Ang tag-init ay darating na sa lalong madaling panahon at kapag ang temperatura ay biglang umangat o tumaas ang humidity, ang mga araw na ito ay malamang madaling magka-heat stroke. Ang heat stroke ay nangyayari rin kapag ikaw ay nasa loob ng bahay o natutulog. Matuto nang tama kung paano maiwasan ang heat stroke at kung paano haharapin ito, at nawa’y magkaroon ng masayang tag-init.
Sanhi
Kung ang temperatura at humidity ay mataas ng mahabang panahon, ang balanse sa pagitan ng likido at asin sa katawan ay nagko-collapse. Ang pag control ng temperatura ng katawan ay hindi maayos, at ang heat stroke ay nangyayari sa pamamagitan ng init na nakulong sa katawan.
Sintomas
- Pagkahilo
- Pamamanhid ng mga limbs
- Sakit ng ulo
- Pagduduwal atbp.
- Ang pagkawala ng kamalayan (Nawawalan ng malay o hindi malinaw kapag sumasagot)
- Sa pinaka-malalang kaso, maaaring maging sanhi ng kamatayan.
Paraan ng pag-iwas
- Madalas na intake ng likido at asin
- Magsuot ng mga damit na nakakapasok ang hangin
- Kapag lumabas, gumamit ng sumbrero o payong
- Ang mga taong hindi sanay sa init, itigil ang pag-ehersisyo sa araw na mainit
- Panatilihin ang kuwarto ng isang naaangkop na temperatura sa pamamagitan ng paggamit ng isang rattan blinds, bintilador o isang air conditioner
Paano kung ikaw o ibang tao ay ma-heat stroke
- Lumisan sa isang preskong lugar
- Bawasan ang suot na damit at palamig ang katawan
- Palitan ang kundisyon ng katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig at pagkain ng asin
* Kung hindi makainom ng tubig o mawalan ng malay, agad na tumawag ng ambulansiya.
Sanggunian
Mie-ken Iryo Hoken-bu Kenko-dzukuri-ka Gan Kenko Taisaku-han