Mga kumpanya kung saan ang mga dayuhan ay aktibo⑥ Nanbu Driving School

外国人が活躍する企業⑥ 三重県南部自動車学校

2018/12/06 Huwebes Impormasyon, Karera

Ang bilang ng mga dayuhan na nagtatrabaho bilang isang regular na empleyado kahit na sa loob Mie prefecture ay tumataas. Anong uri ng kumpanya ang pinagta-trabahuan ng isang banyagang empleyado? Anong uri ng pagbabago ang isinasagawa ng mga kompanya upang ang isang dayuhang empleyado ay maging isang aktibong bahagi?

Sa panahong ito, ang mga internasyonal na mag-aaral na pumapasok sa unibersidad sa Mie Prefecture, sina Ms. Liu Lexia at Mr. Cao Jing Long ay nag-cover sa Nambu Driving School sa Ise city kasama ang assistant na si Takanoya Hisashi.

Ang driving school na ito, na ipinagmamalaki ang pagiging No. 1 na lugar sa loob ng 13 taon bilang isang paaralan na may pinakamaraming bilang ng mga pumapasok sa Prepektura ng Mie, itinuturing nito ang sarili bilang “isang maluwag na pag-aaral,” kung saan ang instructor ay hindi kailanman pinapangaralan at sinasaway ang mga estudyante. Bukod dito, ipinangangako nito ang pagsasanay ayon sa kapayapaan ng isip at pagkatao sa pamamagitan ng “sistema ng grading ng guro” na ang isang guro ay may pananagutan mula sa pagpasok hanggang sa graduation. Nag-aalok din ang paaralan ng pinalawak na serbisyo sa pamamagitan ng kanilang “after service” kung saan nirerepaso nila ang mga mag-aaral na nagmamaneho pagkatapos ng graduation nang libre.

「Interview ①CEO Mr. Kato Koichi」

Q: Ano ang katangian ng Nanbu Driving School?

A: Ang education motto of Nanbu driving school ay ” praise to encourage improvement”. Ang pinakamagandang katangian ay ang mga guro ay firm ngunit mabait at mas pinapasaya ang pag-aaral as pagmamaneho.  

Ang target ng Nanbu Driving School ay ang mga Chinese sa pamamagitan ng pagsagawa ng classes sa wikang Chinese.  Kaya’t tumatanggap sila ng Chinese employees upang i-train na maging isang instructor. At nagsasagawa sila ng shift na magpapahintulot sa kanila na kumuha ng mahabang bakasyon sa China sa panahon ng Spring Festival.

「Interview ② CEO Mr. Kato Koichi」

Q: Anong uri ng mga pagsasaalang-alang ang nagawa mo para sa mga dayuhang empleyado?

A: Ang mga Intsik at dayuhang residente ay inaalok ng madaling oras ng trabaho. Ang isa pang bagay ay as pakikitungo sa tao sa lugar ng trabaho. Hangga’t maaari, binibigyang-pansin namin ang pakikitungo as isa’t-isa upang magkaroon ng mabuting samahan,  mapahalagahan at laging purihin sila sa kanilang ginagawang tama.

Q: Mahirap bang sanayin ang mga banyagang instructor?

A: Marahil ay mas doble ang pagsisikap kaysa sa mga Hapon sapagkat ang lahat ng mga pagsusulit ay nasa wikang Hapon, at kahit ang ilang mga Hapon ay nahihirapan din sa pagsusulit.

Ang mga lesson sa wikang Chinese ay napakapopular, at tila may ilang mga tao ang naghihintay sa kanilang pagpasok.

「Interview③ CEO Mr. Kato Koichi」

Q: Ano ang mangyayari sa mga Chinese language lessons sa hinaharap?

A: Sa kasalukuyan, may tatlong tao na maaaring magturo sa wikang Chinese. Hangga’t maaari gusto kong lumikha ng isang sistema ng limang instructor. Sa tingin ko sila (mga estudyanteng Chinese na naghihintay para sa pagpasok) ay nais na makapagsimula ng maaga at makakuha ng kanilang lisensya sa lalong madaling panahon.

Si Ms. Jin Yu-Hong na nagtatrabaho bilang isang instruktor sa pagsasanay at si Mr. Zhao Yuan Quan na naglalayong makakuha ng kwalipikasyon ng isang instruktor sa pagsasanay, ay nakipag-usap tungkol sa pagtatrabaho sa Nambu Driving School.

「Interview – Instructor Ms. Jin Yu-Hong」

Q: Bakit mo naisipang pumasok sa kumpanya?

A: Nais kong sumali sa isang sikat na kumpanya. Ang pinaka-kaakit-akit na punto dito ay maaari akong makipag-ugnayan sa mga Chinese. Ako’y Chinese kaya sa tingin ko ito ay maganda na matuturuan ko ang aking mga kapwa Chinese na hindi marunong mag drive, ito ang dahilan kung bakit pumasok ako sa Nambu (driving school).

Q: Kamusta naman ang trabaho mo dito?

A: Sa tingin ko tama ang desisyon ko na pumasok sa Nambu. Masaya akong nagtatrabaho mula nang ako ay pumasok dito. Nag-grow ako at madaming natutunan as mga turo ng aking trainer.

「Interview – Employee Mr. Zhao Yuan Quan」

Q: Bakit mo naisipang pumasok sa kumpanya?

