Mangyaring gamitin ang ating lokal na WAON “Mie Kosodate WAON”

ご当地WAON「みえ 子育てWAON」をご利用ください

2018/11/12 Monday Anunsyo

Upang suportahan ang mga bata sa prefecture at mga magulang, sa pakikipagtulungan sa AEON Retail Co., kami ay nag-isyu ng isang bagong WAON “Mie Kosodate WAON “na isang ionic money card mula Nobyembre 9, 2018.

Ang 0.1% ng halagang ginagamit sa mga tindahan ng franchise ng WAON sa buong bansa ay ibibigay sa “Mie Prefectural Children’s Fund” (Mie-ken Kodomo Bokin). Ang mga donasyon ay gagamitin para sa mga panukalang kontra para sa pagbagsak ng birthrate, mga hakbang para sa pagbawas ng kahirapan para sa mga bata, pag-iwas sa pang-aabuso sa bata, at iba pa.

Kung mayroon ka ng WAON card, maaari kang magkaroon ng dalawang card o maaari mo ring ilipat ang kasalukuyang points sa bagong card. Mangyaring tangkilikin ang paggamit ng “Mie Kosodate WAON”.

<Sample card>

Kinakailangang magbayad ng issuing fee na 300 yen (tax included).

Video tutorial kung paano gamitin ang WAON card (Japanese, English, Chinese)
https://www.waon.net/about/movie/

Para sa Mie Kosodate WAON flyer (Japanese only) i-click dito

Ang mga pagsisiskap na isinasagawa ng Mie Prefecture upang malabanan ang pagbagsak ng birthrate (Japanese only)
http://www.pref.mie.lg.jp/D1KODOMO/

Disyembre 2018 Pag-abiso ng Mga Event ng Multicultural Coexistence

2018/11/12 Monday Anunsyo

2018年12月 多文化共生に関するイベントのお知らせ

Sa Mie prefecture, ang mga tao na may iba’t ibang mga nationalities, mga pangkat etniko, at iba pa ay kinikilala ang cultural na pagkakaiba at bumuo ng isang komunidad ng sama-sama sa ilalim ng isang pantay-pantay na relasyon, “Tabunka Kyosei Shakai-dzukuri (Paggawa ng isang Multicultural Symbiosis Society)”. Bilang bahagi ng programa, may mga dayuhang mag-aaral ng kolehiyo at unibersidad na naging reporter kasama ng kanilag mga Japanese assistant ay nag-interview ng mga kumpanya na may mga dayuhan aktibo na nagta-trabaho at ipinakita ang kanilang mga obserbasyon at pananaw.

Ang parehong mga event ay gaganapin sa Mie Kenmin Koryu Center (Tsu-shi Hadokoro-machi 700 UST Tsu 3F), huwag mag atubiling lumahok. Gayunpaman, walang libreng parking lot sa venue. Kapag pupunta gamot ang sariling sasakyan, mangyaring bayaran ang parking fee.

  1. Foreign reporter company interview report meeting
    Pag-diskubre ng mga dayuhang estudyante ! Ang sekreto ng tagumpay ng isang dayuhan!

Petsa at oras: Sabado, Disyembre 8, 2018 13: 30-15: 15
Description: Ang mga dayuhang mag-aaral ng kolehiyo at unibersidad na naging reporter kasama ng kanilag mga Japanese assistant ay nag-interview ng mga kumpanya na may mga dayuhan aktibo na nagta-trabaho at ipinakita ang kanilang mga obserbasyon at pananaw.
Kapasidad: 30 katao * Kaikangan magrehistro hanggang Nobyembre 30 (Biyernes)
Language: Japanese Only
Application・Inquiries: Mie-ken Kokusai Koryu Zaidan
TEL: 059-223-5006  FAX: 059-223-5007  E-mail: mief@mief.or.jp
URL: http://www.mief.or.jp   Para sa flyers, i-click dito

  1. Pag-ubawa sa Multicultural coexistence event – Hand in Hand 2018
    Simulated World Travel ~ Asia · Oceania Edition ~

Petsa at oras: Linggo, Disyembre 9, 2018 13: 30-16: 00
Nilalaman: Matapos makatanggap ng beginner’s lesson sa wikang Indonesian, magkakaroon ng simulated flight experience patungong Indonesia at Australia. Alamin ang geograpiya, pamumuhay, kultura, atbp., ng parehong bansa. Mayroon ding mga lokal na minatamis at inumin (libre). * Walang aktwal na flight boarding.
Kapasidad: Mga 50 katao ※ Kinakailangang magparehistro bago mag Disyembre 5 (Miyerkules)
Language: Japanese Only
Application・Inquiries: Mie Shimin Katsudo Volunteer Center
TEL: 059-222-5995   FAX: 059-222-5971  E-mail: center@mienpo.net
URL: http://www.mienpo.net/center   Para sa flyers, i-click dito