Gaganapin ang Mie Marugoto Shizen Taiken Fair (Mie Whole Nature Experience Fair)

「三重まるごと自然体験フェア」開催について

2017/02/15 Wednesday Kultura at Libangan, Mga events

Ang mga organisasyon na nagpo-promote ng mga nature experience activities ay nagsama-sama upang maganap ang Mie Marugoto Shizen Taiken Fair (Mie Whole Nature Experience Fair) na kung saan pakikilala ang ganda ng kalikasan ng Mie Ken. Ang Mie Ken ay napapalibutan ng karagatan, bundok, ilog at mayamang kalikasan, at sa fair na ito ay mararanasan nyo ang ilan sa mga ito. Hihintayin namin ang partisipasyon ng lahat.

Araw at Oras: March 11, 2017 (Sabado) 10 am-4pm
Lugar: Messe Wing・Mie         Exhibition Hall A・B (Tsu Shi Kita Koji Cho 19-1)
Detalye: Ang mga miyembro ng Mie Marugoto Shizen Taiken ay magseset-up ng booth na kung saan mae-enjoy ninyo ang mga “Introductions of activities” at “Nature experience”. (Ang ilang mga experience activities ay may bayad).

(Main Experience)

  • Water Ball Experience
  • Hands-on ninja training attraction
  • Bouldering, slack line experience
  • One Wheel Experience
  • Tangerine orange juice squeezing  experience
  • Grand Ping Experience
  • Wood craft craft experience
    Atbp.

○Main Stage

  • 11:00-11:05   Greetings: Hideaki Suzuki Governor Mie Prefecture
  • 11:05-12:00   Lecture   (7 outdoor mission~ Pag-isipan ang disaster)
    Lecturer: Mont Group Representative Mr. Isamu Tatsuno
  • 12:00-15:30   Pagpapakilala ng kagandahan ng nature experience ng bawat grupo.

○Mie’s Food Corner, Earthquake Experience Vehicle, at display na Sports Multipurpose Vehicle (SUV)

○Stamp Rally: kapag na-kolekta ang 4 na stamp ng booth ay maaring mananalo ng voucher sa pinaka-sikat na accommodation ng syudad!

Addmission: FREE
Organizer: Mie Ken
Makipag-ugnayan sa:
Mie Ken Norin Suisan-bu Nosan Gyoson-dzukuri-ka Nosan Gyoson Kassei-ka han
(Mie Prefecture Agriculture Farming and Fisheries Department Agriculture Fishing Village Development Division Rural Fishing Village Activation Team)
TEL: 059-224-2518
FAX: 059-224-3153
E-MAIL: nozukuri@pref.mie.jp

STOP! Ilegal na pagtapon ng basura!

2017/02/15 Wednesday Kultura at Libangan, Mga events

廃棄物の不法投棄について

Ang illegal na pagtapon ng basura ay magiging sanhi ng polusyon sa kalikasan at pagkasira ng kalikasan. Ang Mie ken ay nagsasagawa ng pagmo-monitor at guidance activities sa mga staff at cooperatives kasama ang munisipyo, business operators, at mga residente ng lungsod upang mapalawak ang sistema ng pagmo-monitor na may layunin na “Pagbuo ng lipunan na hindi sang-ayon sa illegal dumping”. Maraming salamat sa inyong pag-uunawa at kooperasyon upang maipatubad ang layuning maayos na pagtipon ng basura sa Mie Ken na walang illegal waste dumping.

Ang illegal na pagtapon ng basura, at pagsunog nito sa labas, atbp. ay mahigpit na ipinagbabawal. Kapag kayo ay nakakita ng ganitong mga ilegal na gawain, mangyaring tumawag sa toll-free number na nakasaad sa ibaba.

  • TEL: 0120-53-8184
  • FAX: 0120-53-3074
  • E-mail: gomi110@pref.mie.jp

Para sa mga gustong magtapon ng mga basura na hindi pwedeng itapon sa regular na basurahan katulad ng malalaking basura, household appliances, atbp., mangyaring magtanong kung saan ang tapunan nito sa pasilidad ng munisipyo ng inyong tinitirhan. Subalit, may mga ibang uri ng basura na hindi pwedeng itapon sa pasilidad, kung kaya’t tumawag muna at i-check ito sa telepono.

※Importante※ Para sa mga kagamitan na kasali sa Home Appliances Recycling Law, ang mga home appliances tulad ng air conditioners, televisions, refrigerators, washing machines at clothes dryers ay kinakailangan i-recycle ayon sa batas. Kapag itatapon ang mga ito, mangyaring dalhin ito sa home electronics retail store o di kaya gamitin ang collection service ng munisipyo. Para sa pagtapon, pag-kolekta, at pag-papadala ay may bayad para sa pag-recycle ng mga home appliances.

Ang mga ilang kontraktor na nago-offer na kunin ito ng libre ay walang pahintulot para mangolekta at magtapon ng basura, kaya’t ang pakikipag-deal sa mga kontraktor na ito ay maaring maging sanhi ng pagkasira ng kalikasan sa pamamagitan ng ilegal na pagtapon ng basura, kaya’t mangyaring mag-ingat sa mga ito. Kapag hindi ninyo alam kung paano itapon ang mga home appliances, mangyaring tawagan ang waste department ng inyong siyudad.

【Makipag-ugnayan sa】

  • Haiki Mono Kanshi Shido-ka (Waste Monitoring and Guidance Section)
    TEL: 059-224-2388
  • Haiki Mono/Risaikuru-ka (Waste and Recycling Division)
    TEL: 059-224-2385 (Para sa Home Appliances Recycling Law)