Ang mga motorsiklo na nasa under 125cc ay hindi maaaring imaneho sa mga expressway

125cc以下のバイクでは、高速道路を走ることができません

2024/09/24 Tuesday Anunsyo, Kaligtasan

Ang mga pedestrian, bisikleta, at motorsiklo na nasa under 125cc ay ipinagbabawal na pumasok sa mga expressway.

Ang mga expressway ay mga puwang kung saan bumibiyahe ang mga sasakyan sa bilis na humigit-kumulang 100km bawat oras, at napakadelikado para sa mga pedestrian na pumasok dito. Mangyaring huwag pumasok dito sa anumang pagkakataon.

Kamakailan, may mga kaso ng mga pedestrian na gumagamit ng mga smartphone navigation app na naglalakad sa mga expressway, at mga bisikleta at motorsiklo na wala pang 125cc na nagmamaneho sa mga expressway.

Kung gumagamit ka ng navigation app, itakda ito sa setting  kung saan iiwasan ang padgdaaan sa mga expressway.

I-click dito para makita ang pamphlet na tungkol sa mga patakaran sa expressway (sa Vietnamese at Japanese).

Anunsyo tungkol sa National at Local na konsultasyon na chatbot (Govbot)

2024/09/24 Tuesday Anunsyo, Kaligtasan

国・地方共通相談チャットボット(Govbotガボット)のお知らせ

Gumawa ang gobyerno ng chatbot (Govbot) tungkol sa mga Japanese system. Maaari mong basahin ang mga madalas itanong na question at mga sagot (FAQs) tungkol sa mga system na madalas itanong. Bilang karagdagan sa Japanese, available ito sa 15 wika (automatic translation).

Maaari mong malaman ang tungkol sa My number, pagpapalaki ng bata, medical insurance, mga pension, mga buwis, pagpaparehistro ng real estate, mga rehistro ng pamilya, at mga flat-rate income tax reductions, kaya mangyaring gamitin ito.

I-click dito para sa chatbot (Govbot) → https://www.govbot.go.jp/#/

Mga halimbawa ng FAQ na mababasa

  • Magkano ang halaga ng fixed-amount income tax reduction?
  • May anak ako. Anong mga pamamaraan ang kinakailangan upang makatanggap ng allowance ng bata?
  • May expiration date ba para sa My Number card?
  • Kailan at magkano ko matatanggap ang aking pension?
  • Ano ang annual income limit?
  • Sino ang napapailalim sa buwis sa forestry environment tax?

I-click dito para sa flyer ng Govbot (Japanese at English)