(Enero/2021) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura (2021年1月)県営住宅の定期募集 Share! Share on Facebook (Opens in new window) Facebook Email a link to a friend (Opens in new window) Email Share on X (Opens in new window) X Share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp 2021/01/08 Friday Paninirahan Panahon ng aplikasyon para sa buwan ng Enero Enero 5 (Martes) ~ Enero 31 (Linggo), 2021 Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat, upa at iba) at kung paano mag-apply para dito. I-click dito upang makita ang PDF file (Japanese Version) I-click dito upang makita ang PDF file (Portugues Version) I-click dito upang makita ang PDF file (Spanish Version) Ang impormasyon tungkol sa mga pamantayan sa pagiging karapat-dapat at mga patakaran at regulasyon sa pabahay ng prefectural ay maaari ding matagpuan ang pag-click dito (sa japanese lang). *Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggang ika-unang Miyerkules ngbuwan pagkatapos ng buwan na mabuo ang bilang ng mga na-solicit na aplikasyon. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang Enero 31. Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply) Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office Araw ng bunutan Araw ng pag-upa Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1 Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1 Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1 Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1 ※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas. Makipag-ugnayan sa: Mie Ken Kendo Seibi-bu Jutaku Seisaku-ka Kou’ei Jutaku-han TEL: 059-224-2703 (*Sa wikang hapon lamang) Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod (1) Hokusei Bloc (Kuwana city, Kawagoe district, Yokkaichi city, Suzuka city, Kameyama city) TEL: 059- 373- 6802 (2) Chusei Iga Bloc (Tsu city, Iga city) TEL: 059-221-6171 (3) Nansei-Higashi Kishu Bloc (Matsusaka city, Ise city, Owase city, Mihama district) TEL: 059-222-6400 Share! Share on Facebook (Opens in new window) Facebook Email a link to a friend (Opens in new window) Email Share on X (Opens in new window) X Share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp « Ang Unang Pag-bisita sa Ise-Jingu sa New Year’s Holiday – Anunsyo tungkol sa traffic at parking regulations (2020-2021) (2021) Consumer damage prevention workshop para sa mga dayuhang residente »