Sa ganitong panahon mag-ingat sa nakakahawang sakit na: INFLUENZA

この季節に気をつけたい感染症「インフルエンザ」についての豆知識


influenza-destaque

Mga Dapat Tandaan Tungkol sa Nakakahawang Sakit

Sa ganitong panahon mag-ingat sa nakakahawang sakit na

INFLUENZA

Sa oras na magkaroon ng sakit na influenza, pinakamaikli na ang 5 araw na hindi maaaring payagang makapasok sa paaralan o daycare.  Bukod dito, hindi lang ang taong maysakit ang mahihirapan, magiging pasanin din ito sa miyembro ng pamilya o sa taong mag-aalaga dahil kakailanganin niyang lumiban sa trabaho o baguhin ang kanyang schedule para lang bantayan ang taong may sakit.  Kung kayat pinaalalahanan ang lahat na pangalagaan ang ating katawan at iwasan na hindi mahawa ng sakit.

Puntos para makaiwas sa sakit!

Pang-karaniwan na ang paggamit ng mask, paghuhugas ng kamay at pagmu-mumog!!

  • Pagkagaling sa labas, agad na maghugas at magmumog!
  • Kumain ng masustansyang pagkain at matulog ng maayos para lumakas ang resistensya.
  • Makakabubuti rin ang magpabakuna para hindi lumala ang sakit
  • Umiwas sa lugar na maraming tao.
  • Pag-ingatan ang humidity level

(standard humidity level 60% pataas)

★Ang tungkol sa pagkakaroon ng influenza sa loob ng paaralan o daycare

Ayon sa batas na ipinapatupad ng School Health and Safety Regulation

Bilang ng araw na hindi pinapayagang pumasok…mula sa araw ng pagkakaroon ng influenza, bibilang ng 5 araw at bukod dito, bibilang pa din ng 2 araw pagkatapos mawala ang lagnat (3 araw para sa mga bata)

* Ang pagkakaroon ng influenza ay nagsisimula mula sa araw ng pagkakaroon ng lagnat

*Mula sa araw na nawala na ang lagnat, hindi kasama dito ang araw kung kailan bumaba ang lagnat, magsisimula ang bilang sa susunod na araw.

Reference      Mieken Kansensho Jouhou Center (Mie Infectious Disease Information Center)

influenza

[Iga] And kursong ito ay tungkol sa pag-iwas sa mga problema sa pera at kontrata

2015年1月17日(日)に伊賀市で「外国人住民消費者被害防止セミナー」が開催されます

“May naghihikayat sa iyong ibenta ang cellphone mo”

“Dumating ang resibo mula sa online game at kailangan bayaran ang malaking halagang ito”

Ok bang gawin ang mga ito?

Masaya  nating  pag-aralan  ang  mga  quizzes  at  psychological  test♪

May produktong ipapamimigay bilang regalo!

※May interpreter. (Portuges, Espanol, Intsik)

※Pagkatapos  ng kurso  o  pagpapaliwanag,  magkakaroon  ng  libreng  indibidwal

na konsulta sa abogado  at ang naunang 3 tao  lamang ang  tatanggapin.

Petsa:  Enero  17,  2016  (Linggo)  10:00  –   12:00

Lugar:  Haitopita  Iga,  4F,  Meeting  Room

Bayad  sa  Pagsali:  Libre

※Kailangan  ng  aplikasyon

Limitadong  tao:  30  katao

(Maaaring  magpa-reserve  para  sa  baby-sitting)

Itinatag ng Prepektura  ng Mie sa pakikipagtulungan ng Lungsod ng  Iga

【Aplikasyon at mga Tanong】 NPO Tsutamaru

Telepono at fax:  0595-23-0912            Cellphone:  080-3287-2636

E-mail:  info@tsutamaru.or.jp

Untitled-7

 

Untitled-8