Madalas na mga Katanungan sa Mie Foreign Residents Support Center “MieCo” (Tungkol sa Health and Health Insurance)

みえ外国人相談サポートセンター「MieCo」のよくある質問(医療・健康保険について)

2025/03/17 Monday Anunsyo, Kultura at Libangan

Tanong no.1

Naka-insured ako sa ilalim ng Health Insurance System ng Japan. Ang aking mga magulang, na nakatira sa aking sariling bansa, ay pupunta sa Japan gamit ang tatlong buwang short-stay visa. Maaari ba silang isama bilang aking mga dependent sa ilalim ng health insurance?

Sagot no.1

Hindi. Ang mga kamag-anak na may tatlong-buwang short-stay visa ay hindi maituturing na iyong mga dependent at samakatuwid ay hindi maaaring gumamit ng Japanese health insurance. Kadalasan sa mga tourist ay bumibili ng travel insurance bago pumunta sa Japan.

Tanong no.2

Mayroon bang sistema upang tumulong kapag masyadong mataas ang gastos sa pagpapagamot?

Sagot no.2

Oo. Mayroong Sistema ng Pagbabalik ng Mataas na Gastos sa Medikal (Kogaku Iryo-hi Seido – 高額医療費制度). Kung ang mga gastusing medikal na binayaran sa mga ospital at parmasya sa loob ng isang buwan (mula ika-1 hanggang huling araw ng buwan) ay lumampas sa itinakdang maximum na halaga, ang labis na halaga ay maaaring ibalik. Ang limitasyon ay depende sa edad at kinikita ng pasyente.

Tanong no.3

Kasalukuyan akong naka-pasok ako sa health insurance ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Ano ang mangyayari sa aking health insurance pagkatapos kong umalis sa trabaho?

Sagot no.3

Mag-e-expire ang health insurance ng kumpanya sa araw pagkatapos mong tumigil sa trabaho. Ang insurance card ay dapat ibalik sa kumpanya sa iyong huling araw ng trabaho. Pagkatapos nito, maaari mong piliing sumali sa National Health Insurance (Kokumin Kenko Hoken) o maging dependent sa insurance ng isang miyembro ng pamilya.

Tungkol sa Health Insurance System sa Japan

Ang lahat ng taong naninirahan sa Japan, anuman ang nasyonalidad, ay dapat na nakatala sa pampublikong segurong pangkalusugan. May tatlong pangunahing uri ng health insurance sa Japan:

Company Health Insurance (Kenko Hoken)

Naaangkop sa mga empleyado ng mga kumpanya kung saan mandatory ang membership sa health insurance.

Ang insurance ay pinangangasiwaan ng kumpanya.

National Health Insurance (Kokumin Kenko Hoken)

Inilaan para sa mga taong wala pang 75 taong gulang na hindi karapat-dapat para sa segurong pangkalusugan ng kumpanya.

Ang aplikasyon at pag-withdraw ay dapat gawin sa city hall o opisina ng munisipyo kung saan nakatira ang tao.

Health Insurance System ng mga Senior Citizens (Koki Koreisha Iryo Seido)

Naaangkop sa mga taong 75 o mas matanda. Ang aplikasyon at pag-withdraw ay ginagawa sa city hall o municipal office.

Para sa karagdagang impormasyon sa health insurance, mangyaring sumangguni din sa sumusunod na materyal:

(Except mula sa Japan Immigration Services Agency’s Gabay sa Pamumuhay at Pagtatrabaho)

Mangyaring gamitin ang Life and Work Guidebook

2025/03/17 Monday Anunsyo, Kultura at Libangan

生活・就労ガイドブックをご活用ください

Ang Immigration Services Agency ay lumikha ng isang “Life and Work Guidebook” para sa mga dayuhang naninirahan sa Japan.

I-access ang guidebook dito: https://www.moj.go.jp/isa/support/portal/guidebook_all.html

Mababasa mo ang impormasyong kailangan mo para mamuhay ng maayos sa 17 languages.

Mangyaring huwag mag-atubiling gamitin ito:

  • Tungkol sa entry at residence procedures
  • Tungkol sa mga procedures ng munisipyo
  • Tungkol sa employment at labor
  • Tungkol sa panganganak at pagpapalaki ng anak
  • Tungkol sa edukasyon
  • Tungkol sa medical care
  • Tungkol sa mga pension
  • Tungkol sa taxes
  • Tungkol sa mga sakuna
  • Tungkol sa mga patakaran at mga kaugalian sa pang-araw-araw na buhay, atbp.

Ang website ng gobyerno ay may video na nagpapaliwanag kung ano ang kasama sa guidebook na ito:
https://www.gov-online.go.jp/prg/prg25045.html