Anunsyo tungkol sa National at Local na konsultasyon na chatbot (Govbot)

国・地方共通相談チャットボット(Govbotガボット)のお知らせ

2024/09/17 Tuesday Anunsyo, Kultura at Libangan

Gumawa ang gobyerno ng chatbot (Govbot) tungkol sa mga Japanese system. Maaari mong basahin ang mga madalas itanong na question at mga sagot (FAQs) tungkol sa mga system na madalas itanong. Bilang karagdagan sa Japanese, available ito sa 15 wika (automatic translation).

Maaari mong malaman ang tungkol sa My number, pagpapalaki ng bata, medical insurance, mga pension, mga buwis, pagpaparehistro ng real estate, mga rehistro ng pamilya, at mga flat-rate income tax reductions, kaya mangyaring gamitin ito.

I-click dito para sa chatbot (Govbot) → https://www.govbot.go.jp/#/

Mga halimbawa ng FAQ na mababasa

  • Magkano ang halaga ng fixed-amount income tax reduction?
  • May anak ako. Anong mga pamamaraan ang kinakailangan upang makatanggap ng allowance ng bata?
  • May expiration date ba para sa My Number card?
  • Kailan at magkano ko matatanggap ang aking pension?
  • Ano ang annual income limit?
  • Sino ang napapailalim sa buwis sa forestry environment tax?

I-click dito para sa flyer ng Govbot (Japanese at English)  

Mas mahigpit na parusa para sa paghawak ng smartphone habang nakasakay sa bisikleta/o habang lasing (mula Nobyembre 1, 2024)

2024/09/17 Tuesday Anunsyo, Kultura at Libangan

自転車のスマホ・酒気帯び運転の罰則強化(2024年11月1日から)

May mga pagbabago sa Road Traffic Law. Magbabago ang mga panuntunan mula Nobyembre 1, 2024. Mas magiging mahigpit na ang mga parusa para sa mapanganib na pagsakay sa bisikleta.

  1. “May hawak na smartphone” habang nagbibisikleta.

Ang paghawak ng smartphone o iba pang device sa iyong kamay at pakikipag-usap o pagtingin sa screen habang nakasakay sa bisikleta ay ipinagbabawal at napapailalim sa mga parusa. (Gayunpaman, ang paggamit ng smartphone habang nakatigil ang bisikleta ay hindi napapailalim sa mga parusa.)

Ang mga lumalabag ay napapailalim sa pagkakakulong ng hanggang anim na buwan o multang hanggang ¥100,000.

Ang mga lumalabag ay napapailalim sa pagkakulong ng hanggang isang taon o multa ng hanggang ¥300,000 kung magdulot sila ng panganib sa trapiko.

  1. Pagmamaneho habang nakainom ng alak at pagtulong o pag kunsinte

Ang mga sumusunod na aksyon ay napapailalim sa mga parusa.

  • Pagsakay sa bisikleta sa ilalim ng impluwensya ng alkohol.
  • Nag-aalok ng mga inuming nakalalasing sa isang siklista.
  • Pag-aalok o pagpapahiram ng bisikleta sa isang taong nasa ilalim ng impluwensya ng alkohol.
  • Nakasakay sa bisikleta at nagmamaneho sa ilalim ng impluwensya ng alkohol.

Ang mga lumalabag ay napapailalim sa pagkakulong ng hanggang tatlong taon o multang hanggang ¥500,000.

Ang mga lalabag na nagbigay ng bisikleta ay napapailalim sa pagkakakulong ng hanggang tatlong taon o multang hanggang ¥500,000.

Ang mga lumalabag at pasahero na nagbibigay ng mga inuming nakalalasing ay napapailalim sa pagkakakulong ng hanggang dalawang taon o multang hanggang ¥300,000.

  1. Sistema ng pagsasanay sa siklista

Ang sinumang nagbibisikleta at paulit-ulit na gumagawa ng mga mapanganib na gawain (tulad ng pagwawalang-bahala sa mga senyales ng trapiko, hindi pansamantalang huminto sa isang itinalagang lugar, pagpasok sa isang blocked level crossing, paglabag sa mga obligasyon sa ligtas na pagmamaneho, paglabag sa mga passing zone, atbp.) ay dapat kumuha ng kurso sa pag-sakay ng bisikleta.

Ang pagkabigong sumunod sa utos na lumahok sa kurso ay napapailalim sa multa na hanggang 50,000 yen.

*Ang mga taong “nagbibisikleta habang gumagamit ng smartphone” o “nakasakay sa ilalim ng impluwensya ng alak” ay dapat ding kumuha ng kurso ng bicycle operator.

Para sa karagdagang impormasyon, i-click dito.

Para sa mga katanungan (sa wikang Japanese lamang)

Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Kurashi Koutsu Anzen-ka Koutsu Anzen-han (三重県 環境生活部 くらし・交通安全課 交通安全班)

Tel: 059-224-2410