Espesyal na klase ng MieMu director para sa mga batang dayuhan

三重県総合博物館の魅力を三重県在住の外国籍児童に知ってもらう

2016/09/09 Friday Kultura at Libangan

image1May lecture na isinagawa ang isang prominenteng researcher ng Paleontology na si Mr. Terufumi Ono na nagsisilbi bilang director ng MieMu (Mie Prefectural Museum)  sa Brazilian School E.A.S ng Mie Ken Suzuka Shi.

Hiniling kay Director Ono na ipaliwanag kung ano ang dinosaur na Trilobite (Sanyochu) bago pa ito ma-extinct, at para mas lalong maintindihan ng mga estudyante ang mahusay na pag-unawa ng nilalaman, ay ipinakita ang aktwal na fossil ng Trilobite (Sanyochu).

Ang mga bata at estudyante ay nahawakan sa kanilang mga kamay ang fossil ng Trilobite at interesadong naobserbahan ito ng mabuti.

[Interview 1 MieMu Director Mr. Terufumi Ono]image3

Bagama’t ang mga kabataan ay mayroong kakayahan na mag diskubre ng maraming bagay, napag-aaralan lamang nila kung ano ang naituturo sa isang normal na paaralan. Subalit, ang pag-diskubre ng mga bagay dahil sa sariling pag-obserba, at sunod ay sariling pag-iisip, pag-kunsulta sa mga opinyon ng iba at pagiging sigurado ay makaka-diskubre sila ng mga bagong bagay. Kaunti lang ang chance sa mga ganitong klaseng opotunidad. Kaya’t sa ganitong dahilan ay dito nagsimula na gumawa ako ng mga programang ganito.

Ang MieMu ay ginawa ng moderno na kung saan naghahandog ng mga exhibit at madaming impormasyon ng interes para sa mga taong bumibisita.

image7[Interview 2 MieMu Director Mr. Terufumi Ono]

Kapag pumunta kayo sa MieMu, makikita ninyo ang exhibit tungkol sa kalikasan, kultura at kasaysayan ng Mie Prefecture. At kada sabado at linggo ay mayroong mga lectures at workshops, sa pagsali sa mga ito ay marami kayong matututunan tungkol sa Mie Prefecture at isa pang maganda maidudulot sa pagsali ay malalaman ninyo na ang Science ay napaka interesanteng bagay, kaya’t inaanyayahan namin kayo na pumumunta.

Ang pagsagawa ng event na katulad nito ay may mahalagang papel para ang mga kabataan ay maging interesado sa mga bagay tulad ng kalikasan, kultura, kasaysayan at science. Sa mga bagay na hindi nila nararanasan sa pangaraw-araw katulad ng pagpapaliwanag ng mga prominenteng researcher diretso sa mga estudyante at ang aktwal na pag hawak ng mga fossils. At naging masaya din ang mga staff ng Brazilian school.

[Interview 3 Brazilian School Manager Mr. Ilerika Habby]image5

Ang mga bata ay palagi nalang nagaaral sa kanilang mga mga lecture sa klase, kaya’t naisipan ko na maliban sa kanilang klase ay magkaroon ng iba naman experience, kaya’t nakipagusap kami sa Mie Prefectural government at sila ay inimbitahan namin ngayong araw na pumunta dito.

Ang mga estudyante ng Brasilian school ay nalulugod na maging bahagi ng experience na ito, ang mahawakan ang fossils sa sarili nilang mga kamay at matutunan ang tungkol sa isang ancient na organism ay isang bagay na hindi nila makakalimutan sa kanilang buhay.

 image2[Male Student Interview 4 Mr.Lucas Viera]

Masaya ako na naipaliwanag saamin ng direktor ng isang kilalang museum ang tungkol sa ancient creature at nagdala pa ng tunay na Trilobite (Sanyochu) fossil. Sa palagay ko kung may ganito pang ibang opportunity ay mas marami pa kaming matututunan tungkol sa mga sinaunang organismo na nabubuhay.

[Female Student Interview 5 Ms.Stefany Tanabe Porto]

Ang saya po na nakahawak ako ng tunay na Trilobite at nalaman pa ng sapat ang tungkol dito at nakapag-drawing din.

[Interview 6 MieMu Director Mr.Terufumi Ono]image6

Simula ngayon, gagawing ko ang aking makakaya na magisip kasama ang lahat na malampasan ang hadlang sa linguwahe, mag-iisip ako ng mga paraan upang mawala ang barier na ito at wag magatubiling turuan nyo din ako tungkol dito, lalo na sa mga bagay na hindi ko mapansin, na sa ganon ay masali ito sa pagpapaliwanag at maisama ang opinyon ng lahat, ito ay sa palagay ko, ang kahulugan ng MieMu. Na makagawa ng isang Museum na hindi lang sa wikang hapon, kundi sa wikang Portugues, Spanish, English, Chinese at Korean.

