Autumn Festival ng Mie· Event Special Feature 2017

三重の秋祭り・イベント特集 2017

2017/10/25 Wednesday Seminar at mga events

Ipapakilala namin ang mga autumn festival na gaganapin sa iba’t-ibang mga lugar sa Mie Prefecture. Dahil ito ay ang pinaka best season upang pumasyal, halina’t dumalo sa mga event ng kada lungsod.

Dito, ipapaalam namin ng magkakasunod-sunod ang mga impormasyon tungkol sa mga events na naka-schedule sa ilang mga lugar. Para sa mga detalye, mangyaring tignan ang website ng Mie Prefectural Tourism Federation. (Link here)

 Kuwana Festival 2017

Araw at OrasOctober 2829 2017 (SabadoLinggo)  10am ~ 4pm

LugarKuwana City    Apita Kuwana Branch parking lot area   HachikendoriKuwana Rakuichi special venue, sa paligid ng Teramachidori Shoten-gai

I-click dito para sa detalye→https://www.kankomie.or.jp/event/detail_38237.html

Para sa flyers, i-click dito

Gaganapin ang Kuwana Autumn Event “Kuwana Festival”. Gaganapin din ang magkasamang pagtutulungan ng “Kuwana Shoko Matsuri”, “Ekitopia”, “Kuwana Matsuri-haku”, Kuwana Rakuichi”, kaya’t ang buong lungsod ay dadagsain ng napakadaming tao.

※Ekitopia URL http://eki-mae.com/ekitopia/

 

Nabari Aki Matsuri 2017 Nabari Autumn Festval

Araw at Oras:October 2829 2017 (SabadoLinggo)  8am ~ 10pm

Lugar:Nabari City HiraUrufushine Jinja at Old city area 

I-click dito para sa detalye→https://www.kankomie.or.jp/event/detail_38123.html

Isang malaking autumn festival ang gaganapin sa Urufushine Jinja. Sa October. 28 (Sabado), Ang Kamishi (Nakasuot ng damit ng Samurai) na may hawak na torch ay magsasagawa ng lantern ceremony, at magkakaroon din ng handog na Lion dance. Sa Oct. 29 naman ay magkakaroon ng parada ng Mikoshi, Danjiri atbp., at nagiging isang kulay ang festive mood.

※Official URL http://www.kankou-nabari.jp/?p=635

 

15th Shinonkansha Nihon Taiko Matsuri Shinonkansha Japanese Drum Festival

Araw at OrasOctober 28, 2017Sabado10am ~ 5:30pm, Oct. 29Linggo9:30am ~ 5:30pm

I-click dito para sa detalye→https://www.kankomie.or.jp/event/detail_10151.html

Ang mga grupo ng Taiko na galing sa buong bansa ay magtitipon sa Ise City, ang lugar na malapit sa puso ng mga Japanese. Ang tugtog ng mga drums ay nagpapahiwatig ng pasasalamat, sayang nararamdaman sa araw-araw at ihahandog nila ang performance sa panginoong.

※Official URL http://www.okageyokocho.co.jp/news.php?no=20150914135839

 

56th Ujisato Matsuri Ujisato Festival

Araw at Oras: November 3, 2017 (Biyernes) 9am ~ 4pm

LugarMatsuzaka City Matsuzaka Castle market at central urban area 

I-click dito para sa detalye→https://www.kankomie.or.jp/event/detail_5260.html

May kabuuang 200 Samurai Warriors ang magpaparada sa lungsod bukod pa sa taunang Gamo Uji Sato (Na kung saan napakasaya na nito) at Samurai na nakasuot ng armor at armas. Gaganapin din ang Matsuzaka Shongai Ondo, atbp. sa festival plaza.

※Official URL http://www.matsusaka-kanko.com/

 

Isshindenjinaicho Matsuri Isshindenjinai Town Festival

Araw at Oras: November 12, 2017 (Linggo) 9am ~ 4pmmay panandaliang pag-ulan

Lugar:Tsu Ishinden Cho 

I-click dito para sa detalye→https://www.kankomie.or.jp/event/detail_14699.html

Ang lungsod ng Ishinden kung saan nabuo ito 640 taon nang nakakaraan, ay isang lungsod ng kasaysayan at kultura. Magkakaroon ng masayang festival at mae-enjoy ang mga binebentang bazaar ng mga espesyal na produkto habang naglalakad sa makasaysayang kalsada ng lungsod. Naka-schedule ang maraming events tulad ng sayaw, mikoshi ng mga bata atbp.

