Mangyaring gamitin ang Life and Work Guidebook 生活・就労ガイドブックをご活用ください Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2025/03/13 Thursday Anunsyo, Kultura at Libangan Ang Immigration Services Agency ay lumikha ng isang “Life and Work Guidebook” para sa mga dayuhang naninirahan sa Japan. I-access ang guidebook dito: https://www.moj.go.jp/isa/support/portal/guidebook_all.html Mababasa mo ang impormasyong kailangan mo para mamuhay ng maayos sa 17 languages. Mangyaring huwag mag-atubiling gamitin ito: Tungkol sa entry at residence procedures Tungkol sa mga procedures ng munisipyo Tungkol sa employment at labor Tungkol sa panganganak at pagpapalaki ng anak Tungkol sa edukasyon Tungkol sa medical care Tungkol sa mga pension Tungkol sa taxes Tungkol sa mga sakuna Tungkol sa mga patakaran at mga kaugalian sa pang-araw-araw na buhay, atbp. Ang website ng gobyerno ay may video na nagpapaliwanag kung ano ang kasama sa guidebook na ito: https://www.gov-online.go.jp/prg/prg25045.html Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Magbubukas ang Mie Yotsuba-ga-Saki Chugakkou Public Night School Madalas na mga Katanungan sa Mie Foreign Residents Support Center “MieCo” (Tungkol sa Health and Health Insurance) » ↑↑ Next Information ↑↑ Magbubukas ang Mie Yotsuba-ga-Saki Chugakkou Public Night School 2025/03/13 Thursday Anunsyo, Kultura at Libangan みえ四葉ヶ咲中学校(県立の夜間中学)が開校します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ang public night school “Mie Yotsuba-ga-Saki Chugakkou” ay magbubukas sa April 2025. Bilang karagdagan sa kurikulum ng junior high school, maaari ding pag-aralan ng mga mag-aaral ang kurikulum ng elementarya at Japanese language. Ang impormasyon ay ibinigay sa website, kaya mangyaring tingnan ito. https://sites.google.com/mie-c.ed.jp/yotsuba Kurso ng Night School Ang mga taong may edad 15 o higit pa, nakatira o nagtatrabaho sa Mie Prefecture, na sa iba’t ibang dahilan ay hindi nakatapos o hindi nagkaroon ng sapat na access sa compulsory education, ay karapat-dapat na mag-enroll. Diversification ng Learning Course Inilaaan para sa mga mag-aaral (elementarya II) na natigil o ipanagpaliban ang pag-aaral. Class Schedule May mga klase sa araw at gabi. Ang mga mag-aaral ay maaaring pumili ng alin sa dalawa. Mga gastusin Tuition: Libre Teaching materials: Libre Tablet na gagamitin sa klase: pwedeng i-loan sa institution Iba pang gastusin School supplies: 6,000 yen/year Outside classes: 4,000 yen/year School trip: 30,000 yen (sa 3 taon) Mga Pagkain (opsyonal): Available ang mga pagkain sa Mie Yume Gakuen High School cafeteria (humigit-kumulang 5,000 yen/buwan) Address Tsu-shi Yanagiyama Tsuoki 1239 (津市柳山津興1239) Contact Mie Prefectural Board of Education Secretariat, Elementarya at Junior High School Education Division (mga araw ng linggo 9:00-17:00) Numero ng telepono: 059-224-2766 Email address: gakokyo@pref.mie.lg.jp (Mula Abril 2025) Mie Yotsuba-ga-saki Junior High School (weekdays 13:00-21:00) Numero ng telepono: 059-253-4283 Email address: yotsuba@mie-c.ed.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp