Paksa Tungkol sa Pagbuo ng Isang Multi-kulturang Komunidad 多文化共生な社会づくりの課題についてのパネルディスカッションが開催されました Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2015/07/07 Tuesday Impormasyon Ginanap sa Lungsod ng Iga ang panel discussion tungkol sa multi-kulturalismo. Ang naging paksa ng mga panelista ay tungkol 「Gamitin ang Kapangyarihan ng Pagkakaiba Sa Pagbuo ng Isang Multi-kulturang Komunidad」 Mula sa panel discussion na ito, ipinahayag ang mga magagandang resultang natamo mula sa maraming bagay na pinasimunuan ng Lungsod ng Iga. Ipinakilala ang mga tauhang nagbibigay ng suporta sa mga dayuhang bata at ang paglalagay ng mga interpreter na nakatalaga ngayon sa consultation section ng cityhall. Si Mr. Teruyuki Tamura, ang dating Chairman ng Local Government Council ng Distrito ng Otacho ay nagbigay ng kanyang pahayag tungkol sa pagsulong ng multi-kulturalismo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga events, kasiyahan at iba pa. [Mr. Teruyuki Tamura Dating Chairman ng Local District Council ng Otacho] “Bilang district council, sa palagay ko ay napaka importante ng pagdalo ng mga dayuhan sa mga event ng komunidad. Sa pamamagitan ng pagdalo sa mga kasiyahan ito ay nagkakaroon ng pakikipag-ugnayan na naging dahilan upang maalis ang maraming problema tungkol sa komunikasyon.” Ayon kay Mr. Tamura , ang 「Palitan ng Damdamin」 ang pinaka mahalagang punto ng multi-kulturalismo. Si Mr. Masnun Sumaedi na kasal sa isang Haponesa ay mula sa bansa ng Indonesia. Ikinuwento niya ang tungkol sa pagsisikap na ginawa niya para lang masanay sa pamumuhay dito. [Mr. Masnun Sumaedi, Indonesia] “Nagtatrabaho ako sa bukiran ng kaibigang kong may edad na. Ipinakikilala ko ang sarili kong kultura pamamagitan ng pagluluto ng pagkain ng Indonesia. Kasama kong nagba-barbeque at naglalaro ng futsal ang mga kaibigang kong Braziliano, Peruano at Hapon.” Si Ms. Ochante Muray Rosa Mercedes ay mayaman sa karanasan tungkol sa kabataan at ang trabaho niya ay magbigay ng suporta sa mga dayuhang estudyante. Ipinahayag niya ang kahalagahan ng paghahatid ng mga impormasyon sa ibat-ibang wika. [Ms. Ochante Muray Rosa Mercedes Gaikokujin Jido Seito Junkai Soudan In] “Dito sa Lungsod ng Iga, maraming ethnic restaurant ang matatagpuan. At kung maglalagay sila sa menu ng salitang Hapon at salitang banyagamalamang ay maraming magpupunta. At kung ang multi-kulturang seminar na katulad nito nakasalin din sa ibat-ibang wika, maaaring makapunta ang lahat.” Si Mr. Funami Kasuhide, ang technical adviser ng Iga Nihongo No Kai ang tumayong coordinator sa panel discussion. Sa paksa ng multi-kulturalismo, tinanong siya kung ano pang paksa ang kailangang bigyan ng pansin para mas lalo pang mapabuti ang pagbuo ng isang maayos na komunidad kahit na may pagkakaiba sa kultura. [Mr. Funami Kazuhide Panel Discussion Coordinator] “Sa palagay ko, yung mga taong aktibo na dumadalo sa mga pagkakataong katulad nito ay yung mgataong maraming nalalaman, pero paano na yung ibang tao na hindi nahahatiran ng impormasyon, ang problema ay kung paano sila mahihikayat na dumalo. Sa palagay ko ito ay para sa lahat, ang isang multi-kulturang komunidad ay binubuo ng lahat.” Para mapaunlad ang isang multi-kulturang komunidad, importanteng pag-aralan ng mga bata ang tungkol dito. Kung pagbubutihin ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral, maaring sa kinabukasan ay mas mapaunlad pang lalo ang pagbuo ng isang multi-kulturang lipunan. [Panel Discussion