※Official URL http://www.tsukanko.jp/event/14/

 

14th Owase UmiYama 2-day walk

Araw at OrasNovember 1819, 2017(SabadoLinggo)

LugarOwase City Main Venue: Mie Ken Tachi Kumanokodo Center “Mie Prefectural Kumano Kodo Center” (Start / Goal)

I-click dito para sa detalye→https://www.kankomie.or.jp/event/detail_38890.html

Mae-enjoy ninyo ang kasaysayan ng Owase City at ang biyayang handog ng kalikasan, kasali na dito ang World Heritage na “Kumanokodo”. Ito ay walking competition na naglalayon na maintindihan ang kasaysayan at walking courses na kinikilala ng Japan Walking Association.

※Official URL http://owasekankou.com/info/2017/08/000456.html

 

Suzuka Baloon Festival 2017

Araw at OrasNovember 2426, 2017 (BiyernesSabadoDomingo) 

LugarSuzuka City Suzuka River riverbed (near Shono-Cho Shono Bridge) and Suzuka Circuit

I-click dito para sa detalye→https://www.kankomie.or.jp/event/detail_17116.html

Mag enjoy sa Hot Air Balloon at Sky Sports events katulad ng Hot Air Balloon lecture room at Mooring Flight sa paligid ng Suzuka River riverbed at Suzuka Circuit. Magkakaroon din ng photo contest, sketch contest, flea market at lokal na mga pagkain.

※Maaaring magbago ang impormasyong tungkol sa event depende sa panahon. Mangyaring i-check sa official URL(http://suzuka-balloon.jp/

Mag-ingat sa mga mapanlinlang na Business Scheme! ① ~Upang alamin at maiwasan na magka-problema sa kontrata~

2017/10/25 Wednesday Seminar at mga events

悪質商法にご用心!① ~知って備える契約トラブル~

Ang mga mapanlinlang na Business Scheme (o ang tinatawag na Fraudulent Business Scheme) ay isang uri ng business scam na nagtatangkang kumita sa pamamagitan ng isang mapanlinlang na pamamaraan. Sa pagkakataong ito ay magbibigay kami ng tatlong halimbawa at ipaalam namin ang tungkol sa mga countermeasures.

  1. “LIBRENG” Inspection Business Scheme, ito ay isang paraan upang makapasok sa inyong bahay.

Halimbawa: May biglaang dumating sa inyong bahay na isang negosyante at nagsabi na kailangan nilang i-check ang bahay dahil sa tindi ng humidity ay maaaring ang mga haligi ay nabubulok at may posibilidad na gumuho ang bahay kaya’t kailangan lagyan ng mamahaling ventilator at gagawin nya lahat ito ng libre.

<Pangunahing produkto> Roof construction, water purifier, futons, atbp.

【Mga puntos upang maiwasan maging biktima

・Huwag basta bastang buksan ang pinto at huwag papasukin ang hindi kilalang tao.

・Huwag pumirma ng kontrata on the spot.

・Mag doble ingat kapag minamadali ka sa pagpirma ng kontrata.

  1. Mag-ingat sa Moneymaking Business Scheme, na nagsasabing “Sigurado kikita ka agad dito”

Halimbawa: Nakatanggap ng tawag at sinabi na “siguradong kikita ka dito” at pinapabili ka ng mga shares na hindi listado at walang indikasyon na ito ay maililista. Pagkatapos bumili ay hindi mo na ma-kontak ang trader.

<Main products> Purchase of foreign currency, Corporate bonds, Copy rights, atbp.

【Mga puntos upang maiwasan maging biktima

・Huwag agad-agad na maniniwala sa sinasabi ng dealer.

・Huwag na makipag-usap at agarang tanggihan ang inaalok.

・Kapag nabiktima na ng isang beses, huwag hayaang maging biktima ulit.

  1. One Click Scam Huwag mag-panic kung kayo ay sinisingil!

Halimbawa: Kapag na-click ang authentication button ng edad upang makapanood ng libreng videos sa internet, ay bigla nalang na ikaw ay na-register sa adult site at dalhin sa usercharge billing screen at sinisingil ng malaking halaga.

【Mga puntos upang maiwasan maging biktima

・Huwag basta-bastang ilagay ang personal na impormasyon.

・Huwag padalos-dalos sa pagclick ng button.

・Huwag magmadaling kontakin ang vendor na nakalagay sa screen.

・Huwag bayaran ang sinisingil na halaga.

Huwag mag-alalang mag-isa, kumunsulta po tayo!

Customer Hotline    TEL: 188

※Kapag tumawag, may maririnig na anunsyo at gagabayan kayo sa Shicho Shohi Seikatsu Sodan Madoguchi (tanggapan ng Municipal Consumption Consultation) o di kaya sa Mie Ken Shohi Seikatsu Center  (Mie Prefecture Consumer Lifestyle Center).