Tungkol sa gastrointestinal cold (nakakahawang gastroenteritis)

感染症の対処方法を知ろう

2018/06/12 Tuesday Kalusugan

Maraming mga tao na malamang ang nakakakita ng mga balita tulad ng “Lumalaganap ang Gastrointestinal cold.” Naiintindihan nyo ba ng mabuti ang lahat ng tungkol sa gastrointestinal cold?

Ang gastrointestinal cold ay isang nakakahawang sakit na tinatawag na “Impactious Gastroenteritis”. Ang bilang ng mga taong nahawaan ay kadalasang tataas simula ng Nobyembre at ang peak ay sa Disyembre. Matapos noon ay pansamantalang ito ay bumababa, ito ay tataas muli tuwing Enero hanggang Marso, at pagkatapos ay unti-unti ulit itong bumababa.

Ang Norovirus at Adenovirus tuwing taglamig, impeksyon ng Rotavirus tuwing spring at mga unang buwan ng tag-init ay mas lalong lumalaganap. Gayon din ang mga bacterial katulad ng Vibrio Parahaemolyticus at ang mga tinatawag na food poisoning ay ang mga sanhi ng gastroenteritis sa tag-init.

Kaya’t ang gastroenteritis ay nangyayari sa buong taon. Alamin natin ang mga sintomas ng gastroenteritis at ang ruta ng impeksyon at sikapin na mapigilan ito.

 Pangunahing sintomas

Ang mga sintomas ay katangian ng sakit ng tiyan, pagtatae, pagsusuka, mababang lagnat atbp. Ito ay karaniwang gagaling sa loob ng ilang araw hanggang sa isang linggo. Gayunpaman, sa matinding sintomas, maaaring magdulot ng dehydration o paggaling ng higit pa sa isang linggo.

Kung ang mga sintomas ay hindi gumagaling, pumunta sa isang medical institution at magpa-medical check-up.

Ang ruta ng impeksiyon

Sa kadalasang kaso, mahahawaan ng gastroenteritis kapag nakipag-ugnayan sa isang pasyenteng may sakit nito (tae, suka , atbp.), contaminated na tubig, pagkain at kapag ang oral virus at bacteria ay nakapasok sa katawan.

 Paraan ng pag-iwas

Sa bahay, mangyaring bigyang-pansin ang mga sumusunod na puntos at mangyaring mag-ingat.

  1. Paghugas ng kamay
  • Hugasan ng mabuti ang mga kamay sa dumadaloy na tubig gamit ang sabon bago at pagkatapos magluto, bago kumain, pagkatapos gumamit ng banyo, pagkatapos magpalit ng diaper, atbp.
  • Kung mayroong nahawaang tao sa inyong bahay, mangyaring huwag ibahagi ang mga tuwalya atbp pagkatapos ng paghuhugas ng kamay, mangyaring gumamit ng isa pa.

  1. Mga puntos na kailangang tandaan sa pag-handle ng dumi (tae at suka) ng taong nahawaan
  • Magsuot ng masks at disposable gloves at huwag direktang hawakan ang dumi.
  • Panatiliin ang ventilation tulad ng bagbubukas ng bintana, atbp.
  • Kapag kinakailangang punasan ang sahig, punasan ito ng chlorine disinfectant na may sodium hypochlorite o isang pambahay na chlorine bleach  (i-dilute ang chlorine concentration ng 0.02%) at i-disinfect ito.
  • Ilagay ay pinunas na tuwalya o paper towel sa isang plastic bag, isara itong mabuti, i-disinfect at itapon ito.

  1. Pag-iinit ng pagkain at kagamitan sa pagluluto
  • Initin mabuti ang pagkain, siguraduhin na maluto hanggang sa loob ang mga pagkain.
  • Agad na hugasan ang ginamit na kutsilyo at cutting board.

  1. Pagbabakuna
  • Maaaring boluntaryong makapag-pabakuna ng Rotavirus ang mga sanggol.

Kapag nahawaan ng gastroenteritis, ang mga masakit na sintomas ay matagal mawala. Ang paggamot dito ay kadalasang symptomatic treatment (ang pagpawi ng mga sintomas o pagtanggal ng mga sintomas sa pamamagitan ng pag-release ng bacteria at mga virus sa halip na direktang alisin ang sanhi ng sakit), at matagal ito bago gumaling. Samakatuwid, ang pag-iwas ay pinakamahalaga. Mangyaring gamitin din ang impormasyong ito sa lahat ng paraan upang protektahan ang iyong pamilya kasama na ang iyong sarili.

 

*Sanggunian* (Japanese only)

http://www.kenkou.pref.mie.jp/topic/ityou/ityou.htm

http://www.pref.mie.lg.jp/TOPICS/m0014900034.htm

http://www.city.yokkaichi.lg.jp/www/contents/1509495290979/index.html

Inter High School Athletic Meeting 2018

2018/06/12 Tuesday Kalusugan

2018年 全国高等学校総合体育大会(インターハイ)が開催されます

Simula ika-26 ng Hulyo hanggang ika-20 ng Agosto 2018, ang Inter High School Athletic Meeting (Inter-high) ay gaganapin sa Mie Prefecture, Gifu, Shizuoka, Aichi at Wakayama Prefectures.

Ang Inter High School Athletic Meeting (Inter-high) ay ang pinakamalaking pagdiriwang ng sports ng mga estudyante ng mataas na paaralan na tumagal nang higit sa 50 taon, ang mga event sa tag-init at taglamig ay ginaganap.

Ang summer tournament ay gaganapin ngayong taon sa Tokai Block at Wakayama Prefecture. Sa unang pagkakataon sa loob ng 45 years sa Mie prefecture, ang general opening ceremony ng kompetisyon (Araw at oras: Agosto 1 Lugar: Mie Ken-ei San Arena) at ang 14 competitions 15 events ay gaganapin sa siyudad at lungsod ng 8 Prefecture.

 Mga events at venue na gaganapin sa Mie prefecture (14 competitions/15 events)

Tsu-shi Volleyball (Girls), Handball, Judo, Wrestling, Naginata (Japanese Halberd)
Yokkaichi-shi Soccer (Boys), Tennis
Ise-shi Athletics, Volleyball (Boys), Soccer (Boys), Kendo

General Opening Ceremony

Suzuka-shi Swimming (Water ball), Handball, Soft tennis, Soccer (Boys)
Kameyama-shi Weight lifting
Kumano-shi Soft ball
Iga-shi Soccer (Boys)
Komono-cho Climbing

Ang mga nagnanais na panoorin o suportahan ang kumpetisyon ng top-level sa buong bansa sa pamamagitan ng mga atleta ng mataas na paaralan, pakitingnan ang iskedyul at lugar sa  URL sa ibaba (sa wikang Hapones lamang). Lahat ng mga event ay mapapanood ng libre.

 

Official Website

https://www.koukousoutai.com/2018soutai/

Competition schedule · Venue

https://www.koukousoutai.com/2018soutai/pdf/event/schedule_201806.pdf