Tungkol sa simula ng distribusyon ng Help Mark ヘルプマークの配布について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2018/12/12 Wednesday Kalusugan at kapakanan Ang Help Mark ay ginawa upang mas madali para sa mga taong may mga kapansanan at may mga sakit, na nangangailangan ng tulong at pagsasaalang-alang, upang humingi ng suporta at pag-unawa mula sa mga tao sa kanilang paligid kahit na hindi ito nakikita mula sa kanilang pisikal na anyo. Kung makakita ka ng isang tao na may isang help card, mangyaring ibigay ang iyong upuan sa train o bus at maging mas mapagbigay sa oras ng emergency o sakuna. ※Para sa mga detalye (Japanese only) → Help mark guide brochure Tungkol sa pamamahagi ng help mark Sino ang mabibigyan Para sa mga taong may kapansanan ngunit hindi nakikita sa panlabas na anyo, para sa mga taong may sakit at nangangailangan ng pag-unawa at suporta sa kanilang kapaligiran kapag lalabas o kapag tuwing evacuation sa panahon ng isang sakuna. Paraan ng pag-distribute Kung mayroong request mula sa mga nais gamitin ito, ipapamahagi namin ang mga help card sa mga partikular na lokasyon. Hindi kinakailangan ang mga dokumentong tulad ng application form. Lokasyon ng distribusyon Kencho Chiiki Fukushi-ka (Prefectural Government Regional Welfare Section) Ken Kaku Fukushi Jimusho/Hokenjo (Prefectural Welfare Office/Public Health Center) Shogai-sha Sodan Shien Center (Persons with Disabilities Consultation Support Center) Kaku Shicho Tanto-ka Madoguchi (Municipal Town Division Contact) Paano gamitin ang help mark Mangyaring tignan mula sa link sa ibaba (Hapon lamang) Para sa mga gumagamit ng help mark ※Para sa mga foreign users, mangyaring isulat sa Japanese upang maintindihan ng mga Hapon Maaari din makapa-download ng style mula sa link sa ibaba at makagawa ng isang help card.. Mangyaring tignan dito. Makipag-ugnayan sa 〒 514 – 8570 Tsushi Komei-cho 13-banchi Mie Ken Kodomo Fukushi-bu Chiiki Fukushi-ka Universal Design han TEL: 059-224-3349 FAX: 059-224-3085 email: ud@pref.mie.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Mga kumpanya kung saan ang mga dayuhan ay aktibo⑥ Nanbu Driving School Halina’t puntahan ang Winter Illumination » ↑↑ Next Information ↑↑ Mga kumpanya kung saan ang mga dayuhan ay aktibo⑥ Nanbu Driving School 2018/12/12 Wednesday Kalusugan at kapakanan 外国人が活躍する企業⑥ 三重県南部自動車学校 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang bilang ng mga dayuhan na nagtatrabaho bilang isang regular na empleyado kahit na sa loob Mie prefecture ay tumataas. Anong uri ng kumpanya ang pinagta-trabahuan ng isang banyagang empleyado? Anong uri ng pagbabago ang isinasagawa ng mga kompanya upang ang isang dayuhang empleyado ay maging isang aktibong bahagi? Sa panahong ito, ang mga internasyonal na mag-aaral na pumapasok sa unibersidad sa Mie Prefecture, sina Ms. Liu Lexia at Mr. Cao Jing Long ay nag-cover sa Nambu Driving School sa Ise city kasama ang assistant na si Takanoya Hisashi. Ang driving school na ito, na ipinagmamalaki ang pagiging No. 1 na lugar sa loob ng 13 taon bilang isang paaralan na may pinakamaraming bilang ng mga pumapasok sa Prepektura ng Mie, itinuturing nito ang sarili bilang “isang maluwag na pag-aaral,” kung saan ang instructor ay hindi kailanman pinapangaralan at sinasaway ang mga estudyante. Bukod dito, ipinangangako nito ang pagsasanay ayon sa kapayapaan ng isip at pagkatao sa pamamagitan ng “sistema ng grading ng guro” na ang isang guro ay may pananagutan mula sa pagpasok hanggang sa graduation. Nag-aalok din ang paaralan ng pinalawak na serbisyo sa pamamagitan ng kanilang “after service” kung saan nirerepaso nila ang mga mag-aaral na nagmamaneho pagkatapos ng graduation nang libre. 「Interview ①CEO Mr. Kato Koichi」 Q: Ano ang katangian ng Nanbu Driving School? A: Ang education motto of Nanbu driving school ay ” praise to encourage improvement”. Ang pinakamagandang katangian ay ang mga guro ay firm ngunit mabait at mas pinapasaya ang pag-aaral as pagmamaneho. Ang target ng Nanbu Driving School ay ang mga Chinese sa pamamagitan ng pagsagawa ng classes sa wikang Chinese. Kaya’t tumatanggap sila ng Chinese employees upang i-train na maging isang instructor. At nagsasagawa sila ng shift na magpapahintulot sa kanila na kumuha ng mahabang bakasyon sa China sa panahon ng Spring Festival. 