A: Dati ko na talagang gustong tumira as Japan, at dahil mahilig ako sa mga kotse, nagpasya akong pumasok dito (Nanbu driving school).

Q: Kamusta naman ang trabaho mo dit?

A: Kapag ang mga dayuhan ay dumating sa Japan sa kauna-unahang pagkakataon, sa tingin ko ay maraming mararanasang mga problema at pangamba, ngunit ako ay talagang masuwerte at maraming mga friendly na mga tao (dito), kapag may problema ako at kung mayroon akong mga bagay na hindi ko maintindihan, palagi silang tumutulong sa akin. Ako ay nakapagtrabaho nang ligtas at napamaayos sa punto kung saan nawala ang lahat ng aking alalahanin. Kaya, masaya ako na nagpasya akong pumasok dito. Gustung-gusto ko ang Nanbu driving school.

Tila ang pakikisama ng mga empleyado na nagsimulang magsanay ng praise to encourage improvement sa kanilang mga mag-aaral ay lumikha din ng mga mahusay na panloob na ugnayan sa loob ng kumpanya anuman ang nasyonalidad, na humantong din sa pagtaas ng motibasyon sa trabaho. Gayundin, maraming mga natatanging initiative sa media, at naging number 1 na driving school sa rehiyon kung saan ang mga mag-aaral mula sa buong bansa ay nagtitipon ay naging isa sa ipinagmamalaki ng mga empleyado.

Nanbu Driving School
Establishment: Taong 1961
Lugar: Ise-shi Obata-cho Motomachi 1648-10
URL: www.safety-nanbu.com

Ang article na isinulat ng mga foreign reporters na si Ms. Liu Lexia and Mr. Cao Jing-Long ay naka-post dito. May isa ding report meeting na naka-schedule sa Desyembre.

Mga artikulo na sakop ng mga banyagang repórter
www.mief.or.jp/jp/gaikokujinkatsuyaku.html
(三重県南部自動車学校) (Japanese・Chinese)

Business visit report meeting
Petsa at oras: Sabado, Disyembre 8, 2018 (13:30 ~ 15:15)
Lugar: UST Tsu 3F (Tsu-shi Hadokoro-cho 700)

Ang proyektong ito ay nabuo sa pakikipag-tulungan ng subsidy ng Ippan Zaidan Hojin Jichitai Kokusai-ka Kyokai.

Business Explanatory Meeting ng Mie Prefecture Officials

2018/12/06 Huwebes Impormasyon, Karera

三重県職員の業務説明会を開催します

Para sa mga mag-aaral na isinasaalang-alang ang pagkuha ng recruitment exam para sa Mie Prefectural official at opisyal ng pulisya at para sa mga nag-iisip tungkol sa magiging trabaho sa hinaharap, ipapaliwanag sa meeting na ito ang workflow at ang kapaligiran ng lugar ng trabaho.

Para sa mga nais magtrabaho bilang opisyal ng Mie Prefecture o isang opisyal ng pulisya sa hinaharap, at para sa mga interesado sa serbisyo sibil, mangyaring huwag mag-atubiling sumali sa amin.

Ang recruitment exam ng Mie prefecture official ay maaring kunin kahit walang Japanese nationality. Gayunman, ang ilang mga kategorya ng test ay nangangailangan ng Japanese nationality.

  • Mie Kencho Oshigoto Seminar in Tsu (Work Seminar) – hindi kailnagan ng advance application
    Petsa at oras: Disyembre 21, 2018 (Biyernes) 13: 30-16: 00
    Lugar: Mie-ken Cho Kodo (Tsu-shi Komei-cho 13)
    Mga nilalaman: panayam ng kawani, sesyon ng pag-uusap ng mga kabataan na kawani, pagkonsulta sa indibidwal atbp.
    Detalye: http://www.pref.mie.lg.jp/saiyo/68855027304.htm
    i-Click dito para sa flyers
  • Mie Kencho Genba Setsumeikai (Field explanatory) – advance application required
    Petsa at oras: Enero 11, 2019 (Biyernes) 13: 45 – 17: 00
    Meeting place: Mie Ken Tsu office building front entrance (Tsu-shi Sakurabashi 3-446-34)
    Mga Nilalaman: Mga taong interesado na magtrabaho bilang opisyal ng Mie Prefecture (General Civil Engineering.) Bibisita sa site ng konstruksiyon na kasalukuyang ginagawa ng Mie prefecture
    Application: hanggang Disyembre 21 Biyernes 3pm
    Mangyaring tawagan sa 059-224-2932
    ※Ang reception ay mula 9 ng umaga hanggang 5 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes, hindi kasama ang weekdays at holidays
    ※Matatapos ang reception kapag naabot na ang kapasidad (12 tao).
    Details: http://www.pref.mie.lg.jp/saiyo/68855027304.htm
    i-Click dito para sa flyers

※Ang parehong explanatory sessions,  materyales, paliwanag at katanungan atbp ay isasagawa sa wikang Hapon.

Makipag-ugnayan sa
Mie-ken Jinji Iinkai Jimukyoku
〒514-0004  Tsu-shi Sakaemachi 1-891  TEL 059-224-2932
I-search ang employee hiring HP http://www.pref.mie.lg.jp/saiyo/
O i-search ang 「三重県職員採用」(Mie-ken Shokuin Saiyo)