Mga kumpanya kung saan ang mga dayuhan ay aktibo③ Social Welfare Service Corporation Seizanrikai 外国人が活躍する企業③ 社会福祉法人青山里会 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2018/11/15 Thursday Impormasyon, Karera Ang bilang ng mga dayuhan na nagtatrabaho bilang regular na empleyado kahit na sa loob ng Mie prefecture ay tumataas. Anong uri ng mga kumpanya ang pinagta-trabahuan ng mga dayuhang empleyado? Anong uri ng pagbabago ang ginagawa ng mga kumpanya para sa mga dayuhang empleyado upang maging isang aktibong bahagi? Social Welfare Service Corporation Seizanrikai Sa Yokkaichi City, Kameyama City, Nagoya City, atbp., namamahala ng 50 na mga nursing home at iba pang mga pasilidad para sa mga matatanda at mga taong may kapansanan. Regular silang tumatanggap ng Nikkeijin simula 2009, at sinusubukan mapangalagaan ang human resources sa pamamagitan ng mga paraan tulad ng pagkuha ng kwalipikasyon sa nursing care. Sa ngayon, sampung porsiyento ng humigit-kumulang 600 na nursing staff ay mga dayuhan na may iba’t ibang nasyonalidad mula sa Brazil, Pilipinas, Peru at Bolivia. May mga iba din banyagang mag-aaral na naka enroll sa vocational school habang nagtatrabaho ng part-time. Gayundin, Bilang karagdagan sa mga dayuhan, sila ay naghahati sa mga tungkulin ng mga workshop sa nursing care at recruiting personnel upang gawin itong posible para sa iba’t ibang mga tao katulad ng mga middle-aged, matatanda, binata at mga may kapansanan para makapagtrabaho sa mga partikular na mga uri ng mga trabaho (paglalaba, delivery staff, night exclusive, atbp). Nursing care staff Mori Kameri Yukie Ako ay dumating sa Japan mula Brazil noong ako ay dalawang taong gulang. Dahil sa layuning economic independence, umalis ako sa aking part-time na trabaho at nagsimulang magtrabaho sa Seizanrikai. Ako ay kasalukuyang nagtatrabaho sa isang pasilidad kung saan may 120 na mga taong may dimentia. Kahit na ang pagtulong sa pagkain, paliligo at excretion ang sentro ng aking trabaho, hindi namin ginagawa ang lahat, nagbibigay lang kami ng mga ideya at bigyan ng tulong kung kinakailangan ang aming inaalagaan. Ang mga residente ay nasa kanilang mga senior years kaya’t mahalaga din na panatilihin ang kanilang dangal. Ako ay hindi pa rin nasasanay sa trabaho dahil araw araw iba’t iba din ang mga nangyayaring sitwasyon ngunit masaya ako at nakakakuha ako ng maraming tulong mula sa aking boss at kasamahan. Living Counselor Zheng Shang-hai Sa China nagtatrabaho ako bilang translator at interpreter para sa mga manga books ngunit noong 2000 ay napunta ako sa Japan at kumuha ng postdoctoral degree sa welfare at nakahanap ng trabaho sa Seizanrikai. Sa kasalukuyan, nagbibigay kami ng counseling sa mga residente at ang kanilang mga pamilya sa elder facility, at nakikipag-coordinate at nagpapayo sa mga kaugnay na organisasyon tulad ng mga ospital at tagapangasiwa. Ang mga personal na problema na mahirap malutas ay ang mahirap konsultahin, ngunit maganda na nakikipag-ugnay sa mga tao, isang mahirap na trabaho ngunit kapaki-pakinabang para sa mga tao. At ang pagiging ambisyoso ay mahalaga sa trabaho na ito. Nagsusumikap din kami upang mapabuti ang lugar ng trabaho. Social Welfare Service Corporation Seizanrikai Pagtatatag: Hunyo 1973 Head office: Mie-ken Yokkaichi-shi Yamada-cho 5500-1 URL: www.normari.jp Sa pagkakataong ito, na isinulat ni Ms. Yang Yang, isang international student sa isang unibersidad sa Mie Prefecture, at Mr. Yaekashi James, isang mag-aaral sa high school, at co-authored ng mga assistant na si Mr. Masami Minamikawa at Ms. Riko Masuda na naka-post dito: Mga artikulo na sakop ng mga banyagang reporter www.mief.or.jp/jp/gaikokujinkatsuyaku.html (社会福祉法人青山里会) (Japanese · Chinese · Spanish) May mga naka-schedule din na report meetings Business visit report meeting Araw at oras: Desyembre 8, 2018 Sabado 13:30 ~ 15:15 Lugar: Ust Tsu 3F (Tsu-shi Hadokoro-cho 700) Ang video na ito ay ginawa gamit ang tulong mula sa Association of Internationalization International Government. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Mangyaring gamitin ang ating lokal na WAON “Mie Kosodate WAON” Impormasyon para sa Frente Mie Counseling Room » ↑↑ Next Information ↑↑ Mangyaring gamitin ang ating lokal na WAON “Mie Kosodate WAON” 2018/11/15 Thursday Impormasyon, Karera ご当地WAON「みえ 子育てWAON」をご利用ください Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Upang suportahan ang mga bata sa prefecture at mga magulang, sa pakikipagtulungan sa AEON Retail Co., kami ay nag-isyu ng isang bagong WAON “Mie Kosodate WAON “na isang ionic money card mula Nobyembre 9, 2018. Ang 0.1% ng halagang ginagamit sa mga tindahan ng franchise ng WAON sa buong bansa ay ibibigay sa “Mie Prefectural Children’s Fund” (Mie-ken Kodomo Bokin). Ang mga donasyon ay gagamitin para sa mga panukalang kontra para sa pagbagsak ng birthrate, mga hakbang para sa pagbawas ng kahirapan para sa mga bata, pag-iwas sa pang-aabuso sa bata, at iba pa. Kung mayroon ka ng WAON card, maaari kang magkaroon ng dalawang card o maaari mo ring ilipat ang kasalukuyang points sa bagong card. Mangyaring tangkilikin ang paggamit ng “Mie Kosodate WAON”. <Sample card> Kinakailangang magbayad ng issuing fee na 300 yen (tax included). Video tutorial kung paano gamitin ang WAON card (Japanese, English, Chinese) https://www.waon.net/about/movie/ Para sa Mie Kosodate WAON flyer (Japanese only) i-click dito Ang mga pagsisiskap na isinasagawa ng Mie Prefecture upang malabanan ang pagbagsak ng birthrate (Japanese only) http://www.pref.mie.lg.jp/D1KODOMO/ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp