Ang mga kaso ng Coronavirus ay tumataas (Enero 2024)

新型コロナウイルス感染症が拡大しています!(2024年1月)


Sa Mie Prefecture, ang bilang ng mga taong nahawaan ng coronavirus ay tumataas mula noong Nobyembre 2023. Mangyaring magsagawa ng mga kinakailangang hakbang upang maiwasan mahawa at maiwasan ang pagkalat ng mga sakit

  • Sa taglamig, karaniwang sarado ang mga bintana, ngunit subukang regular na i-ventilate ang silid .
  • Hugasan ang iyong mga kamay, magmumog at disimpektahin ang iyong sarili nang madalas.
  • Magsuot ng mask depende sa sitwasyon. Sa partikular, magsuot ng mask kapag makikipagkita sa mga matatanda o mga taong maysakit o kapag bumibisita sa isang ospital.
  • Kung mayroon kang mga sintomas tulad ng lagnat o ubo, manatiling kalmado at magpahinga.
  • Isaalang-alang ang pagpapabakuna laban sa bagong uri ng coronavirus.

I-click dito para ma-access ang materyal mula sa press conference ng gobernador ng Mie Prefecture (Enero 24, 2024).

Notice tungkol sa health insurance at retirement systems

健康保険・厚生年金保険の制度のお知らせ(会社に勤めている人へのお知らせです)

(Ito ay isang paalala para sa lahat ng mga nagta-trabaho sa isang kumpanya)

Ang insurance rate (hokenryo – 保険料) na binabayaran para sa health insurance at retirement insurance ay natutukoy ang halaga depende sa buwanang suweldo at iba pang bayarin (bilang pangkalahatang tuntunin, kung mataas ang halaga ng suweldo at iba pang bayarin, mas tataas ang halaga na kailangan bayaran sa insurance).

Sa pangkalahatan, ang rate ng insurance (ang halagang kailangan nating bayaran) ay natutukoy ang halaga base sa sweldo ng tatlong buwang, ito ay ang Abril, Mayo at Hunyo.

* Binabase ang magiging halaga ng insurance sa buwanang average ng tatlong buwan ng Abril, Mayo at Hunyo.

Gayunpaman, kung matutugunan ang ilang partikular na kundisyon, pinapayagan ng system ang mga rate ng insurance (ang halagang kailangan nating bayaran) na matukoy ng average na buwanang kita sa buong taon.

* Ang halaga ay natutukoy sa average na buwanang suweldo mula Hulyo ng nakaraang taon hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.

Ang sinumang gustong gumamit ng sistemang ito ay dapat kumunsulta sa kumpanyang kanilang pinagtatrabahuan.

[Sanggunian] Website ng Japan Retirement Service (Nihon Nenkin Kiko – 日本年金機構), sa wikang Japanese lamang

https://www.nenkin.go.jp/service/kounen/todokesho/hoshu/20141002.html