Mag-ingat sa mga mapanlinlang na Business Scheme! ① ~Upang alamin at maiwasan na magka-problema sa kontrata~

悪質商法にご用心!① ~知って備える契約トラブル~

2017/10/09 Monday Anunsyo

Ang mga mapanlinlang na Business Scheme (o ang tinatawag na Fraudulent Business Scheme) ay isang uri ng business scam na nagtatangkang kumita sa pamamagitan ng isang mapanlinlang na pamamaraan. Sa pagkakataong ito ay magbibigay kami ng tatlong halimbawa at ipaalam namin ang tungkol sa mga countermeasures.

  1. “LIBRENG” Inspection Business Scheme, ito ay isang paraan upang makapasok sa inyong bahay.

Halimbawa: May biglaang dumating sa inyong bahay na isang negosyante at nagsabi na kailangan nilang i-check ang bahay dahil sa tindi ng humidity ay maaaring ang mga haligi ay nabubulok at may posibilidad na gumuho ang bahay kaya’t kailangan lagyan ng mamahaling ventilator at gagawin nya lahat ito ng libre.

<Pangunahing produkto> Roof construction, water purifier, futons, atbp.

【Mga puntos upang maiwasan maging biktima

・Huwag basta bastang buksan ang pinto at huwag papasukin ang hindi kilalang tao.

・Huwag pumirma ng kontrata on the spot.

・Mag doble ingat kapag minamadali ka sa pagpirma ng kontrata.

  1. Mag-ingat sa Moneymaking Business Scheme, na nagsasabing “Sigurado kikita ka agad dito”

Halimbawa: Nakatanggap ng tawag at sinabi na “siguradong kikita ka dito” at pinapabili ka ng mga shares na hindi listado at walang indikasyon na ito ay maililista. Pagkatapos bumili ay hindi mo na ma-kontak ang trader.

<Main products> Purchase of foreign currency, Corporate bonds, Copy rights, atbp.

【Mga puntos upang maiwasan maging biktima

・Huwag agad-agad na maniniwala sa sinasabi ng dealer.

・Huwag na makipag-usap at agarang tanggihan ang inaalok.

・Kapag nabiktima na ng isang beses, huwag hayaang maging biktima ulit.

  1. One Click Scam Huwag mag-panic kung kayo ay sinisingil!

Halimbawa: Kapag na-click ang authentication button ng edad upang makapanood ng libreng videos sa internet, ay bigla nalang na ikaw ay na-register sa adult site at dalhin sa usercharge billing screen at sinisingil ng malaking halaga.

【Mga puntos upang maiwasan maging biktima

・Huwag basta-bastang ilagay ang personal na impormasyon.

・Huwag padalos-dalos sa pagclick ng button.

・Huwag magmadaling kontakin ang vendor na nakalagay sa screen.

・Huwag bayaran ang sinisingil na halaga.

Huwag mag-alalang mag-isa, kumunsulta po tayo!

Customer Hotline    TEL: 188

※Kapag tumawag, may maririnig na anunsyo at gagabayan kayo sa Shicho Shohi Seikatsu Sodan Madoguchi (tanggapan ng Municipal Consumption Consultation) o di kaya sa Mie Ken Shohi Seikatsu Center  (Mie Prefecture Consumer Lifestyle Center).

(Oktubre 2017) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

2017/10/09 Monday Anunsyo

(2017年10月)県営住宅の定期募集について

Panahon ng aplikasyon

Hanggang Oktubre 31, 2017

Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat , upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

http://www.pref.mie.lg.jp/common/content/000747999.pdf

I-check naman ang URL sa ibaba tungkol sa (Kuwalipikasyon ng application ng pag-upa),(mga patakaran sa pag-upa) atbp.

http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/35745031344.htm

*Ang mga impormasyon dito ay sa wikang Hapones lamang.

*Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggat sa mabuo ang bilang ng mga na-solicit na aplikasyon. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang Disyembre 6, 2017 (Miyerkules).

*Ang homepage ng pabahay ng prepektura ay hindi namakikita paglagpas ng panahon ng aplikasyon sa ika-6 ng Desyembro.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ng Aplikasyon  Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office   Araw ng bunutan   Araw ng pag-upa 
Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan

ng Augusto

Oktubre 1
Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan

ng Nobyembro

Enero 1
Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan

ng Pebrero

Abril 1
  • Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.  Subalit sa buwan ng Enero, mula Enero 4 ang unang araw na matatapat ng Martes o Biyernes ang simula ng pag-apply.

 Makipag-ugnayan sa:

Mie Prefecture Land Development Division Housing Section Housing Management Team
Tel: 059-224-2703 (Sa wikang Hapon lamang)

Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod:

(1) Hokusei Block (Kuwana Shi, Kawagoe-cho, Yokkaichi Shi, Suzuka Shi) TEL 059-373-6802

(2) Nakasei Iga Block ( Tsu Shi, Iga Shi) TEL 059-221-6171

(3) Nanzei・Azuma Kishu Block (Matsusaka Shi, Ise Shi, Toba Shi, Owase Shi, Mihama Cho) TEL 059-222-6400