Ang Unang Pag-bisita sa Ise-Jingu sa New Year’s Holiday – Anunsyo tungkol sa traffic at parking regulations (2020-2021) 年末年始 伊勢神宮 初参り パーク&バスライド、交通規制のお知らせ(2020~2021) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2020/12/16 Wednesday Anunsyo, Kultura at Libangan Ang paligid ng Ise Jingu ay lubos na busy sa panahon ng Bagong Taon. Ngayong taon, upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus, hinihiling ng lalawigan sa mga tao na bisitahin ang templo tuwing weekdays o sa simula ng Pebrero. * Sa pagitan ng ika-6 (Miyerkules) at ika-29 ng Enero (Biyernes), 2021, ang mga parking lot ng Naiku A at B sa Uji, sa lungsod ng Ise, ay libre sa loob ng 4 na oras lamang tuwing weekdays. Para sa karagdagang detalye, i-click dito (sa wikang Japanese lamang). Upang mapagaan ang trapiko, nag-install ang organization ng pansamantalang paradahan malapit sa Sun Arena at magkakaroon ng mga shuttle bus sa paligid ng Geku at parking lot Naiku ng Ise-Jingu. Magbabago ang oras ayon sa mga araw, kaya mangyaring mag-ingat. Ang shuttle bus ay free, ngunit kakailanganin na magbayad ng parking fee na ¥ 1,000 kada sasakyan. Hinihiling ng ororganization sa mga bisita na ipakita ang resibo ng bayad sa paradahan sa kinauukulan bago sumakay sa bus. Bago sumakay sa bus, i-click dito para makita ang coronavirus preventive measures (sa wikang Japanese lamang). Temporary Parking Sa palibot ng Sun Arena de Mie 〒516-0021 Mie-ken Ise-shi Asama-cho Kamotani 4383-4 (bumaba sa Asama Higashi IC ng Ise Futami Toba Line) Bus Hours 10:00 pm sa December 31, 2020 (Thursday) hanggang 4:00 pm sa January 1, 2021 (Friday) January 2 (Saturday) hanggang January 4, 2021 (Monday) – 9am hanggang 4pm January 9 (Saturday) hanggang January 10, 2021 (Sunday) – 9am hanggang 4pm * Huling biyahe (departure sa Naiku at bandang Geku) 6:30 pm * Shuttle bus para sa mga disabled at taong may special needs ay mag operate sa route as pagitan ng Naiku B2 at Ujibashii Para makasakay sa bus for the disabled, kailangan sumakay sa “Park & Bus Ride” at dapat naangkop sa isa sa mga sumusunod. Matatanda (mahigit 75 years old) Taong may physical na kapansanan Mga buntis Pamilya o helper (caregivers) ng mga taong naksaad as itaas Traffic Regulations Dahil ang exit ay kontrolado ng “Park & Bus Ride”, ang mga ordinaryong sasakyan ay hindi makakababa sa Ise Nishi IC at Ise IC (subalit posible na dumaan entrance). At sa Enero 5, 2021 at sa katapusan ng linggo at pista opisyal sa pagitan ng Enero 11 at Enero 31, mula 9 ng umaga hanggang 3 ng hapon, magkakaroon ng pag control as daoy ng mga sasakyan sa paglabas ng Ise Nishi IC.. Reference: homepage of “Raku Raku Ise Moude” Link in English: http://www.rakurakuise.jp/ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « 2021 Special Screening sa High School Admissions ng Mie Prefectural High School para sa mga Non-Japanese Students (Enero/2021) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura » ↑↑ Next Information ↑↑ 2021 Special Screening sa High School Admissions ng Mie Prefectural High School para sa mga Non-Japanese Students 2020/12/16 Wednesday Anunsyo, Kultura at Libangan 令和3年度(2021年)三重県立高等学校 外国人生徒等の特別枠入学者選抜について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Eligibility Criteria Mga taong naninirahan kasama ang guardian o isang may dayuhang nasyonalidad na