Coordinator Mr. Funami Kazuhide] “Para sa kinabukasan ng mga kabataan dito sa Japan at Lungsod ng Iga, lalo na sa mga batang may kaugnayan sa ibang bansa, na mabigyang sila ng ng oportunidad na maging kapaki-pakinabang sa lipunang ito o kaya ay maipamalas sa kanila ang mga oportunidad na ito, ipagpapatuloy ko ang pagpapakita ng mga konkretong pamamaraan.” Para sa mga taong nagnanais sumubok sa mga aktibidad na may kinalaman sa multi-kultura, magkakaroon ng seminar para dito na may tema na 「2015 Pagsuporta sa Multi-kultura」. Patuloy pa rin ang pagtanggap ng aplikasyon hanggang Hulyo 9. Si Mrs. Tsukii Atsuko, Head ng Civil Affairs Division sa cityhall ng Iga ang magpapaliwanang ng tungkol sa seminar na ito. [Head ng Iga Civil Affairs Division Mrs Tsukii Atsuko] “Gumawa ng isang pares na binubuo ng isang dayuhan at isang Hapon, gumawa ng isang introduction『box』kung saan ipapakilala ang kultura ng nasabing dayuhan. Sa paggawa nito ay muling magugunita ang kulturang mayroon sa bansa ng dayuhan.P ara sa mga dayuhang hindi masyadong nakakapagsalita ng Nihongo, may mga pamamaraan din kung paano magkakaroon ng komunikasyon sa kaparehang Haponesa. Para sa susunod, ang dalawang taong ito magsasanay sa loob ng paaralan at komunidad bilang isang kapaki-pakinabang na supporter.” Ang realidad ng pagkakaroon ng isang multi-kulturang lipunan ay hindi madali. Subalit kung ang lahat ay makikipagtulungan para makamtam ang mithiin ito, malalapagsan ang anumang padera at pagkakaiba at mas lalong pang magiging maayos ang pagbuo ng isang magandang samahan sa lipunan. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « MieMu Exhibit “Ang insektong ito, ang insektong iyon at ang insektong doon” [Tsu] Mie Prefecture College of Nursing Open Campus » ↑↑ Next Information ↑↑ MieMu Exhibit “Ang insektong ito, ang insektong iyon at ang insektong doon” 2015/07/07 Tuesday Impormasyon 平成27年7月11日(土)~8月30日(日)の期間中にMieMuで昆虫に関する企画展示会が開催されます。 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 「Ang insektong ito, ang insektong iyon at ang insektong doon~kilalanin natin ang mga maliit na insektong nasa paligid natin ~」 Bukod sa mga kilala nating insekto sa kasalukuyan, maraming pang ibat-ibang uri ng insekto ang nagtataglay ng mataas na kalidad ng pagkakaiba. Mula sa koleksyon ng insekto na naipon mula sa napakaraming donasyon, nais naming ipinakikilala ang mundo ng mga insektong nagtataglay ng malaking pagkakaiba sa kulay, hugis, laki at buhay at kasabay nito ay nais din naming ipakilala ang organisasyon dito sa Mie na aktibo tungkol sa usapang pang-insekto. Petsa: Hulyo 11 (Sabado) ~ Agosto 30 (Linggo) 9:00 ~ 17:00 (Sabado, hanggang 19:00 kung Linggo) ※ Sa huling araw, magsasara ito ng mas maaga ng 30 minuto Sarado sa araw ng Hulyo 13 (Lunes), 21 (Martes), 27 (Lunes), Agosto 3 (Lunes), 10 (Lunes), 17(Lunes), 24 (Lunes) Lugar: MieMu ( (Mie Prefectural Museum) 2nd Floor Exchange Facility Community Space 〒514-0061 Mieken Tsushi Ishinden Kozubeta 3060 TEL: 059-228-2283 Bayad: 「あんな虫、こんな虫、そんな虫」 “Ang insektong ito, ang insektong iyon at ang insekto doon” 基本展示室とセット観覧券 Gallery Exhibit Room+ Admission Ticket Regular ¥800(640) ¥1,040(830) Estudyante ¥480(380) ¥620(490) Senior Highschool Pababa Libre Libre ※Ang halagang nakalagay sa ( ) ay presyo para sa mga grupong papasok. Homepage:http://www.bunka.pref.mie.lg.jp/MieMu/temporary_exhibitions/temporary_exhibitions_H27/7th_insects.htm Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp