Kampanya ngayong tag-lagas para sa kaligtasan ng trapiko sa buong bansa

秋の全国交通安全運動

2017/09/08 Friday Anunsyo

Magsasagawa ng isang ehersisyo na naglalayong panatilihin ang mga patakaran sa trapiko at pagpapalawak ng kaalaman sa kaligtasan ng daanan para sa bawat mamamayan ng prefecture sa pamamagitan ng pagsanay sa tamang gawi ng pagkilos sa wastong traffic manners.

Panahon ng pagpapatupad 

10 araw, simula Septyembro 21 (Huwebes) hanggang 30 (Sabado)

※Ang ika-30 ng Septyembro (Sabado) ay “Kotsu Jikoshi Zero o Mezasu Hi”. (Aiming for Zero Fatality Accident Day)

Mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin ng buong bansa

  • Ligtas na pagmamaneho para sa mga sakay na bata at matatanda at pag-iwas sa aksidenteng pangtrapiko sa mga matatandang driver.
  • Pag-iwas sa aksidente tuwing nagmamaneho ng bisikleta at kapag naglalakad sa gabi at madaling araw.
  • Pagtiyak ng pagsuot ng seatbelt sa lahat ng upuan at paggamit ng child seat.
  • Pagtigil ng pagmamaneho ng lasing

Mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin sa Mie Prefecture

Pagbibigay ng priority sa mga pedestrian sa crosswalks

Kailangang palaging tumigil ang sasakyan kapag may pedestrian na tatawid sa tawiran at mangyaring protektahan at gawing prayoridad ang kaligtasan ng mga pedestrian.

☆ Para sa kaligtasan ng trapiko, maagang buksan ang ilaw ng kotse at motorsiklo, ang mga pedestrian at mga gumagamit ng bisikleta ay dapat magsuot ng mga reflective materials☆

 Ang lahat ng upuan kabilang na ang upuan sa likuran ay kailangang naka seat belt at gumamit ng child seat sa mga bata.  Obligasyon ninyong gamitin ito.

 Mie Prefectural Police

Kami ay naghahanap ng participants para sa “Foreign Resident Disaster Prevention Seminar” na may kasamang interpreter (Kisosaki Cho)

2017/09/08 Friday Anunsyo

通訳付き「外国人住民防災セミナー」の参加者を募集します(木曽岬町)

Ang Mie Prefecture ay magho-host ng disaster prevention seminars para sa mga foreign residents at sa mga interesado na sumoporta sa mga foreigners.

Importante na mapalawak ang kaalaman tungkol sa mga aksyon at countermeasures sa panahon ng sakuna at mahasa ang kakayahan sa pagprotekta sa sarili at sa mga taong nakapaligid sainyo.  Mayroong ihahanda na mga interpreter ng iba’t-ibang linguwahe para sa disaster prevention seminar na ito, Kaya’t halina at palawakin ang disaster prevention awareness upang ang mga foreign residents ay maaring maging supporter ng mga biktima ng sakuna.

Para sa mga hindi pa nakakapag-participate sa isang disaster prevention seminar hanggang ngayon o kahit na sa mga hindi nakakaintindi ng Japanese, mangyaring huwag mag-atubiling sumali

※ Kinakailangan na magpa-register in advance.

  1. Araw at oras: Oktubre 1, 2017 (Linggo) simula 2pm hanggang 4pm
  1. Lugar: Kisosaki-cho Yakuba 4 Floor Tamokuteki-shitsu (Kuwana-gun Kisozaki-cho Oaza Nishitaiganji 251-banchi)

Ito ang impormasyon ng mapa

  1. Nilalaman ng seminar:

Lectures tungkol sa disaster sa Kisosaki-cho, Danasin ang tumira sa shelter

※ Mayroong mga available na interpreters

  1. Target audience: Foreign residents sa mga lugar ng Kisosaki-cho, Corporate personnel na tumatanggap ng mga foreigners, para sa mga taong interesadong sumuporta sa mga foreign residents.
  1. Participation Fee: LIBRE
  1. Kapasidad: mga bandang 30 katao
  1. Paraan ng pag-apply: Mangyaring mag fill-up ng application form at ipadala ito by FAX o e-mail bago dumating ang deadline sa Septyembro 28, 2017 (Huwebes)

* Kapag napuno na ang kapasidad ng sasali, ititigil ang pagtanggap bago pa man dumating ang deadline ng application.

Para sa flyers at application form i-click dito (PDF file)

  1. Application address

Koeki Zaidan Hojin Mie ken Kokusai Koryu Zaidan (Public Interest Foundation Corporation Mie Prefecture International Exchanges Foundation)

Person-in-charge: Sakatoku Uto

Address: Tsu Shi Hadokoro Cho 700-banchi Ast Tsu 3 floor

TEL: 059-223-5006 (horas ng assistance: simula 9am hanggan 5 pm tuwing weekdays)

FAX: 059-223-5007

E-mail: mief@mief.or.jp

※ Ang proyektong ito ay itinakda ng Mie Prefecture para sa Mie Prefecture International Exchange Foundation.