pina-planong manirahan sa Mie Prefecture, na hindi pa nakapasa sa loob ng 6 na taon as of Abril 1, 2020 mula sa petsa ng pagdating sa bansa. Impormasyon tungkol sa mga available na High School, kurikulum, at mga dokumento na isusumite Pakitignan ang 2021 Mie Prefectural High School Admissions Screening Guidelines (令和3年度三重県立高等学校入学者選抜実施要項) (Japanese only), na matatagpuan sa mga sumusinod na link: http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000913508.pdf Bilang ng mga aplikante Bilang isang pangkalahatang tuntunin, ang bawat prefectural high school ay tatanggap ng hanggang 5 na non-Japanese at / o returnee sa pamamagitan ng screening na ito. Gayunpaman, tatanggapin ng Japanese Communication Department ng Iino High School ang hanggang sa 10 na non-Japanese at / o returnee. Ang mga nabanggit na numero ay sumasalamin sa kabuuang bilang ng mga application na tinanggap sa panahon ng parehong una at ikalawang semestre ng admission. Ang pinakamataas na kapasidad ng bawat paaralan ay isasaalang-alang sa panahon ng proseso ng admission, at walang paaralan na lalampas sa quota ng mag-aaral. Panahon ng pagtanggap at araw ng screening (2021) Panahon ng pagtanggap Araw ng screening Unang semester admission Enero 22 (Biyernes) – Enero 27 (Miyerkules) Pebrero 3 (Miyerkules), ika-4 (Huwebes) Pangalawang semester admission Pebrero 22 (Lunes) – Pebrero 26 (Biyernes)*Hanggang sa Pebrero 25 (Huwebes ) para sa mga part-time na paaralan. (Maliban sa Sabado at Linggo) Marso 10 (Miyerkules) Mga nilalaman ng screening [Unang semester admission] Ang mga pamamaraan ng pagsusuri ay mag-iiba ayon sa paaralan at maaaring kasama ang: mga interview, pagsusuri ng self-expression, essays, at/o written tests. Listahan ng mga nilalaman ng pagsusuri ng bawat paaralan: http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000913519.pdf [Pangalawang semester admission] Essay at Interview Ang pagsusuri sa essay at interview ay isasagawa sa native language ng aplikante, English, o Japanese. Ang desisyon sa pagtanggap ng isang aplikante ay nakasalalay sa punong-guro ng paaralan. Ang isang written test ay maaari ring ibigay depende sa ng punong-guro ng paaralan Listahan ng espesyal na nilalaman ng pagtatasa para sa mga dayuhang mag-aaral at iba pa mula sa bawat paaralan: http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000913524.pdf Paraan ng pagpili Batay sa “survey” kung saan nakasaad ang mga resulta ng screening at ang mga resulta sa junior high school, ay magsasagawa ng komprehensibong pagpili at ang mga matagumpay na aplikante ay mapapasya. *Para sa mga detalye, mangyaring sumangguni sa “Mie Prefectural High School Admission Entrance Examination Requirements” 「令和3年度三重県立高等学校入学者選抜実施要項」 o sa Mie Prefectural Special Assistance Scholars Admission Guidelines「令和3年度三重県立特別支援学校入学者募集要項」 (Japanese only) http://www.pref.mie.lg.jp/KOKOKYO/HP/000215949_00006.htm *Para sa impormasyon tungkol sa multilingual high school systems at scholarships, atbp. (Public Good) Pakitingnan ang “High School Admission Guidance Guidebook” na inihanda ng Mie International Exchange Foundation. http://www.mief.or.jp/jp/guidance_guidebook.html Makipag-ugnay sa Mie-ken Kyoiku Iinkai Jimukyoku Koko Kyoiku-ka Career Kyouik-han TEL: 059-224-2913 (Japanese only) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp