Tumatanggap ng Aplikasyon para sa 2025 Medical Interpreter Training (Vietnamese) 医療通訳育成研修2025(ベトナム語)の受講者を募集します Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp 2025/09/01 Monday Anunsyo, Edukasyon Ang mga medical interpreter ay mahalaga kapag ang mga foreigners ay bumibisita sa mga medical institution, tinutulungan silang makipag-usap sa mga doctor, nurse, at iba pang mga medical proffesional. Ang programa sa pagsasanay na ito ay magbibigay sa mga kalahok ng practical medical expertise at interpretation skills upang maging isang medical interpreter na handa para sa agarang trabaho. Ang bayad sa kurso ay libre. Target Language: Vietnamese Vietnamese Eligible na tao Ang mga nakakatugon sa lahat ng mga sumusunod na requirements: Advanced na conversational skills sa parehong Vietnamese at Japanese May kakayahang kumuha ng selection test at lumahok sa lahat ng apat na sesyon ng training Makakapagtrabaho bilang isang medical interpreter sa loob ng prefecture Kapasidad ・Humigit-kumulang 10 kalahok (mga pumasa sa selection test) Oraas at araw Selection test: Sabado, Setyembre 27, 2025, 9:30 AM hanggang 10:30 AM Petsa ng back-up selection test: Lunes, Setyembre 29, 2025 7:00 PM hanggang 8:00 PM (Ang test sa Setyembre 29 ay para sa mga hindi maaaring kumuha ng test sa ika-27 ng Setyembre.) Training session: Session 1: Sabado, Oktubre 11, 2025, 10:30 AM hanggang 4:15 PM Session 2: Sabado, Oktubre 25, 2025, 10:30 AM hanggang 4:15 PM Session 3: Sabado, Nobyembre 1, 2025, 10:30 AM hanggang 4:15 PM Session 4: Sabado, Nobyembre 15, 2025, 10:30 AM hanggang 4:15 PM Venue UST Tsu (Tsu-shi Hadokoro-cho 700) Paano mag apply Mangyaring mag-apply sa pamamagitan ng application form sa: https://forms.gle/pgR9FYYWnhmVY4an9 Application deadline: Setyembre 25 Application/mga katanungan Mie International Foundation (MIEF) Address: 3º andar do UST Tsu (〒514-0009 Tsu-shi Hadokoro-cho 700) Tel: 059-223-5006 Fax: 059-223-5007 Email: mief@mief.or.jp I-click dito upang ma-access ang training pamphlet. Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp « Pambansang Kampanya para sa Ligtas na Trapiko sa Taglagas ↑↑ Next Information ↑↑ Pambansang Kampanya para sa Ligtas na Trapiko sa Taglagas 2025/09/01 Monday Anunsyo, Edukasyon 「秋の全国交通安全運動」を実施します Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp Sa taglagas, ang paglubog ng araw ay nangyayari nang mas maaga bawat araw at tumataas ang panganib ng mga aksidente sa trapiko, lalo na sa dapit-hapon. Bukod dito, sa pagdating ng panahon ng mga biyahe at pamamasyal sa taglagas, dumarami ang pangamba hinggil sa pagtaas ng bilang ng mga aksidente sa trapiko. Sa kontekstong ito, mahalaga para sa lahat na palakasin ang kanilang kamalayan sa kaligtasan sa trapiko, iwasan ang maliliit na pagkakamali at pagka-distract, at magmaneho nang mahinahon at may sapat na oras, palaging inuuna ang kaligtasan. Panahon Mula Setyembre 21 (Linggo) hanggang Setyembre 30 (Martes), 2025 – kabuuang 10 araw. (Ang Setyembre 30 (Martes) ay magiging “Araw ng Zero Kamatayan sa Trapiko.”) Pokus ng Kampanya (1) Mga ligtas na gawi sa pagtawid para sa mga pedestrian at paghihikayat sa paggamit ng mga replektibong materyal at maliwanag