Mula sa pamumuno ng pamahalaan ng Mie, isinagawa ang pagsasanay na ito para sa mga dayuhan residente. Sa pagsasanay na ito, itinuro sa kanila ang impormasyon tungkol sa paglikas at mga bagay na kailangan gawin sa oras na ipahayag ang ang opisyal na balita tungkol sa magaganap na kalamidad.
Para mas lalong maunawaan ng mga dumalong dayuhan ang nilalaman ng paliwanag, naghanda ng 6 na interpreter para sa maayos na takbo ng programa.
Sa pagsisimula ng programa, ang mataas na opisyal ng Multiculture Departmentay nagbigay ng kanyang mensahe. Ayon sa kanya, mahalagang malaman ng mga dayuhan ang madalas na pagkakaroon ng lindol at tsunami sa Japan at dahil dito, ninanais ng pamahalaan na maipaabot sa kanila ang tamang hakbang na kailangang nilang gawin.
Mula sa tanggapan ng Tsu Crisis Management Disaster Prevention Office na pinamumunuan ni Mr. Takayama, itinuro ang tungkol sa ibat ibang uri ng impormasyong ibinabalita sa telebisyon at radyo tungkol sa paglikas.
Alam ba ninyo kung anong ibig sabihin ng「kinkyu jishin sokuho (emergency earthquake warning)?」Ito ay isang babala na nais ipaabot sa lahat bago pa man maganap ang isang malaking lindol. Depende kung saan lugar ka naroroon, magkakaiba ang hakbang na kailangang gawin.
Ilang segundo lamang ang pagitan bago maramdaman ang malakas na pag-uga. Kung kayat pangalagaan ang inyong sarili at magtago sa ilalim ng lamesa.
Sa panganib na magiging dulot ng tsunami at malaking bagyo, ibabalita sa lahat ang opisyal na pahayag tungkol sa shelter information.
- Preparation for evacuation:Kapag ibinalita na ang tungkol sa paghahanda sa paglikas, kinakailangan nang umpisahan ang paghahanda ng mga kakailanganin. Unahing ilikas ang mga taong hindi agad agad makakilos (katulad ng mga may kapansanan, mga matatanda at mga bata)
- Evacuation Advisory: Ang balitang ito ay para sa mga residenteng nakatira sa mga delikadong lugar kung saan may kalamidad. Sa oras na maihanda na ang lahat, umpisahan na ang hakbang para lumikas.
- Evacuation Alert:Kumpara sa evacuation advisory, ang babalang ito ay nangangailangan ng agaran pagsunod sa utos. Kinakailangang agad na lumikas sa ligtas na lugar.
- Special Alert: Ang babalang ito maghanggang ngayon ay hindi pa nagagamit sa mga malaking sakuna at ang special alert na ito ay agad na ipapatupad sa oras na maramdaman ang panganib na dulot ng kalamidad.
Pagkatapos magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga babala at paglikas, ang mga dumalo ay nagkaroon din pagkakataon na magsanay sa paggamit ng AED (Automatic External Defibrillator) para sa agarang pagsaklolo sa mga taong inaatake sa puso
Ang mga kaaalamang ito ay talagang napakahalaga. Kung aalamin natin ang pamamaraan para sa emergency, maaaring nating maisalba ang buhay nang ating pamilya.
[Interview① Mr. Hiroki Takayama mula sa Tsu Crisis Management Disaster Prevention Office]
「Isa ang Japan sa may pinakamaraming lindol sa buong mundo, kaya’t alamin mabuti kung saan ang kayo maaaring lumikas at iminumungkahi ko na ihanda ninyo ang inyong emergency goods para sa buong miyembro ng pamilya.
(Sakaling ianunsyo ang Earthquake emergency alert)Mga ilang segundo lamang ay magkakaroon na nang malakas na pag-uga, kung kaya’t agad na protektahan ang inyong ulo at kumpirmahin kung ligtas ang inyong kinalalagyan.」
Ipinakilala rin ang mail delivery system ng Tsu city. Malalaman sa pamamagitan ng mail na ito ang mga dapat gawin sa oras na matanggap ang balita tungkol sa paglikas. Ang impormasyon sa paglikas at iba pang bagay sa lungsod ng Tsu ay idaraan sa pamamagitan ng mailing system na ito
[Interview② Mr. Hiroki Takayama, Tsu Crisis Management Disaster Prevention Office]
「Kasama ng ibang pang impormasyon mula sa Tsu City Disaster Prevention Information Mail Service, pinakikiusapan ang lahat para sa agarang paglikas.」
Higit sa lahat, nagkaroon kami ng pagkakataon na malaman ang opinyon ng mga dumalo at alamin ang mga bagay na hindi nila naiintindihan tungkol sa nilalaman ng paliwanag at pagsasanay. Sa palagay ko ay natutunan ng mga dumalo ang mahahalagang impormasyon at kailangan gawin sa oras na magkaroon ng kalamidad.
