Inspeksyunin ang bahay para sa paghahanda sa summer typhoon at torrential rain 夏季の台風・集中豪雨に備えて住まいの点検をしましょう Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2017/07/24 Monday Kurso tungkol sa kalamidad, Paninirahan Ang mga bagyo at torrential rains ay madalas na nangyayari tuwing summer hanggang autumn, at nakakabahala ang pinsalang dala ng wind storm, storm surges, baha at landslides. Bago pa man dumating ang typhoon o ang torrential rain, tayo’y magsanay para sa “Pagpapatupad ng disaster prevention” sa paghahanda para sa sakuna katulad ng pag-inspeksyon ng bahay at gumawa ng matibay na tahanan para sa mga darating na sakuna. Ang pangunahing bagay sa inspeksyon 1 Bubong ・ Mayroon bang mga crack, butas, manipis, at nabaklas sa mga tiles? ・ Mayroon bang nabaklas na yero? ・ Naka-kabit ba ng maayos ang antenna? 2 Panlabas na pader ・ Mayroon bang bitak o crack sa mga pader? ・ Mayroon bang nabubulok at nababaklas na parte? 3 Bintana ・ May umuuga ba sa parte ng bintana? 4 Gutters para sa ulan ・ Hindi ba ito barado? 5 Veranda ・ May mga bagay ba na maaring liparin ng hangin katulad ng saampayan, o mga flower pots? 6 Paligid ・ Nakakabit ba ng maayos ang labas na unit air conditioner o ang propane gas cylinder? ・ May mga naipon bang dumi o lupa at buhangin sa giliran ng bahay? Ang BosaiMie.jp 「防災みえ.jp」 ay hindi lamang nagbibigay ng importanteng impormasyon sa tuwing panahon ng sakuna, kundi nagbibigay ng impormasyon tungkol sa iba’t-ibang sakuna katulad ng weather information sa iba’t-ibang linguwahe. Dahil maraming impormasyon na makakatulong sa disaster prevention tuwing panahon ng sakuna katulad ng lugar kung saan ang mga evacuation center, mangyaring tignan ang website. 防災みえ.jp http://www.bosaimie.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Huwag Magpaloko! Mag-ingat sa Tokushu Sagi “Special Fraud” Upang maiwasan ang magka-problema sa Internet Shopping ~ Checkpoint simula sa pag-order ng produkto hanggang sa matanggap ito ~ » ↑↑ Next Information ↑↑ Huwag Magpaloko! Mag-ingat sa Tokushu Sagi “Special Fraud” 2017/07/24 Monday Kurso tungkol sa kalamidad, Paninirahan 被害ストップ! 「特殊詐欺」にご用心 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang Tokushu Sagi o Special Fraud ay isang uri ng panloloko o scam upang makakuha ng pera ng hindi nakikita ang manloloko ng harapan at gamit lamang ang telepono, fax, email, atbp. Sa pampublikong survey na isinagawa ng Cabinet Office, nasa 80% ang sumagot ng “Sa tingin ko hindi ako magiging biktima ng special fraud.” Gayunpaman, sa Mie prefecture, ang bilang ng nabiktima at napinsala dahil sa special fraud ay mahigit 100, na nagkakahalaga ng lagpas sa 500 milion yen sa apat na magkakasunod-sunod na taon hanggang 2016. Lalo na sa mga matatanda, sila ay madaling maging target sa panloloko na ito. Upang hindi mabiktima, ipapa-alam namin sainyo ang uri ng karaniwang modus ng panloloko at paano ito maiiwasan ayon sa anunsyo ng Mie prefectural police. 【Karaniwang modus ng sagi o panloloko 】 Ore Ore Sagi (Impersonation Scam) Halimbawa, tatawag at magpapanggap na anak o apo at sasabihin na “nawala ko ang bag ng company ko na nagkakalaman ng mga documents at mobile phone, at kailangan ko bayaran lahat yon, pahiramin mo naman ako ng pera”. Dagdag pa dito ay may magpapanggap na police, lawyer, atbp, at tatangkaing manloko at hihikayating magpadala ng pera. Kaku Seikyu Sagi (False Billing Scam) Padadalhan ng postcard o Email galing sa hindi kilalang tao ng pekeng notice katulad ng pagkolekta ng bayarin, internet fees, atbp at hihilinging ipadala ang bayad sa isang account o pababayarin gamit ang electronic money. Yushi Hoshokin Sagi (Loan Money Financing Scam) Sa katotohanan, hindi talaga ito loan, lolokohin nila ang mga biktima na nag-apply ng loan, at ipapa-padala ang pera sa pangalan ng kunwari ay guarantor ng pera. Kanpukin Sagi (Refund Money Scam) Magpapanggap na staff member ng City Hall at Social Insurance Officer. Sasabihin nila na “may mare-refund sa medical expenses, at matatanggap ito kapag aasikasuhin ito” at hihikayating magpadala ng pera sa ATM para sa pag-asikaso. Kinyu Shohin Torihiki Meimoku Sagi (Financial InstrumentsTrading Nominal Scam) Magbibigay ng pekeng impormasyon gamit ang telepono, direct mail, atbp. at tatangkaing manloko at hihikayating bumili katulad ng undisclosed shares, foreign currency, pekeng security, atbp. 【Paraan ng pag-iwas na mabiktima】 Kapag napag-usapan ang pera sa telepono at may hinala, kumunsulta agad sa inyong pamilya o sa police (110) Kapag may natanggap na tawag galing sa hindi kilalang tao, patayin muna ang telepono at huminahon. Gamitin ang answering machine. Hintayin muna ang tumatawag na mag-iwan ng mensahe sa answering machine bago sagutin ang telepono. Makipag-usap muna sa inyong pamilya o kakilala para masigurado na totoo nga na ang tao na yon ang tumawag. Ang mga refunds ay hindi natatanggap sa ATM. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp