Impormasyong Pangturista ng Mie Ken SNS Post Contest 三重県観光情報SNS投稿コンテストについて Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2017/02/21 Tuesday Kultura at Libangan Naghahanap kami ng pang-turistang article sa facebook na makakapag-enganyo sa madaming dayuhan na mabisita ang Mie Ken! Naghahanap kami sa wikang Ingles, Chinese (Pinasimple at Tradisyunal), Korean, Thai, Pranses, Aleman, at Espanyol. Sa bawat wika, ang pinaka-maraming makukuhang (LIKE) sa kanilang article post ay makakatanggap ng specialty product galing sa Mie Ken. Kahit anong nasyonalidad ay pwedeng sumali at mag-apply! (halimbawa: Kahit Brasilian ang nasyonalidad ng aplikante pero ang article na susulatin ay sa wikang ingles). Recruitment Period: February 6, 2017 (Lunes)~March 24 (Biyernes) Eligibility: Walang limitasyon Announcement: End of March (Planned) Paraan ng pag-apply Mangyaring magpadala ng e-mail ng larawan at artikulo na nais mong i-post. Walang limitasyon sa bilang ng mga aplikante.Ang nilalaman ng post ay dapat limitado lamang tungkol sa sightseeing tourist spots ng Mie Prefecture. Ipaalam din saamin ang sumusunod na impormasyon: Pangalan ng Aplikante Nasyonalidad ng Aplikante Lugar ng Trabaho・Paaralan ng Aplikante Title ng post at linguwahe(English, Chinese (Pinasimple at tradisyunal), Korean, Thai, Pranses, Aleman, Espanyol)) Edad Address Tel.no. E-mail Address Saan nalaman ang impormasyon na ito ①Flyers ②Lokomi ③Website ④SNS ⑤others( ) [Ipadala sa:] Mie Ken Kanko Renmei Kawaguchi (Mie Prefecture Tourism Federation) E-nail Address: mie_sns@kankomie.or.jp TEL 059-224-5904(Sa wikang Japanese lamang) Paalala Ang nakasaad dito ay ilan lamang sa mga paalala, mangyaring i-check mabuti ang flyers (Japanese at English lamang) Para sa iba pang mga detalye, makipag-ugnayan sa Mie Ken Kanko Renmei (Mie Prefectural Tourism Federation. Ang mga article na may mga nilalaman na hindi pwede ay ang mga sumusunod: – Paglabag ng batas at regulasyon – Ang mga may layunin na makapag-promote ng specific na kumpanya. – Pamomolitika o di kaya tungkol sa relihiyosong aktibidad – At iba pang organisasyon na hindi sumasang-ayon sa layunin ng contest. Ang entries ay kailangang litratong kuha at gawa ng aplikante. Hindi pwede i-submit ang mga gawa na naisali na o kaparehas sa ibang contest. (subalit, ang mga na publish sa sariling website, SNS, Blog atbp, ay pwedeng isali). Ang organizer ay hindi maaaring maging responsable sa infringement sa ipo-post na article tuwing magkakaroon ng infringement of rights, lawsuits at iba pang reklamo na matatanggap na may pananagutan. Tatanggapin namin ang submission gamit ang alyas ng aplikante. sublit, ia-anunsyo namin ang mananalo sa tunay na pangalan. Kapag nai-submit ng aplikante ang submission, ang aplikante ay sumasang-ayon sa lahat ng application guidelines . Hindi na maaaring ibalik ang mga enties. ≪Remarks≫ English(Facebook) Page Name: Travel Mie Japan URL : http://www.facebook.com/travelmiejapan Korean(Facebook) Page Name :일본여행 미에로(Mie-ji) URL : https://www.facebook.com/japantravel.miero Chinese – Traditional (Facebook) Page Name :日本三重 旅行情報中心 (Nihon Mie Ryoko Joho Chushin) URL : http://www.facebook.com/mietrip.tw Chinese – Simplified(微博Weibo) Page Name :乐游日本 URL : http://www.weibo.com/leyouriben Thailandese(Facebook) Page Name: สถานที่ท่องเที่ยว ญี่ปุ่น ” จังหวัดมิเอะ ” URL : https://www.facebook.com/555366681318147/ French(Facebook) Page Name : Voyage Mie Japon URL : https://www.facebook.com/1756258957976307/ German(Facebook) Page Name : Reise Mie Japan URL : https://www.facebook.com/849325111870838/ Spanish(Facebook) Page Name: Viajes Mie Japón URL : https://www.facebook.com/1684198005239880/ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Tungkol sa tulong pang-pinansyal na kinakailangan sa pag-enroll sa compulsary education Tungkol sa Child Care Home Support Coupon » ↑↑ Next Information ↑↑ Tungkol sa tulong pang-pinansyal na kinakailangan sa pag-enroll sa compulsary education 2017/02/21 Tuesday Kultura at Libangan 義務教育の就学に必要な費用の援助について Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Para sa mga nahihirapan sa mga halaga ng bayarin sa compulsary education ng anak (elementary at junior highschool), ang kada syudad ay nagbibigay ng suporta para sa kinakailangang gastusin para sa enrollment. Kinakailangang mag-apply para makatanggap nito. Ang mga matatanggap na tulong ay ang mga sumusunod. <Ano ang mga kasali sa tulong (halimbawa)> School supplies at school supplies expenses (kasama ang new entrance school supplies expenses) Bayad sa school lunch Bayad sa extracurricular activity Bayad sa medical bills Bayad sa school trips, atbp. <Application Form> Makukuha ang application forms sa edukasyonal na komite ng elementary and junior high school. Dahil ang deadline at lugar ng pag-submit ng application ay nag-iiba depende sa kada syudad, kapag nagnanais na makakuha ng tulong ay kumunsulta agad sa elementary at junior high school at sa board of education ng inyong munisipyo sa lalong madaling panahon. Ang pag-apply ay kinakailangan kada taon. Kapag ninanais na magpatuloy sa taon 2017, ay kinakailangang mag-apply muli. <Sa mga makakatanggap> Para makatanggap ng tulong, kinakailangan na matugunan ang mga kondisyon at pamantayan ng kada syudad. Dahil sa iba’t-iba ang mga kondisyon at pamantayan ng kada syudad, mangyaring makipag-ugnayan sa board of education ng kada syudad. Bilang reference, ang mga kondisyon at pamantayan ng Tsu Shi ay nakalista sa ibaba. ※Remarks※Para sa Tsu Shi Sa mga nakatira sa Tsu Shi sa taong 2016 o di kaya 2017 at naaangkop sa mga sumusunod: ①Kapag nawalan o natigil ang tulong galing sa Livelihood Protection Act (Seikatsu-hogo) ②Kapag ang municipal tax ay tax-free ③Kapag nakakatanggap ng child support allowance ④Kapag may problemang pangpinansyal dahil sa rasong pang-ekonomiya kapag pina-enroll ang anak at may mabababang sahod o di kaya sakto lang sa pinaka standard na halaga ng sweldo ng taong 2016 o 2017. Standard Income 2 Person Household 3 Person Houseold 4 Person Household 5 Person Household Total Household Income Approximately 2 million yen Approximately 2.6 million yen Approximately 3.1 million yen Approximately 3.3 million yen ※Dahil ito ang standard sa taon 2016, maaring magkaroon ito ng pagbabago. at ang criteria ng pagbilang ay magbabago depende sa bilang ng tao sa isang household, edad, atbp., kaya’t pagbatayan ang table na nakasaad sa itaas. ※Mangyaring makipa-ugnayan sa Board of Education kapag kayo ay may kakaibang sitwasyon. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp