na nalaman galing sa ibang tao. Tapos marami akong, base sa aking karanasan, kapag tinatanong nila ako ay nabibigyan ko sila ng suporta o kahit konting tulong sa aking makakaya upang matulungan sila sa kanilang sitwasyon. Kaya’t lubos akong nagpapasalamat dahil naging miyembro ako at pati na din sa pagsali sa ganitong klase ng society.

Si Sarah at si Marco ay nagbahagi ng kanilang karanasan sa pagpapalaki ng kanilang apat na anak.

Noong una napaka-hirap dahil hindi ako magaling magsalita ng Japanese, pero natuto ako. Nag aral ako mag-isa upang maturuan ko kahit konti ang mga anak ko, kaya noong pumasok na sila sa school nagsimula na silang matuto. Ang mahirap lang kasi ay ginagaya nila ang ibang mga batang hapon, in a good way, nai-express nila yung sarili nila pero syempre mayroon kaming katulad ng mga lola nila kapag pumupunta sila dito at nakikita nila sasabihin nila, “bakit hindi magalang ang anak mo”, ganyan so sinisikap nilang intindihin na iba ang kultura. Saamin din ganon, so kung hindi naming oobserbahan sasabihin nila na hindi magalang o unrespectful ang bata.

 

Tinanong namin kung ano ang hangad nila para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

Bilang tatay katulad ng lahat, gusto ko yung gusto nila, kung ano yong gusto nilang mangyari sa kanilang buhay hindi lang na porket gusto ko silang maging engineer ay itutulak ko sila para maging engineer hindi, ang gusto ko ay i-enjoy nila ang buhay at kung ano ang gusto nila paglaki nila. Support lang, magsu-suporta lang kami at iga-guide lang naming sila sa tamang daan

 

Ang pangalawang interbyu ay si Mrs. Leonela Ramis na nakatira sa Suzuka-shi. Siya ay nasa international marriage ng isang Japanese national at kasalukuyang nagpapalaki ng 4 na anak.  Nagbalik tanaw siya sa mga hirap na kanyang naranasan noong una siyang dumating sa Japan.

Simula noong, syempre lahat naman siguro ng mga bago dito sa Japan, hindi marunong sa salita, yung sinasabi nilang language. So nahirapan ako kasi zero, nag-start talaga ako sa walang alam na Nihonggo. Ang alam ko lang ay yung ano lang nila Aisatsu, yung greetings lang nila katulad ng pasasalamat, konnichiwa, arigatou, yun lang alam ko na salita so nahirapan ako makipag-communicate sa mga taong nakapaligid saakin tsaka unang-una syempre wala akong kamag-anak dito sa Japan, wala akong kakilala so naging ano rin saaakin na naging problema nanagkaroon ako ng homesick sa pamilya kasi masyado akong close sa pamilya ko so yon nahirapan ako doon noong unang dating ko dito talaga yung salita nila hindi ako marunong magsalita.

 

Si Mrs. Ramis ay naga-assist sa mga foreigners bilang isang interpreter ng Mie International Exchange Foundation. Ibinahagi nya ang kanyang saloobin bilang isang interpreter.

Talagang para rin syempre yung mga nauna kong naranasan, nung unang panahong na talagang wala akong alam zero talaga hindi ko alam ang gagawin ko so at the same thing na gusto ko din makatulong doon sa mga bagong taong halimbawa bagong pasok sa Japan o mga walang alam na salitang hapon, pangangailangan nila sa buhay so doon sa tina-trabahuan ko sa Mie Kokusai Koryu Zaidan meron doon, meron siyang tinatawag na madoguchi or desk for help desk para sa mga Filipinos or don sa mga marunong magsalita ng English. So kung ano man ang pangangailanagan nila tatawag sila doon sa office sa Mie Kokusai Koryu Zaidan, Doon malalaman kung halimbawa mayroon silang problema sa ano-anong bagay halimbawa sa Health Insurance na hindi nila alam hindi nila mabasa so pumupunta sila doon sa opisina para manghingi ng tulong so maganda din yon para sa mga, nakakatulong din talaga para sa mga Filipino na nakatira sa Mie Ken dito sa Japan.

Ano ang mensahe na maibibigay mo sa mga foreigners na nakatira sa Mie Prefecture.

Ang message ko para sa kanila syempre, iba-iba ang tinatakbo ng pamumuhay natin dito sa Japan pero syempre lahat tayo ay nagsisimula sa mahirap lalong lalo na kung hirap tayo sa pagsasalita ng hapon, pagbabasa, pagsususlat so sa trabaho marami tayong paghihirap pero nasa satin kung papaano natin iistep-up ang sarili natin, ili-level up ang sarili natin para mawala na tayo sa paghihirap natin so nasa satin kung papaano natin i-enhance ang sarili natin katulad ng nangyari saakin noon na hindi habangbuhay hindi ako marunong magbasa kasi dito ako nakatira sa Japan so kailangan marunong ako kasi dito ako at dito ko palalakihin ang mga anak ko. Mag-iisip tayo ng paraan kung paano natin made-develop ang sarili natin at tsaka hindi lang puro hirap, so nasa satin yun kun paano nati io-overcome yung paghihirap na nagyayari satin ngayon so kailangan lang talaga natin ng tinatawag sa nihonggo na “Douryoku” (pagsisiskap) para sa sarili.

May ibang mga tao na aktibong sumusuporta ng sarili nilang kagustuhan sa mga dayuhang residente sa pamamagitan ng pakikipagsanib ng lakas kasama ang administrasyong Hapon, pribadong organisasyon at institusyong pang edukasyon katulad ng mga taong ipinakilala namin.

Upang mabuo ang isang multicultural coexistence society na layunin para sa Mie Prefecture, may mga limitasyon ang mga kayang gawin ng mga Japanese at ganun din sa mga kayang gawin ng side ng mga foreigners. Ang importanteng bagay ay matutong magkaintindihan ang mga dayuhan at Hapon, matanggap ang mga pagkakaiba sa isa’t-isa, at mapagsanib ang lakas sa pamamagitan ng pantay na pakikitungo at ang mga taong may diverse na backgrounds bilang lokal na residente, sa pamamagitan ng pagbuo ng komunidad na magkasama ay maiintindihan ang isang multicultural coexistence society.