Tungkol sa tulong pang-pinansyal na kinakailangan sa pag-enroll sa compulsary education

義務教育の就学に必要な費用の援助について

2017/02/15 Wednesday Edukasyon, Nilalaman, Selection

Para sa mga nahihirapan sa mga halaga ng bayarin sa compulsary education ng anak (elementary at junior highschool), ang kada syudad ay nagbibigay ng suporta para sa kinakailangang gastusin para sa enrollment. Kinakailangang mag-apply para makatanggap nito. Ang mga matatanggap na tulong ay ang mga sumusunod.

<Ano ang mga kasali sa tulong (halimbawa)>

  • School supplies at school supplies expenses (kasama ang new entrance school supplies expenses)
  • Bayad sa school lunch
  • Bayad sa extracurricular activity
  • Bayad sa medical bills
  • Bayad sa school trips, atbp.

Application Form

Makukuha ang application forms sa edukasyonal na komite ng elementary and junior high school. Dahil ang deadline at lugar ng pag-submit ng application ay nag-iiba depende sa kada syudad, kapag nagnanais na makakuha ng tulong ay kumunsulta agad sa elementary at junior high school at sa board of education ng inyong munisipyo sa lalong madaling panahon. Ang pag-apply ay kinakailangan kada taon. Kapag ninanais na magpatuloy sa taon 2017, ay kinakailangang mag-apply muli.

Sa mga makakatanggap

Para makatanggap ng tulong, kinakailangan na matugunan ang mga kondisyon at pamantayan ng kada syudad. Dahil sa iba’t-iba ang mga kondisyon at pamantayan ng kada syudad, mangyaring makipag-ugnayan sa board of education ng kada syudad. Bilang reference, ang mga kondisyon at pamantayan ng Tsu Shi ay nakalista sa ibaba.

RemarksPara sa Tsu Shi

Sa mga nakatira sa Tsu Shi sa taong 2016 o di kaya 2017 at naaangkop sa mga sumusunod:

①Kapag nawalan o natigil ang tulong galing sa Livelihood Protection Act (Seikatsu-hogo)
②Kapag ang municipal tax ay tax-free
③Kapag nakakatanggap ng child support allowance
④Kapag may problemang pangpinansyal dahil sa rasong pang-ekonomiya kapag pina-enroll ang anak at may mabababang sahod o di kaya sakto lang sa pinaka standard na halaga ng sweldo ng taong 2016 o 2017.

Standard Income

2 Person Household 3 Person Houseold 4 Person Household 5 Person Household
Total Household Income Approximately

2 million yen

Approximately

2.6 million yen

Approximately

3.1 million yen

Approximately

3.3 million yen

※Dahil ito ang standard sa taon 2016, maaring magkaroon ito ng pagbabago. at ang criteria ng pagbilang ay magbabago depende sa bilang ng tao sa isang household, edad, atbp., kaya’t pagbatayan ang table na nakasaad sa itaas.

※Mangyaring makipa-ugnayan sa Board of Education kapag kayo ay may kakaibang sitwasyon.

Gaganapin ang Mie Marugoto Shizen Taiken Fair (Mie Whole Nature Experience Fair)

2017/02/15 Wednesday Edukasyon, Nilalaman, Selection

「三重まるごと自然体験フェア」開催について

Ang mga organisasyon na nagpo-promote ng mga nature experience activities ay nagsama-sama upang maganap ang Mie Marugoto Shizen Taiken Fair (Mie Whole Nature Experience Fair) na kung saan pakikilala ang ganda ng kalikasan ng Mie Ken. Ang Mie Ken ay napapalibutan ng karagatan, bundok, ilog at mayamang kalikasan, at sa fair na ito ay mararanasan nyo ang ilan sa mga ito. Hihintayin namin ang partisipasyon ng lahat.

Araw at Oras: March 11, 2017 (Sabado) 10 am-4pm
Lugar: Messe Wing・Mie         Exhibition Hall A・B (Tsu Shi Kita Koji Cho 19-1)
Detalye: Ang mga miyembro ng Mie Marugoto Shizen Taiken ay magseset-up ng booth na kung saan mae-enjoy ninyo ang mga “Introductions of activities” at “Nature experience”. (Ang ilang mga experience activities ay may bayad).

(Main Experience)

  • Water Ball Experience
  • Hands-on ninja training attraction
  • Bouldering, slack line experience
  • One Wheel Experience
  • Tangerine orange juice squeezing  experience
  • Grand Ping Experience
  • Wood craft craft experience
    Atbp.

○Main Stage

  • 11:00-11:05   Greetings: Hideaki Suzuki Governor Mie Prefecture
  • 11:05-12:00   Lecture   (7 outdoor mission~ Pag-isipan ang disaster)
    Lecturer: Mont Group Representative Mr. Isamu Tatsuno
  • 12:00-15:30   Pagpapakilala ng kagandahan ng nature experience ng bawat grupo.

○Mie’s Food Corner, Earthquake Experience Vehicle, at display na Sports Multipurpose Vehicle (SUV)

○Stamp Rally: kapag na-kolekta ang 4 na stamp ng booth ay maaring mananalo ng voucher sa pinaka-sikat na accommodation ng syudad!

Addmission: FREE
Organizer: Mie Ken
Makipag-ugnayan sa:
Mie Ken Norin Suisan-bu Nosan Gyoson-dzukuri-ka Nosan Gyoson Kassei-ka han
(Mie Prefecture Agriculture Farming and Fisheries Department Agriculture Fishing Village Development Division Rural Fishing Village Activation Team)
TEL: 059-224-2518
FAX: 059-224-3153
E-MAIL: nozukuri@pref.mie.jp