Bukod pa sa exhibition room sa malaking lugar, may ginaganap din na wide variety ng mga exhibitions sa MieMu. Tuwing pupunta ay makakita ng mga bagong exhibits. Ngayong summer vacation hanggang september 4 ay ginaganap ang exhibit ng dinasaur na pinamagatang “The Land of Catastrophe: Huge Creatures who lived in Mie ken Three Billion Years Ago” (Dai Hendo no Ji: Mie no San Okunen Hendo・Ikita Kyodai Seibutsu Tachi)

image8[Interview 7  MieMu Director Mr.Terufumi Ono]

Kahit hindi maipaliwanag sa salita ay mai-enjoy pa din kahit sa pagtingin lang. Sa una tignan muna, at kung may mga katanungan ay pwede din na lumapit sa mga espesyalista na nasa museum at mag tanong. Kapag sa english ay marunong din sila ng konti kahit hindi masyadong magaling, pag sa Chinese naman ay makakabasa naman sila ng ibang mga kanji characters, at ang iba naman ay pwedeng ma explain through hand gestures kaya’t inaanyayahan namin kayo na pumunta at mag-enjoy.

Ang susunod sa Dinosaur exhibition ay ang exhibition na 「The NINJA~Ninja te Nanjya!?」Ito ay 01gaganapin sa MieMu sa October 25 hanggang January 9. Ipapakita ang kakayahan, pisikal na abilidad at karunungan ng isang ninja na may halong point of view ng modernong siyensiya. Pag-aralan ang karunungan ng isang Ninja na pwedeng magamit sa hinaharap, baka may posibilidad na ikaw ay maging isang ninja?! Ang highschool students pababa ay free admission. Inaanyayahan namin kayong lahat na pumunta.

http://www.bunka.pref.mie.lg.jp/MieMu/88903000001_00003.htm

Kami ay naghahanap ng dadalo sa Women in Innovation Summit 2016

2016/09/09 Friday Kultura at Libangan

Women in Innovation Summit 2016の募集について

Women in Innovation Summit 2016

WIT 2016

Sa loob ng G7 Ise Shima Leaders’ Declaration, ang “Josei no Katsuyaku o Ang Tagumpay ng Kababaihan” ay mahalaga sa mundo ng ekonomiya na kung saan nagiging matatag ang pag-usbong nito. Base dito, Ang Mie Prefecture ay magsasagawa ng International Forum “WIT2016” dahil isa itong parte ng pagsisikap upang makamit ang “Josei ga kagayaku shakai o Woman Shining on Society” na may temang “Arayuru Bunya ni Okeru Josei no Katsuyaku o Success of women in all areas” at ito ay isa sa importanteng layunin ng gobyerno.

Itong forum na ito ay importante sa pag kick-off ng event para mapatuloy ang bagong paraan ng pamumuhay at paraan ng pagta-trabaho na kinakailangan sa susunod na mga darating na panahon. mapa-babae man o lalaki pwedeng sumali dito.

■Araw at Oras: September 23 (FRI) 10am-6pm

■Lugar: Suzuka Circuit (Suzuka Shi Ino-cho 7992)

■Nilalaman

  • Special support video message (Kennedy US Ambassador to Japan)
  • Keynote Session: Chiiki to Josei no Chikara de Kirihiraku Mirai (Future carve out by the power of the region and women)
  • Thematic sessions:
    – Daibashiti Keiei Senryaku (Diversity Management Strategy)
    – STEM Bunya de Katsuyaku Suru Josei (Women working in STEM fields)
    – Nogyo Joshi (Women in agriculture)
    – Test drive in the racing course
    – Exhibition of the latest technology
  • Announcements and awards for the new way of working model of women
  • Joint declaration, atbp.

※Gaganapin ito sa wikang hapones, subalit may itatalaga na interpretion sa wikang ingles.

※Maghahanda ng lunch na gawa sa mga specialties ng Mie Prefecture.

■Kinakailangang bilang ng participants: Approximately 200 katao

■Participation Fee: FREE

■Deadline: September 9 Friday

■Paraan ng pag-apply

Sa special site ng WIT URL:   http//women-it.jp/ (Sa wikang hapones lamang)

Kapag ang participant ay nahihirapang mag-access ng site mangyaring i-send through email ang inyong pangalan, pangalang ng pinagta-trabahuan, address, e-mail address, phone number, piliin ang ninanais na language (Japanese o English) at ipadala ito sa iris@pref.mie.jp

[Contact]

Mie ken Danjo Kyodo Sankaku NPO-ka (Mie Prefecture Gender Equality)   Gender Equality and NPO Division

TEL 059-224-2225 (sa wikang hapones lamang)

iris@pref.mie.jp