Spring National Traffic Safety Campaign

「春の全国交通安全運動」を実施します

2025/02/27 Thursday Kaligtasan

Ang tagsibol ay panahon kung kailan ang mga bata na papasok sa paaralan at kindergarten ay nagsisimula ng bagong yugto ng kanilang buhay.
Dahil sa mas mainit na panahon, mas marami ang lumalabas, kaya’t tumataas din ang panganib ng mga aksidente sa trapiko.

Upang maiwasan ang anumang aksidente na dulot ng kapabayaan o kawalan ng pansin, bawat isa ay dapat palakasin ang kamalayan sa kaligtasan sa trapiko at magsanay ng ligtas at maingat na pagmamaneho na may konsiderasyon sa iba.

1. Tagal ng Kampanya

Mula Abril 6 (Linggo) hanggang Abril 15 (Martes), 2025 – Kabuuang 10 araw.

(Abril 10 (Huwebes) ay itinakdang “Araw ng Zero Kamatayan sa Aksidente sa Trapiko.”)

2. Mga Pangunahing Pokus ng Kampanya

(1) Pagtiyak ng Ligtas na Kapaligiran sa Trapiko para sa mga Pedestrian, Lalo na sa mga Bata, at Pagtuturo ng Wastong Paraan ng Pagtawid

  • Bilang isang lipunan, dapat nating protektahan ang mahalagang buhay ng mga bata na siyang kinabukasan ng ating bansa.
  • Ang mga bata ay maaaring gumawa ng di-inaasahang kilos. Kapag may nakitang bata sa lansangan, bumagal at magmaneho nang may pag-iingat.
  • Magsagawa ng mga aktibidad sa pagbabantay sa mga daanan patungo sa paaralan at sa mga kalsadang madalas gamitin sa pang-araw-araw na buhay.
  • Ituro sa mga bata na laging gamitin ang pedestrian lane kung mayroon at huminto upang tingnan ang kaliwa’t kanan bago tumawid. Turuan din silang manatiling maingat habang tumatawid.
  • Hindi lamang mga bata ang nasasangkot sa paglabag sa batas trapiko at mga aksidente.
    Huwag kailanman tumawid sa harapan o likuran ng paparating na sasakyan at iwasang sumuway sa ilaw trapiko.

(2) Pagpapalawak ng Kamalayan sa Pagbibigay-Prayoridad sa mga Pedestrian, Pag-aalis ng Distracted Driving, at Pagtataguyod ng Wastong Paggamit ng Seatbelt at Child Safety Seat

  • Ang pagbibigay-priyoridad sa pedestrian sa pedestrian lane ay hindi lamang isang asal kundi isang panuntunan sa ilalim ng Batas sa Trapiko.
  • Maliban kung malinaw na walang tatawid, bumagal at tiyaking ligtas ang pagdaan sa pedestrian lane.
  • Kung may pedestrian na nais tumawid, huminto bago ang pedestrian lane at bigyan sila ng tamang priyoridad.
  • Mahigpit na ipinagbabawal ang pagmamaneho habang lasing.
    Ang pagmamaneho nang lasing ay may mabibigat na parusa, at ang mga mahuhuli o masasangkot sa aksidente ay maaaring mawalan ng trabaho at pamilya.
    Sama-sama nating likhain ang isang lipunan kung saan walang sinumang nagmamaneho nang lasing.
  • Ang bisikleta ay itinuturing ding sasakyan, kaya’t mahigpit na ipinagbabawal ang pagmamaneho nito habang lasing. (Simula noong Nobyembre ng nakaraang taon, ang pagmamaneho ng bisikleta habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak ay may kaukulang parusa ayon sa binagong Batas sa Trapiko.)
  • Bukod sa pagmamaneho nang lasing, ang mga mapanganib na kilos tulad ng road rage ay itinuturing na seryosong krimen na maaaring humantong sa malalaking aksidente.
    Magmaneho nang may pag-unawa at respeto sa iba.

(3) Pagsusuot ng Helmet at Mahigpit na Pagsunod sa Mga Panuntunan sa Trapiko Kapag Gumagamit ng Bisikleta o Maliit na De-motor na Sasakyan

  • Ang bisikleta ay isang madaling gamiting sasakyan na maaaring gamitin ng sinuman nang walang lisensya, ngunit kabilang ito sa “mga sasakyan” kaya’t kailangang sundin ang mga patakaran sa trapiko.
  • Maging mulat sa panganib ng pagsasakay ng dalawa, pagmamaneho nang magkatabi, paggamit ng payong, smartphone, o earphone habang nagbibisikleta. Iwasan ang anumang mapanganib na kilos sa daan.
  • Mayroon ding mahigpit na panuntunan para sa maliliit na de-motor na sasakyan (hal. electric kick scooters na pumapasa sa itinakdang laki at pamantayan).
    Siguraduhing alamin ang mga kaukulang batas bago gamitin ito.
  • Kapag nagbibisikleta o gumagamit ng electric kick scooter, magsuot ng helmet upang maprotektahan ang sarili at laging sundin ang mga tamang alituntunin sa trapiko.
  • Ang electric bike na may pedal (kilala bilang “moped”) ay itinuturing na isang motorized bicycle o sasakyan sa ilalim ng batas.
    Kahit na ito ay gamitin nang walang makina at gamit lamang ang pedal, kinakailangan pa rin ang lisensya sa pagmamaneho at pagsali sa mandatoryong insurance para sa sasakyan.
    Kapag gumagamit ng moped, sundin ang mga batas trapiko at magmaneho nang ligtas.

Narito ang Awareness Flyer para sa Nationwide Spring Traffic Safety Campaign

3. Impormasyon para sa Pakikipag-ugnayan (Sa Wikang Hapon Lamang)

Mie Prefecture Environmental and Lifestyle Department – Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Kurshi Koutsu Anzen-ka Koutsu Anzen-han (三重県 環境生活部 くらし・交通安全課 交通安全班)

Telepono: 059-224-2410

Posible na ngayong humiling ng tax payment certificate sa pamamagitan ng smartphone

2025/02/27 Thursday Kaligtasan

スマホで納税証明書が申請できます

Kapag maga-apply ang mga dayuhang residente para sa  permanent residence sa gobyerno, kakailanganin ang tax payment certificate 納税証明書 – Nozei Shoumeisho (isang dokumentong nagpapatunay na walang natitirang bayarin sa national tax).

Kung mayroon kang smartphone (na nakakabasa ng My Number card), maaari kang makapag-request ng tax payment certificate. Ito ay mas mabilis na paraan keysa pumunta sa tax office, kaya mangyaring gamitin ito.

Para sa mga detalye kung paano, mangyaring tingnan ang leaflet sa ibaba.

(Portuguese) Paano humiling ng tax payment certificate sa pamamagitan ng smartphone

 (Spanish) Paano humiling ng tax payment certificate sa pamamagitan ng smartphone

(English) Paano humiling ng tax payment certificate sa pamamagitan ng smartphone

(Vietnamese) Paano humiling ng tax payment certificate sa pamamagitan ng smartphone

(Filipino) Paano humiling ng tax payment certificate sa pamamagitan ng smartphone

(Chinese) Paano humiling ng tax payment certificate sa pamamagitan ng smartphone