Naghahanap ng mga kalahok para sa pagsasanay sa language support sa oras ng mga sakuna 災害時語学サポーター養成研修の受講者を募集します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2018/06/22 Friday Kaligtasan Bilang isang human resources na may mahalagang papel sa pagsasalin at pagpapaliwanag ng “lunas” sa mga dayuhang residente sa mga evacuation center at multilingual support center na itinatag sa malalaking sakuna, magsasagawa kami ng pagsasanay sa “language support sa oras ng kalamidad”. Araw at Oras Ika-1: Hulyo 8, 2018 (Linggo) simula 10am hanggang 4pm Ika-2: Agusto 19, 2018 (Linggo) simula 10am hanggang 4pm Ika-3: Setyembre 9, 2018 day) (Linggo) simula 10am hanggang 4pm Lugar UST PLAZA Training Room A · Conference Room 1 (Tsu City Higashi-cho 700 UST Tsu 4th Floor) Map information: UST Tsu / Surrounding Map Mga kalahok ※Kahit anong nasyonalidad ・Portuguese, Chinese, English: May kakayahang makapag interpret at translate sa kada linguwahe (Bilang isang gabay, Portugues ay intermediate o mas mataas, ang Chinese ay HSK 4 gradeo mas mataas, Ang english ay Grade 2 o mas mataas) ・Easy Japanese: Ang mga taong may kaugnayan sa kalamidad, ang mga interesado sa pagsuporta sa mga dayuhan sa oras ng kalamidad, atbp. ・Ang mga taong maaaring lumahok sa lahat ng tatlong sesyon ng pagsasanay at ang “disaster multilingual support center setting and management training” sa Linggo, Nobyembre 18, 2018. Kapasidad 60 katao (mga 15 katao kada linguwahe) Tuition fee LIBRE Paraan ng pag-apply Maaaring punan ang kinakailangang application form at mag-apply by e-mail, fax, o post.※Para sa flyers ・ Applications i-click dito(PDFファイル(932KB) Deadline ng application July 4, 2018 (Wed) * Kapag napuno na ang capacity, ang pagtanggap ay ititigil bago pa man ang application deadline. Contact address Koeki Zaidanhojin Mie Ken Kokusai Kōryū Zaidan (Address: 〒514-0009 Tsu City Higashi-cho 700 UST Tsu 3rd floor) Project manager: Uehara, Inoku (Ikari) TEL: 059-223-5006 FAX: 059-223-5007 E-mail: mief@mief.or.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Tungkol sa gastrointestinal cold (nakakahawang gastroenteritis) Mag-ingat sa heat stroke » ↑↑ Next Information ↑↑ Tungkol sa gastrointestinal cold (nakakahawang gastroenteritis) 2018/06/22 Friday Kaligtasan 感染症の対処方法を知ろう Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Maraming mga tao na malamang ang nakakakita ng mga balita tulad ng “Lumalaganap ang Gastrointestinal cold.” Naiintindihan nyo ba ng mabuti ang lahat ng tungkol sa gastrointestinal cold? Ang gastrointestinal cold ay isang nakakahawang sakit na tinatawag na “Impactious Gastroenteritis”. Ang bilang ng mga taong nahawaan ay kadalasang tataas simula ng Nobyembre at ang peak ay sa Disyembre. Matapos noon ay pansamantalang ito ay bumababa, ito ay tataas muli tuwing Enero hanggang Marso, at pagkatapos ay unti-unti ulit itong bumababa. Ang Norovirus at Adenovirus tuwing taglamig, impeksyon ng Rotavirus tuwing spring at mga unang buwan ng tag-init ay mas lalong lumalaganap. Gayon din ang mga bacterial katulad ng Vibrio Parahaemolyticus at ang mga tinatawag na food poisoning ay ang mga sanhi ng gastroenteritis sa tag-init. Kaya’t ang gastroenteritis ay nangyayari sa buong taon. Alamin natin ang mga sintomas ng gastroenteritis at ang ruta ng impeksyon at sikapin na mapigilan ito. Pangunahing sintomas Ang mga sintomas ay katangian ng sakit ng tiyan, pagtatae, pagsusuka, mababang lagnat atbp. Ito ay karaniwang gagaling sa loob ng ilang araw hanggang sa isang linggo. Gayunpaman, sa matinding sintomas, maaaring magdulot ng dehydration o paggaling ng higit pa sa isang linggo. Kung ang mga sintomas ay hindi gumagaling, pumunta sa isang medical institution at magpa-medical check-up. Ang ruta ng impeksiyon Sa kadalasang kaso, mahahawaan ng gastroenteritis kapag nakipag-ugnayan sa isang pasyenteng may sakit nito (tae, suka , atbp.), contaminated na tubig, pagkain at kapag ang oral virus at bacteria ay nakapasok sa katawan. Paraan ng pag-iwas Sa bahay, mangyaring bigyang-pansin ang mga sumusunod na puntos at mangyaring mag-ingat. Paghugas ng kamay Hugasan ng mabuti ang mga kamay sa dumadaloy na tubig gamit ang sabon bago at pagkatapos magluto, bago kumain, pagkatapos gumamit ng banyo, pagkatapos magpalit ng diaper, atbp. Kung mayroong nahawaang tao sa inyong bahay, mangyaring huwag ibahagi ang mga tuwalya atbp pagkatapos ng paghuhugas ng kamay, mangyaring gumamit ng isa pa. Mga puntos na kailangang tandaan sa pag-handle ng dumi (tae at suka) ng taong nahawaan Magsuot ng masks at disposable gloves at huwag direktang hawakan ang dumi. Panatiliin ang ventilation tulad ng bagbubukas ng bintana, atbp. Kapag kinakailangang punasan ang sahig, punasan ito ng chlorine disinfectant na may sodium hypochlorite o isang pambahay na chlorine bleach (i-dilute ang chlorine concentration ng 0.02%) at i-disinfect ito. Ilagay ay pinunas na tuwalya o paper towel sa isang plastic bag, isara itong mabuti, i-disinfect at itapon ito. Pag-iinit ng pagkain at kagamitan sa pagluluto Initin mabuti ang pagkain, siguraduhin na maluto hanggang sa loob ang mga pagkain. Agad na hugasan ang ginamit na kutsilyo at cutting board. Pagbabakuna Maaaring boluntaryong makapag-pabakuna ng Rotavirus ang mga sanggol. Kapag nahawaan ng gastroenteritis, ang mga masakit na sintomas ay matagal mawala. Ang paggamot dito ay kadalasang symptomatic treatment (ang pagpawi ng mga sintomas o pagtanggal ng mga sintomas sa pamamagitan ng pag-release ng bacteria at mga virus sa halip na direktang alisin ang sanhi ng sakit), at matagal ito bago gumaling. Samakatuwid, ang pag-iwas ay pinakamahalaga. Mangyaring gamitin din ang impormasyong ito sa lahat ng paraan upang protektahan ang iyong pamilya kasama na ang iyong sarili. *Sanggunian* (Japanese only) http://www.kenkou.pref.mie.jp/topic/ityou/ityou.htm http://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/m0014900034.htm http://www.city.yokkaichi.lg.jp/www/contents/1509495290979/index.html Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp