Ipinakikilala…ang 2016 Spring break event ng Mie kodomo no Shiro

みえこどもの城「春休みのイベント紹介」(2016年3月から4月まで)

2016/03/25 Friday Seminar at mga events

Destaque mie kodomo no shiro

Halina’t maglaro sa Newspaper showerimage001

Mag-enjoy sa paglalaro ng madaming newspaper!
Punitin, bilugin, kahit ano pwedeng gawin!
※Maki-join na saamin, mangyaring magsuot lamang ng damit na pwede kahit madumihan.
※Para sa mga magulang o guardians, Pakibantayan lamang ng

maigi ang mga bata.
※Maaari na maghintay ng konti kapag madami ang tao.

Horas: from March 19, 2016(Sat)to April 17(Sun)10AM~4:30PM
Lugar:1F Event Hall
Subject:Mga bata・Elementary students
Admission:FREE


Ngayong March「Let’s Make!!」Paper Cup Kendama

image003

Gumawa ng simpleng Kendama gamit ang 2 paper cups!
Kulayan ng gustong kulay♪ at laruin ito pagkatapos gawin!!

Horas:March 2, 2016(Wed)to 31(Thu)9:30 AM~4 Pm
Horas na kinakailangan:halos 30 minutos
Lugar:【Sat・Sun・Holiday】3F Art Space 【Weekdays】1F Entrance
Subject:from young children *kailangan samahan ng parents or guardians.
Capacity:hanggang sa 40 persons kada araw(tatapusin hanggan sa maubos)
Entry fee:isa 100Yen
Registration sa pagsali:Sa mismong araw simula 9:30 AM
Nasa 1F entrance ang listahan ng pangalan ng registration, magtanong sa Staff para sa iba pang mga detalye.
Paalala: Ang materyales na gagamitin ay ang binibenta na Kit at hindi pwedeng gamitin ang Kit ng mga staff


「Asobou Corner」&「Chibbiko free space」image005

Kapag walang stage event ito ay free space na pwedeng mag ring toss, hula hoop atbp.

Ang Chibikko free space ay lugar para sa mga 0-3 years of age.
※Hindi ito pwedeng magamit kapag may ibang events

Horas:9:30 AM~5 PM
Lugar:2F Stage Space
Admission: FREE


Mie Kodomo no Shiro home pagehttp://www.mie-cc.or.jp/map/

Video ng pagpapakilala ng Mie Kodomo no Shirohttp://mieinfo.com/tl/video-tg/kultura-at-libangan-video/map-mie-kodomo-no-shiro/index.html

About security during [Ise Shima Summit]

2016/03/25 Friday Seminar at mga events

伊勢志摩サミット警備について

summit mie police

Dalawang buwan na lang ang natitira hanggang sa dumating ang May 26 at 27 na Ise Shima Security Summit. Simula ng nakaraang taon, ang Mie Prefectural Police ay mahigpit na nagpo-promote ng mga iba’t ibang mga panukala para sa seguridad. Gayunpaman, may mga nangyayari ng terorismo sa mundo. Sa sitwasyon kung saan tumataas ang banta ng terorismo sa bansang hapon ay naglalayon upang masiguro ang Seguridad ng mga World Leaders, Matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga kaugnay na mga events at Matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan.

Para sa matagumpay na summit, ang Mie Prefectural Police ay nagsusumikap na gumawa ng mga panukala upang maiwasan ang terorismo.

Noong nakaraang taon ng Oktubre, Sa Mie Prefectural Police Headquarters inilunsad ang Counter-terrorism Mie Partnership Promotion Conference at noong katapusan ng Enero ng taong ito, inilunsad sa lahat ng Police Station sa Mie Prefecture ang Counter-terrorism Partnership Regional Edition at nagtataguyod din counter-terrorism ang pinagsamang pwersa ng lahat ng tao sa public at private sectors.

Hinihiling namin ang kooperasyon ng lahat, kung may napansing kakaibang sitwasyon kaysa sa normal na pang araw-araw na buhay.

Halimbawa:

*Kapag may napansing tao na kumikilos ng kakaiba at pabalikbalik sa parehong lokasyon.

*May naka-park na hindi kilalang sasakyan ng mahabang horas.

*Kapag may nag iwan ng kahinahinalang gamit sa lugar.

Kapag may mga ganitong napansing bagay tumawag agad sa 110 at i-report ang tungkol dito.

Upang masiguro ang seguridad ng Summit Venue ay magsasagawa ng Checkpoint sa paligid ng Kashikojima.

Sa karagdagan, alinsunod sa galaw ng mga World leaders, ay magpapatupad ng Temporary Traffic Control kung saan inaasahang magkakaroon ng mabigat na trapiko. Mangyaring gumamit ng pampublikong sasakyan at iwasan ang paggamit ng pribadong sasakyan at ang pag-adjust ng operation sa mga sasakyang pangnegosyo. Hinihiling namin ang inyong pag-unawa at kooperasyon.