Tungkol sa simula ng distribusyon ng Help Card ヘルプカードの配布開始について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2018/02/27 Tuesday Kalusugan at kapakanan Ang Help Card ay isang card na ginawa upang mas madali para sa mga taong may mga kapansanan at may mga sakit, na nangangailangan ng tulong at pagsasaalang-alang, upang humingi ng suporta at pag-unawa mula sa mga tao sa kanilang paligid kahit na hindi ito nakikita mula sa kanilang pisikal na anyo. Kung makakita ka ng isang tao na may isang help card, mangyaring ibigay ang iyong upuan sa train o bus at maging mas mapagbigay sa oras ng emergency o sakuna. Ang distribusyon ng mga help cards ay nagsimula noong Pebrero 20, 2018. ※ Para sa iba pang detalye (Japanese lamang) → Help card guide leaflet (PDF file 217KB) Sino ang mabibigyan Para sa mga taong may kapansanan ngunit hindi nakikita sa panlabas na anyo, para sa mga taong may sakit at nangangailangan ng pag-unawa at suporta sa kanilang kapaligiran kapag lalabas o kapag tuwing evacuation sa panahon ng isang sakuna. Paraan ng pag-distribute Kung mayroong request mula sa mga nais gamitin ito, ipapamahagi namin ang mga help card sa mga partikular na lokasyon. Hindi kinakailangan ang mga dokumentong tulad ng application form. Lokasyon ng distribusyon Kencho Chiiki Fukushi-ka (Prefectural Government Regional Welfare Section), Ken Kaku Fukushi Jimusho・Hokenjo (Prefectural Welfare Office ・ Public Health Center), Shogai-sha Sodan Shien Center (Persons with Disabilities Consultation Support Center), Kaku Shicho Tanto-ka Madoguchi (Municipal Town Division Contact) Pag-download ng style Maaari din makapa-download ng style mula sa link sa ibaba at makagawa ng isang help card. Help Card Mie Prefecture version (published February 20, 2018 – PDF 125 KB) Paano magagamit ang Help Card Mangyaring tignan ang link sa ibaba. (Japanese only) Sa mga gumagamit ng help card (PDF 100 KB) ※ Para sa mga foreign users, mangyaring isulat sa Japanese upang maintindihan ng mga Hapon Makipag-ugnayan sa: 〒 514 – 8570 Tsushi Komei-cho 13-banchi Mie Ken Kenko Fukushi-bu Chiiki Fukushi-ka Universal Design han (Mie Prefecture Health and Welfare Department Community Welfare Section Universal Design Team) TEL: 059-224-3349 FAX: 059-224-3085 email: ud@pref.mie.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Idadagdag ang wikang Chinese sa written examination ng driver’s license Amg MieMu ay nagsasagawa ng exchange exhibition na, “Ang mundo ng Japanese Armor at Weapon Armor” » ↑↑ Next Information ↑↑ Idadagdag ang wikang Chinese sa written examination ng driver’s license 2018/02/27 Tuesday Kalusugan at kapakanan 運転免許学科試験に中国語が追加されます Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Sa Mie prefecture, ang written examination para sa driver’s license ay isinasagawa sa wikang Japanese, English, Portuguese, ngunit pagdating ng April, maaari ng makakuha ng test sa wikang Chinese. Sa mga nagnanais na kumuha ng exam sa ibang linguwahe, mangyaring ipaalam sa application counter tuwing magsasagawa ng proseso ng examination. Simulang araw ng written examination sa wikang Chinese mula Abril 2, 2018 ※ Ang paliwanag para sa written exam at ang proficiency test ay isasagawa sa wikang Japanese. Sa mga hindi marunong magsalita ng Japanese, mangyaring magsama ng interpreter kapag maga-apply para sa exam. Lokasyon ng exam: Mie Ken Unten Menkyo Center (Mie Prefecture Driver’s License Center) (Address: Tsu Shi Tarumi 2566) Araw ng exam: Lunes hanggang Biyernes (maliban sa holidays at New Year holidays) Horas ng tanggapan: 8: 30 ~ 9: 00 Chinese language guide → https://www.police.pref.mie.jp/upload/20180201-161833.pdf Portugues language guide → https://www.police.pref.mie.jp/pdf/poruto3.pdf English language guide → https://www.police.pref.mie.jp/pdf/english1.pdf Makipag-ugnayan sa (Japanese only) Unten Menkyo Center Gakka Shiken Gakari (Driver’s License Center Department Examination) TEL: 059-229-1212 Extension: number 362 Lunes – Biyernes 8: 30 ~ 17: 00 (Maliban sa holidays at New Year holidays) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp