Mag-ingat sa mga scam mula sa mga sellers na nag door-to-door na nag-aalok ng home renovation services!! 訪問販売等による悪質な住宅リフォーム業者に注意! Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2024/02/09 Friday Anunsyo, Kaligtasan, Paninirahan, Seminar at mga events Mangyaring magkaroon ng kamalayan na maraming mga problema sa consumer na may kaugnayan sa pagrerenovate ng bahay ay nagaganap sa loob ng prefecture. [Mga problemang naganap sa mga nakaraan] Inirekomenda ng seller ang renovation work at nagpasya kaming isagawa ito. Gayunpaman, ilang beses na itinigil ang trabaho at may karagdagang bayad sa bawat pagkakataon. Ilang beses naming binayaran ang mga karagdagang bayarin, ngunit hindi namin ma-contact ang kumpanya. Inirekomenda nila na dapat ayusin ang bubong at isagawa ang renovation. Ang bayarin pagkatapos ng pag-install ay mas mataas kaysa sa tinantyang gastos. Nang maglaon, kinumpirma sa akin ng isa pang salesperson ng renovation company na hindi naman pala kailangan i-renovate ito. Isang seller mula sa isang renovation company ang dumating sa aking bahay nang hindi inaasahan at sinabi sa amin na ang mga tile ay lumihis at ito ay mapanganib at nirekomenda na magsagawa ng renovation. Nang maglaon, sinuri ng isa pang eksperto ang bubong at nalaman na hindi kailangan ang trabaho. Nalaman din namin na mas mataas ang presyo nito kaysa sa karaniwan. [Advice para sa mga consumers] Kung nakatanggap ka ng offer ng renovation, huwag agad pumirma ng kontrata! Kung gagawa ka ng renovation, siguraduhing makakakuha ka ng mga quote mula sa higit sa isang kumpanya. Kapag pumirma ng kontrata, suriing mabuti ang nilalaman ng kontrata at iba pang mga dokumento! Kung hindi ka sigurado sa nilalaman ng kontrata, kumunsulta sa kumpanya at huwag pumirma sa kontrata kung hindi ka nasisiyahan sa nilalaman. Kung ikaw ay patuloy na nilapitan at kinukulit, tanggihan mo ang alok! Ipinagbabawal ng batas na patuloy na lumapit sa mga mamimili sa bahay kahit na sila ay tumanggi. Huwag mag-alala mag-isa, kumunsulta sa Consumer Hotline 188 or MieCo! Kung nakatanggap ka ng door-to-door sales visit, maaari kang magkaroon ng cooling off period na walong araw pagkatapos lagdaan ang kontrata. Maaari mo ring kanselahin ang kontrata sa loob ng isang taon kung mayroon kang paulit-ulit na mga bisita at nakakontrata para sa isang serye ng mga hindi kinakailangang trabaho sa maikling panahon. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Ang mga kaso ng Coronavirus ay tumataas (Enero 2024) Spring National Traffic Safety Campaign » ↑↑ Next Information ↑↑ Ang mga kaso ng Coronavirus ay tumataas (Enero 2024) 2024/02/09 Friday Anunsyo, Kaligtasan, Paninirahan, Seminar at mga events 新型コロナウイルス感染症が拡大しています!(2024年1月) Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Sa Mie Prefecture, ang bilang ng mga taong nahawaan ng coronavirus ay tumataas mula noong Nobyembre 2023. Mangyaring magsagawa ng mga kinakailangang hakbang upang maiwasan mahawa at maiwasan ang pagkalat ng mga sakit Sa taglamig, karaniwang sarado ang mga bintana, ngunit subukang regular na i-ventilate ang silid . Hugasan ang iyong mga kamay, magmumog at disimpektahin ang iyong sarili nang madalas. Magsuot ng mask depende sa sitwasyon. Sa partikular, magsuot ng mask kapag makikipagkita sa mga matatanda o mga taong maysakit o kapag bumibisita sa isang ospital. Kung mayroon kang mga sintomas tulad ng lagnat o ubo, manatiling kalmado at magpahinga. Isaalang-alang ang pagpapabakuna laban sa bagong uri ng coronavirus. I-click dito para ma-access ang materyal mula sa press conference ng gobernador ng Mie Prefecture (Enero 24, 2024). Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp