Protektahan ang iyong sarili laban sa mga lindol at tsunami ~ Mag Meeting Tungkol sa Disaster Management Kasama ang Pamilya ~

地震・津波から身を守ろう ~家族で防災会議をしよう~

2024/03/13 Wednesday Anunsyo, Kaligtasan

Suriin ang mga hazard map (artikulo ng MieInfo) – i-click dito

Ano ang gagawin kung sakaling magkaroon ng lindol (artikulo ng MieInfo) – i-click dito

Upang mabawasan ang pinsalang dulot ng mga lindol at tsunami, mahalagang maging handa araw-araw. Talakayin ang iyong mga hakbang sa paghahanda kasama ang iyong pamilya.

Mga bagay na dapat pag-usapan

May posibilidad na magkaroon ng tsunami pagkatapos ng lindol. Magpasya sa isang lokasyon kung saan ang pamilya ay maaaring lumikas at muling magkita kapag nagkahiwalay. Ang pagpapasya sa isang lokasyon ng paglikas ng pamilya ay magbibigay-daan sa mga miyembro ng pamilya na mahanap ang isa’t isa kahit na ang mga cell phone at iba pang mga aparato ay hindi magagamit pagkatapos ng isang sakuna.

Maghanda ng emergency kit

Pagkatapos ng lindol o bago dumating ang tsunami, kailangan mong lumikas nang mabilis.

Upang matiyak na mabilis kang makakatakas sa kung ano ang kailangan mo sa isang emergency, i-pack ang basic na mga bagay na kailangan mong dalhin kaagad sa isang backpack (mas mabuti ang isang klase ng bag na libreng makakagalaw ang dalawang kamay sa panahon ng paglikas).

Mga halimbawa ng mga bagay na dapat itago sa isang emergency backpack

(Dapat ding pag-usapan ng mga pamilya sa kanilang sarili kung ano ang ilalagay sa kanilang emergency bag)

  • Mga pagkain

Tubig (sa plastic na bote), dry bread, crackers

  • Mga damit

Kapote, pangpalit na damit, damit panloob, windbreaker

  • Mga mahahalagang bagay

Cash (maaaring hindi tanggapin ang mga credit card pagkatapos ng kalamidad), Pasaporte, cell phone, charger ng cell phone

  • Iba pa

Whistle (para alertuhan ang iba sa iyong presensya, halimbawa kung ikaw ay nakulong sa isang gumuhong gusali)

Disposable Body Warmer Disposable Body Warmer

Protektahan ang iyong sarili mula sa mga lindol at tsunami ~ Suriin ang hazard map ~

2024/03/13 Wednesday Anunsyo, Kaligtasan

地震・津波から身を守ろう ~ハザードマップを確認しよう~

Para sa pagpupulong sa pag-iwas sa kalamidad bilang isang pamilya (artikulo ng MieInfo) – i-click dito

Ano ang gagawin kapag nagkaroon ng lindol (artikulo ng MieInfo) – i-click dito

Ang Nankai Trough na lindol ay isang malaking lindol na magaganap mula sa Shizuoka Prefecture hanggang sa pinakatimog na dagat ng Kochi Prefecture.

Kapag nangyari ang lindol na ito, maaari ding makabuo ng tsunami. Noong nakaraan, maraming buhay ang nawala sa Mie Prefecture dahil sa tsunami kasunod ng malalaking lindol.

Upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa mga lindol at tsunami, suriin muna ang mga evacuation center at mga hazrd map sa iyong lugar at alamin ang tungkol sa tsunami flood zone at ang sitwasyon sa paligid ng iyong tahanan.

Ang impormasyon tungkol sa mga evacuation center sa bawat munisipalidad ay pinagsama-sama sa website na bousaimie.jp.

https://www.bosaimie.jp/static/X_MIE_ne000

Mga katangian ng tsunami

  • Ito ay napakabilis, umaabot sa bilis na humigit-kumulang 10m/s (36km/h) kahit malapit sa baybayin.
  • Ito ay hindi kinakailangang magsimula sa pag-atras ng tubig sa dalampasigan o tinatawag na drawdown.
  • Maaari itong makaabot hanggang sa mga ilog at daluyan ng tubig..
  • Maaaring hindi makagalaw ang mga tao kahit na ang tsunami ay humigit-kumulang 30 cm. Maaaring hindi ka makalikas at malalagay sa panganib ang iyong buhay.
  • Ang mga kahoy na bahay ay sinasabing bahagyang nawasak ng 1m tsunami at ganap na nawasak ng 2m tsunami

Tingnan din ang website ng Opisina  [Mga app at website na kapaki-pakinabang kung sakaling magkaroon ng sakuna] (multilingual) . Maaari kang mag-install ng mga kapaki-pakinabang na app para makakuha ng impormasyon at balita tungkol sa mga sakuna sa Japan.