MAGBAYAD NG BUWIS NG SASAKYAN SA TAONG 2015 BAGO PA MAN DUMATING ANG TAKDANG ARAW

平成27年度・自動車税の納期内納付について

2015/05/20 Wednesday Selection

Ang huling araw ng pagbabayad ng buwis ng sasakyan para sa taong ito ay hanggang Hunyo 1, Lunes.  Bago pa man dumating ang araw na ito ay kinakailangan bayaran na ito.

Ang buwis na binabayad para sa sasakyan ay pamilyar sa kahit na sinong mamamayan. Ang 11% porsyentong kita ng pamahalaaan na nagmumula dito ay napakahalagang bagay para sa gobyerno ng Mie.  Malaking tulong ito sa iba’t ibang serbisyong ipinapatupad ng pamahalaan katulad na lang nang pagpapaunlad ng edukasyon at kalusugan, maging ang medisina at pagkakawanggawa, pagsasaayos ng transportasyon at ang mga sangay nito, seguridad sa trabaho, at mga panukala para sa paghahanda sa panahon ng kalamidad.

Bukod sa mga pinasyal na institusyon katulad ng mga banko maaring bayaran ang buwis sa mga convenient stores. Maari din magbayad gamit ang credit card (kailangan ang internet para dito).

Kung hindi ito mababayaran sa itinakdang araw, magkakaroon ito ng karagdagan bayad na isasama sa kabuuang halaga ng buwis.

Kung hindi ito babayaran at ipagwawalang bahala ang mga abisong sulat, ayon sa batas ay maaring samsamin ang inyong mga ari-arian katulad ng sasakyan at maging ang inyong suweldo.

Itago ang resibo ng binayarang buwis dahil kakailangan ito sa muling pagpaparehistro ng sasakyan.

H27-Jidoshazei

[Matsusaka] Kampanya Para sa Pangangalaga ng Kalusugan ng Ngipin at Bibig

2015/05/20 Wednesday Selection

2015年5月30日(土)~6月28日(日)の期間中に松阪市で「歯とお口の健康づくりキャンペーン」が開催されます

semana da saude bucal

(Sa buwan ng Hunyo mula ika-4 ~ika-10 araw) magkasabay na idaraos ang 「Linggo ng Kalusugan para sa Ngipin at Bibig」at ang Project Exhibit tungkol sa pangangalaga ng ngipin ng mga bata. Magkakaroon ng quiz tungkol sa ngipin at bibigyang ng premyo ang mga sasali dito!
<Nakasabit sa Exhibit>Reference materials para sa edukasyon ng bata, poster tungkol sa dentistry, poster, bulletin post at iba tungkol sa pagtataguyod ng kalusugan, quiz tungkol sa ngipin, dummy model ng ngipin at iba pa.

Mayo 30 (Sabado)      Opening event: 11:40 ~ 16:00
Gabay sa pagsisipilyo ng ngipin, konsultasyon tungkol sa kalusugan ng bibig, health check ng bibig para sa tatay at nanay, obserbasyon gamit ang microscope sa mga bakteryang nasa loob ng bibig, pagbingwit ng laruan at iba pa.
※Sa araw na ito ay maaring kumunsulta ng libre sa dentista at dental hygienist tungkol sa ngipin ng mga bata mula sa murang edad hanggang sa edad ng pagpasok sa paaralan.

Petsa: 2015, Mayo 30 (Sabado) ~ Hunyo 28 (Linggo)
-11:40~16:00 (Mayo 30)
-9:30~17:00 (Mula Mayo 31)
Lugar: Mie Kodomo No Shiro (1st Floor Event Hall)
〒515-0054 Mieken Matsusaka shi Tachino cho 1291 sa loob ng Chubudai Park TEL:0598-23-7735
Bayad: Libre
Para kanino: Sanggol hanggang elementarya at ang kanilang magulang
Homepage: http://www.mie-cc.or.jp/map/