[Interview③ Indondesian, Sonia Momoi]
「Malaki ang maitutulong ng pagsasanay na ito. Hindi pa nararanasan ng aming bansa ang magkaroon ng tsunami at hindi rin madalas ang pagkakaroon ng lindol. Nang dumating ako sa Japan, malaking tulong na matutunan ko ang mahalagang impormasyong ito at pangalagaan ang aking sarili at mga taong nasa paligid ko.」
[Interview④ Filipino, Jovy Hashimoto]
「Lahat ng mga natutunan ko sa araw na ito ay napakahalaga. Halimbawa na lang sa mga taong nakatira sa bundok o sa mga lugar na hindi abot ng signal ng telebisyon at maging ang mga walang dalang cellphone, kung ihahatid sa kanila ang impormasyon, makakapaghanda sila. Delikado sa mga taong nakatira sa bundok ang landslide at kung maihahatid sa kanila ang impormasyon maaari silang makalikas agad. Napakahalaga talaga na maihatid ang impormasyong ito tungkol sa paglikas.
Ang bahay ko ay malapit sa ilog at kung sakaling walang mga ganitong impormasyon tulad sa paglikas, hindi ko malalaman kung kailan aapaw ang tubig sa ilog. At dahil may ganitong uri ng impormasyon, napakalaking tulong ang maidudulot nito.
Maging ang mga natutunan ko sa pagsasanay na ginawa sa paggamit ng AED para mailigtas ang buhay ng tao ay kapaki-pakinabang.」
[Interview⑤ Peruvian, Luis Risuko]
「Ang mga impormasyon inihahatid ng lungsod ng Tsu tungkol sa kalamidad (katulad ng bagyo at lindol) sa pamamagitan ng mail ng cellphone ay importante. Ang mga impormasyong ito ay ibinabalita rin sa telebisyon at radyo, subalit para sa aming mga hindi masyadong nakakaintindi ng salitang Japanese, malaking tungkol ang serbisyon ng mail delivery na nakasalin sa ibat ibang wika.」
[Interview⑥ Brazilian, Leonice Tanaka]
「Ipinaliwanag sa ibat ibang wika ang tungkol sa kahulugan mga salita sa paglikas at kung kailan ang tamang oras ng paglikas. Ibat ibang uri ng impormasyon ang nakapaloob dito at may mga ilang na hindi ko naiintindihanan subalit sa paliwanag ngayon, madali itong intindihin. Unang-una ang impormasyon tungkol sa paghahanda at sumunod na itinuro ay kung kailang dapat lumikas. Para sa aming mga dayuhan, sa oras na ilabas ang balita tungkol sa paglikas, agad agad na lumalabas kami ng bahay, subalit may mga sitwasyon maaring mas maging delikado kung lalabas ng bahay.
Sa tuwing magkakaroon na lang ng opisyal na balita tungkol sa paglikas, parati tayong nagsasaliksik sa SNS at nagtatanong kung 『anong nangyari? At klaseng babala ang ibinalita?』at sa araw na ito ay natutunan kong mabuti kung ano ang kahulugan ng mga alertong ipinapakita sa balita.」
Para maituro sa atin kung ano ang dapat nating gawing sa panahon ng kalamidad, inihanda ng pamahalaan ng Mie ang ganitong uri ng pagsasanay. Bibihira lamang ang ganitong uri ng pagsasanay na sinamahang ng interpreter mula sa ibat-ibang wika.」
[Interview⑦ Mr. Akio Tsuya, Head Officer ng Multiculture Department]
「Maraming dayuhang ang naninirahan dito sa Mie. Nais namin protektahan ng mga dayuhan ang kanilang sarili mula sa lindol,tsunami at bagyo. Hindi lamang ang proteksyon ng kanilang sarili, kundi pati na rin ng kanilang mga pamilya at kaibigan. Ito ang dahilang kung bakit may mga ganitong programa ay isinakatuparan.」