Ang karagdagang sistema ng pagtanggap ng 4th Generation Nikkei ay magsisimula na!

日系4世の更なる受入制度が始まります!

2018/06/26 Tuesday Anunsyo

Mula sa Hulyo 1, 2018, magiging posible para sa ika-4 na henerasyon ng Japanese Nikkei na mga bisita upang manatili sa Japan sa isang status of residence na Specific Activities (mga aktibidad upang matuto ng kultura at wika ng Japan atbp). Kung matutugunan ang inerekomendang requirements, maaaring manatili sa Japan ng maximum na kabuuan na 5 taon.

  • Ang mga aktibidad na maaaring gawin ng mga 4th Generation Nikkei sa Japan
  1. Mga aktibidad upang matutunan ang kultura at wikang Hapon (mahalaga)
  2. Working activity

* Para sa layuning makapag-trabaho lamang ay hindi pinapayagan

  • Mga pangunahing kinakailangan para sa aplikasyon
    • Ang pagiging 4th Generation Japanese
    • Ang pagiging higit sa 18 taong gulang at wala pang 30 taong gulang nang pumapasok sa Japan
    • Ang pagiging malusog
    • Maunawaan ang basic Japanese (N4 degree na Pagsusulit sa Kasanayan sa Wikang Hapon)
    • Siguradong tanggap na ika-4 na Generation Nikkei
    • Walang rekord na kriminal
    • Return travelling ticket o pagkakaroon ng sapat na pondo upang bumili ng ticket
    • Mayroong patunayan mula sa mga prospect ng mga gastos sa pamumuhay at trabaho pagkatapos na pumasok sa bansa
    • Mag-isang pupunta sa Japan at hindi kasama ang pamilya

* Para sa detalyadong impormasyon, pakibisita ang website ng Ministry of Justice sa ibaba. (Portuges, Espanyol at Ingles)

http://www.moj.go.jp/nyuukokukanri/kouhou/nyuukokukanri07_00166.html

* Kung kailangan mo ng karagdagang impormasyon o nais na kumunsulta sa amin, mangyaring makipag-ugnayan sa Imigrasyon Bureau na malapit sa inyo o sa Foreign Resident General Information Centre (TEL: 0570-013904).

Mag-ingat sa heat stroke

2018/06/26 Tuesday Anunsyo

熱中症に注意しましょう

Ang tag-init ay darating na sa lalong madaling panahon at kapag ang temperatura ay biglang umangat o tumaas ang humidity, ang mga araw na ito ay malamang madaling magka-heat stroke. Ang heat stroke ay nangyayari rin kapag ikaw ay nasa loob ng bahay o natutulog. Matuto nang tama kung paano maiwasan ang heat stroke at kung paano haharapin ito, at nawa’y magkaroon ng masayang tag-init.

Sanhi

Kung ang temperatura at humidity ay mataas ng mahabang panahon, ang balanse sa pagitan ng likido at asin sa katawan ay nagko-collapse. Ang pag control ng temperatura ng katawan ay hindi maayos, at ang heat stroke ay nangyayari sa pamamagitan ng init na nakulong sa katawan.

Sintomas

  • Pagkahilo
  • Pamamanhid ng mga limbs
  • Sakit ng ulo
  • Pagduduwal atbp.
  • Ang pagkawala ng kamalayan (Nawawalan ng malay o hindi malinaw kapag sumasagot)
  • Sa pinaka-malalang kaso, maaaring maging sanhi ng kamatayan.

Paraan ng pag-iwas

  1. Madalas na intake ng likido at asin
  2. Magsuot ng mga damit na nakakapasok ang hangin
  3. Kapag lumabas, gumamit ng sumbrero o payong
  4. Ang mga taong hindi sanay sa init, itigil ang pag-ehersisyo sa araw na mainit
  5. Panatilihin ang kuwarto ng isang naaangkop na temperatura sa pamamagitan ng paggamit ng isang rattan blinds, bintilador o isang air conditioner

Paano kung ikaw o ibang tao ay ma-heat stroke

  1. Lumisan sa isang preskong lugar
  2. Bawasan ang suot na damit at palamig ang katawan
  3. Palitan ang kundisyon ng katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig at pagkain ng asin

* Kung hindi makainom ng tubig o mawalan ng malay, agad na tumawag ng ambulansiya.

Sanggunian

Mie-ken Iryo Hoken-bu Kenko-dzukuri-ka Gan Kenko Taisaku-han

http://www.pref.mie.lg.jp/KENKOT/HP/88821000001.htm