Pambansang Kampanya para sa Ligtas na Trapiko sa Taglagas

2025/08/21 Thursday Anunsyo, Kaligtasan

Sa taglagas, ang paglubog ng araw ay nangyayari nang mas maaga bawat araw at tumataas ang panganib ng mga aksidente sa trapiko, lalo na sa dapit-hapon.

Bukod dito, sa pagdating ng panahon ng mga biyahe at pamamasyal sa taglagas, dumarami ang pangamba hinggil sa pagtaas ng bilang ng mga aksidente sa trapiko.

Sa kontekstong ito, mahalaga para sa lahat na palakasin ang kanilang kamalayan sa kaligtasan sa trapiko, iwasan ang maliliit na pagkakamali at pagka-distract, at magmaneho nang mahinahon at may sapat na oras, palaging inuuna ang kaligtasan.

  1. Panahon

Mula Setyembre 21 (Linggo) hanggang Setyembre 30 (Martes), 2025 – kabuuang 10 araw.
(Ang Setyembre 30 (Martes) ay magiging “Araw ng Zero Kamatayan sa Trapiko.”)

  1. Pokus ng Kampanya

(1) Mga ligtas na gawi sa pagtawid para sa mga pedestrian at paghihikayat sa paggamit ng mga replektibong materyal at maliwanag na kulay ng damit

  • Kapag lalabas sa dapit-hapon o sa gabi, gumamit ng mga replektibong aksesorya, LED, at maliwanag na damit (tulad ng puti o dilaw) upang maprotektahan ang iyong buhay.
  • Pagsapit ng katapusan ng Hulyo ngayong taon, humigit-kumulang 30% ng mga biktima ng nakamamatay na aksidente sa trapiko ay mga pedestrian, kabilang ang mga kaso na sila mismo ang lumabag sa batas.
  • Para sa iyong sariling kaligtasan, laging gumamit ng pedestrian lane kung mayroon at sundin ang mga patakaran sa trapiko.
  • Iwasan din ang “paggamit ng cellphone habang naglalakad”, dahil binabawasan nito ang atensyon sa paligid at maaaring magdulot ng malulubhang aksidente.

(2) Pag-aalis ng paggamit ng cellphone habang nagmamaneho, pagmamaneho nang lasing, at paghikayat sa maagang paggamit ng ilaw ng sasakyan at high beam sa dapit-hapon

  • Ang pagmamaneho nang lasing ay isang krimen at may kaakibat na mabibigat na pananagutan.
  • Hindi lamang ipinagbabawal ang magmaneho nang lasing, kundi pati na rin ang mag-alok ng alak sa taong magmamaneho, magpahiram ng sasakyan sa lasing, o tumanggap ng sakay mula sa lasing na drayber – lahat ng mga gawaing ito ay may parusa.
  • Bukod sa alak, ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho at ang agresibong pagmamaneho (“aori unten” – paninindak/pag-uusig sa kalsada) ay lubhang mapanganib na gawain na maaaring magdulot ng malubhang aksidente at dapat iwasan.
  • Buksan ang ilaw ng sasakyan nang mas maaga at gumamit ng high beam kapag walang sasakyang nasa unahan o paparating, upang makatulong sa pagpigil ng aksidente.

(3) Pag-unawa at pagsunod sa mga patakaran sa trapiko ng mga siklista at mga drayber ng magagaan na de-kuryenteng sasakyan, kasama ang sapilitang paggamit ng helmet

  • Ang bisikleta ay abot-kayang paraan ng transportasyon para sa lahat, ngunit itinuturing itong isang “sasakyan” at dapat sumunod nang tama sa mga patakaran ng trapiko.
  • Ipinagbabawal ang magbisikleta nang magkatabi, magdala ng payong habang nagbibisikleta, o gumamit ng cellphone at earphones – lahat ng ito ay mga paglabag.
  • Ang mga e-scooter na pumapasa sa pamantayang legal ay ikinoklasipika bilang magagaan na de-motor na sasakyan at maaaring sakyan mula edad 16 nang walang lisensya sa pagmamaneho. Gayunpaman, kinakailangan ang plaka, insurance sa pananagutan, at pagsunod sa ibang mga alituntunin.
  • Samantala, ang mga e-scooter na wala sa pamantayang legal at mga e-bike na may pedal na pasok sa mas mataas na kategorya ay itinuturing na motorsiklo o kotse at nangangailangan ng lisensya sa pagmamaneho.
  • Kung gumagamit ka ng e-scooter, laging sundin ang mga patakaran sa trapiko at gamitin ito nang ligtas.
  • Para sa iyong proteksyon, lahat ng gumagamit ng bisikleta at e-scooter ay dapat magsuot ng helmet.

Maaaring i-download dito ang polyetong pangkamalayan (sa wikang Hapon)

  1. Contact (sa wikang Hapon lamang)

Mieken KankyoSeikatsu-bu Kurashi Koutsu Anzen-ka Koutsu Anzen-han (三重県 環境生活部 くらし・交通安全課 交通安全班)

Telepono: 059-224-2410

Isasagawa na ang 2025 Census

2025/08/21 Thursday Anunsyo, Kaligtasan

Ang National Census ay ang pinakamahalagang survey sa istatistika ng gobyerno ng Japan, na isinasagawa tuwing limang taon upang linawin ang sitwasyon ng populasyon at sambahayan sa Japan. Lahat ng residente ng Japan (kabilang ang mga dayuhan) ay kinakailangang tumugon. Eksklusibong ginagamit ang mga tugon para sa mga layuning istatistika at hindi para sa anumang iba pang layunin.

Umaasa kami sa iyong pakikipagtulungan para sa National Census.

  • Simula sa huling bahagi ng Setyembre 2025, bibisitahin ng mga statistical enumerator ang bawat sambahayan at mamamahagi ng mga questionnaire.
  • Ang deadline para sa mga tugon sa questionnaire ay sa Oktubre 8, 2025, at maaaring isumite online o sa pamamagitan ng post mail.
  • May leaflet na isasama sa questionnaire para sa mga dayuhang residente. Ang leaflet na ito ay naglalaman ng mga URL para sa mga website na may foreign language na maaaring ma-access mula sa mga smartphone. Mangyaring basahin ang mga tagubilin at kumpletuhin ang survey.
  • Available ang mga online na responses sa Japanese, English, Chinese, Korean, Vietnamese, Portuguese, at Spanish, na ginagawang madali ang pagtugon.
  • Kung mayroon anumang mga katanungan, maaari kang makipag-ugnayan sa Census Contact Center sa pamamagitan ng telepono sa iyong sariling wika.
  • Mag-ingat sa mga manloloko na nagpapanggap na mga census enumerator. Ang mga tauhan ng census enumerator ay hindi kailanman hihingi ng personal na impormasyon sa telepono o email. Lagi rin nilang dala ang kanilang enumeration ID.

Ang mga URL ng mga website na may foreign language na tungkol sa census at ang numero ng telepono para sa serbisyo ng konsultasyon ay iaanunsyo sa MieInfo sa huling bahagi ng Setyembre 2025.

Official National Census campaign website:: https://www.kokusei2025.go.jp/

Para sa iba pang katanungan (sa wikang Japanese lamang):

Mie Prefectural Policy Planning Bureau – Statistics Section (Mie-ken Seisaku Kikaku-bu Toukei-ka- 三重県政策企画部統計課)

Tel: 059-224-2044