na kulay ng damit Kapag lalabas sa dapit-hapon o sa gabi, gumamit ng mga replektibong aksesorya, LED, at maliwanag na damit (tulad ng puti o dilaw) upang maprotektahan ang iyong buhay. Pagsapit ng katapusan ng Hulyo ngayong taon, humigit-kumulang 30% ng mga biktima ng nakamamatay na aksidente sa trapiko ay mga pedestrian, kabilang ang mga kaso na sila mismo ang lumabag sa batas. Para sa iyong sariling kaligtasan, laging gumamit ng pedestrian lane kung mayroon at sundin ang mga patakaran sa trapiko. Iwasan din ang “paggamit ng cellphone habang naglalakad”, dahil binabawasan nito ang atensyon sa paligid at maaaring magdulot ng malulubhang aksidente. (2) Pag-aalis ng paggamit ng cellphone habang nagmamaneho, pagmamaneho nang lasing, at paghikayat sa maagang paggamit ng ilaw ng sasakyan at high beam sa dapit-hapon Ang pagmamaneho nang lasing ay isang krimen at may kaakibat na mabibigat na pananagutan. Hindi lamang ipinagbabawal ang magmaneho nang lasing, kundi pati na rin ang mag-alok ng alak sa taong magmamaneho, magpahiram ng sasakyan sa lasing, o tumanggap ng sakay mula sa lasing na drayber – lahat ng mga gawaing ito ay may parusa. Bukod sa alak, ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho at ang agresibong pagmamaneho (“aori unten” – paninindak/pag-uusig sa kalsada) ay lubhang mapanganib na gawain na maaaring magdulot ng malubhang aksidente at dapat iwasan. Buksan ang ilaw ng sasakyan nang mas maaga at gumamit ng high beam kapag walang sasakyang nasa unahan o paparating, upang makatulong sa pagpigil ng aksidente. (3) Pag-unawa at pagsunod sa mga patakaran sa trapiko ng mga siklista at mga drayber ng magagaan na de-kuryenteng sasakyan, kasama ang sapilitang paggamit ng helmet Ang bisikleta ay abot-kayang paraan ng transportasyon para sa lahat, ngunit itinuturing itong isang “sasakyan” at dapat sumunod nang tama sa mga patakaran ng trapiko. Ipinagbabawal ang magbisikleta nang magkatabi, magdala ng payong habang nagbibisikleta, o gumamit ng cellphone at earphones – lahat ng ito ay mga paglabag. Ang mga e-scooter na pumapasa sa pamantayang legal ay ikinoklasipika bilang magagaan na de-motor na sasakyan at maaaring sakyan mula edad 16 nang walang lisensya sa pagmamaneho. Gayunpaman, kinakailangan ang plaka, insurance sa pananagutan, at pagsunod sa ibang mga alituntunin. Samantala, ang mga e-scooter na wala sa pamantayang legal at mga e-bike na may pedal na pasok sa mas mataas na kategorya ay itinuturing na motorsiklo o kotse at nangangailangan ng lisensya sa pagmamaneho. Kung gumagamit ka ng e-scooter, laging sundin ang mga patakaran sa trapiko at gamitin ito nang ligtas. Para sa iyong proteksyon, lahat ng gumagamit ng bisikleta at e-scooter ay dapat magsuot ng helmet. Maaaring i-download dito ang polyetong pangkamalayan (sa wikang Hapon) Contact (sa wikang Hapon lamang) Mieken KankyoSeikatsu-bu Kurashi Koutsu Anzen-ka Koutsu Anzen-han (三重県 環境生活部 くらし・交通安全課 交通安全班) Telepono: 059-224-2410 Share! Click to share on Facebook (Opens in new window) Facebook Click to email a link to a friend (Opens in new window) Email Click to share on X (Opens in new window) X Click to share on WhatsApp (Opens in new window) WhatsApp