「Interview ② CEO Mr. Kato Koichi」 Q: Anong uri ng mga pagsasaalang-alang ang nagawa mo para sa mga dayuhang empleyado? A: Ang mga Intsik at dayuhang residente ay inaalok ng madaling oras ng trabaho. Ang isa pang bagay ay as pakikitungo sa tao sa lugar ng trabaho. Hangga’t maaari, binibigyang-pansin namin ang pakikitungo as isa’t-isa upang magkaroon ng mabuting samahan, mapahalagahan at laging purihin sila sa kanilang ginagawang tama. Q: Mahirap bang sanayin ang mga banyagang instructor? A: Marahil ay mas doble ang pagsisikap kaysa sa mga Hapon sapagkat ang lahat ng mga pagsusulit ay nasa wikang Hapon, at kahit ang ilang mga Hapon ay nahihirapan din sa pagsusulit. Ang mga lesson sa wikang Chinese ay napakapopular, at tila may ilang mga tao ang naghihintay sa kanilang pagpasok. 「Interview③ CEO Mr. Kato Koichi」 Q: Ano ang mangyayari sa mga Chinese language lessons sa hinaharap? A: Sa kasalukuyan, may tatlong tao na maaaring magturo sa wikang Chinese. Hangga’t maaari gusto kong lumikha ng isang sistema ng limang instructor. Sa tingin ko sila (mga estudyanteng Chinese na naghihintay para sa pagpasok) ay nais na makapagsimula ng maaga at makakuha ng kanilang lisensya sa lalong madaling panahon. Si Ms. Jin Yu-Hong na nagtatrabaho bilang isang instruktor sa pagsasanay at si Mr. Zhao Yuan Quan na naglalayong makakuha ng kwalipikasyon ng isang instruktor sa pagsasanay, ay nakipag-usap tungkol sa pagtatrabaho sa Nambu Driving School. 「Interview – Instructor Ms. Jin Yu-Hong」 Q: Bakit mo naisipang pumasok sa kumpanya? A: Nais kong sumali sa isang sikat na kumpanya. Ang pinaka-kaakit-akit na punto dito ay maaari akong makipag-ugnayan sa mga Chinese. Ako’y Chinese kaya sa tingin ko ito ay maganda na matuturuan ko ang aking mga kapwa Chinese na hindi marunong mag drive, ito ang dahilan kung bakit pumasok ako sa Nambu (driving school). Q: Kamusta naman ang trabaho mo dito? A: Sa tingin ko tama ang desisyon ko na pumasok sa Nambu. Masaya akong nagtatrabaho mula nang ako ay pumasok dito. Nag-grow ako at madaming natutunan as mga turo ng aking trainer. 「Interview – Employee Mr. Zhao Yuan Quan」 Q: Bakit mo naisipang pumasok sa kumpanya? A: Dati ko na talagang gustong tumira as Japan, at dahil mahilig ako sa mga kotse, nagpasya akong pumasok dito (Nanbu driving school). Q: Kamusta naman ang trabaho mo dit? A: Kapag ang mga dayuhan ay dumating sa Japan sa kauna-unahang pagkakataon, sa tingin ko ay maraming mararanasang mga problema at pangamba, ngunit ako ay talagang masuwerte at maraming mga friendly na mga tao (dito), kapag may problema ako at kung mayroon akong mga bagay na hindi ko maintindihan, palagi silang tumutulong sa akin. Ako ay nakapagtrabaho nang ligtas at napamaayos sa punto kung saan nawala ang lahat ng aking alalahanin. Kaya, masaya ako na nagpasya akong pumasok dito. Gustung-gusto ko ang Nanbu driving school. Tila ang pakikisama ng mga empleyado na nagsimulang magsanay ng praise to encourage improvement sa kanilang mga mag-aaral ay lumikha din ng mga mahusay na panloob na ugnayan sa loob ng kumpanya anuman ang nasyonalidad, na humantong din sa pagtaas ng motibasyon sa trabaho. Gayundin, maraming mga natatanging initiative sa media, at naging number 1 na driving school sa rehiyon kung saan ang mga mag-aaral mula sa buong bansa ay nagtitipon ay naging isa sa ipinagmamalaki ng mga empleyado. Nanbu Driving School Establishment: Taong 1961 Lugar: Ise-shi Obata-cho Motomachi 1648-10 URL: www.safety-nanbu.com Ang article na isinulat ng mga foreign reporters na si Ms. Liu Lexia and Mr. Cao Jing-Long ay naka-post dito. May isa ding report meeting na naka-schedule sa Desyembre. Mga artikulo na sakop ng mga banyagang repórter www.mief.or.jp/jp/gaikokujinkatsuyaku.html (三重県南部自動車学校) (Japanese・Chinese) Business visit report meeting Petsa at oras: Sabado, Disyembre 8, 2018 (13:30 ~ 15:15) Lugar: UST Tsu 3F (Tsu-shi Hadokoro-cho 700) Ang proyektong ito ay nabuo sa pakikipag-tulungan ng subsidy ng Ippan Zaidan Hojin Jichitai Kokusai-ka Kyokai. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp