[Tsu] Mie Prefecture College of Nursing Open Campus 平成27年7月25日(土)に三重県立看護大学のオープンキャンパスが開催されます Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2015/07/13 Monday Edukasyon, Karera, Seminar at mga events Para sa mga nagbabalak kumuha ng eksaminasyon sa kolehiyo, gaganapin sa Mie Prefecture College of Nursing ang trial lesson at nursing practice para mas lalo pang maipakikilala ng husto ang tunkol sa kolehiyong ito. Petsa: Hulyo 25, 2015 (Sabado) 10:00~13:30 (Simula ng tanggapan 9:30~) Lugar: Mie Prefecture College of Nursing (Mieken Tsu shi Yumegaoka 1-1-1) Sa west exit ng Tsu Station, may libreng shuttle bus papunta sa kolehiyo. (Para sa mga detalye, alamin sa homepage na nakasulat sa ibaba) Program 〇Personal Consultation: maaring magtanong tungkol sa eksaminasyon, buhay estudyante, student loan o scholarship. 〇Nursing practice: Subukan kung ano ang mga trabaho ng nurse. Huwag mag-alala dahil ang magtuturo ay ang mga beteranong nurse. 〇Trial Lesson: Subukan kung ano ang pinag-aaralan sa kolehiyo. Anu-anong mga bagay ang maaring mapakinggan? Bukod dito maari din subukan isuot ang damit pang-nurse, pagkain sa canteen, pagpasok sa library at nursing museum, exchange good para sa stamp rally at marami pang events. Aplikasyon Hinihiling ang paunang reserbasyon subalit maari pa ring sumali sa mismong araw ng walang reserbasyon. 【Paraan ng pag-apply】 Isulat ang mga impormasyon na nasa ibaba at ipadala sa pamamagitan ng email o fax. (1)Pangalan (2)Pangalan ng paaralan at baiting ( sa mga empleyado, isulat ang impormasyon tungkol dito) (3)Pumili kung sasakay sa libreng bus (Sasakay/Hindi Sasakay) (4)May kasama ba ( Mayroon (Pangalan ) / Wala) (5)Contact number (Telepono o email add) 【Ipadala sa】 Mie Prefecture College of Nursing Planning and PR Division FAX:059-233-5666 E-Mail:oc@mcn.ac.jp 【Huling araw ng pagpasa】 Hulyo 17, 2015 (Biyernes) ※Kung sakaling bumagyo at magkaroon ng pagbabago sa schedule, kumpirmahin ito sa homepage ng Mie Prefecture College of Nursing. Homepage:http://www.mcn.ac.jp/examinee/opencampus Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Paksa Tungkol sa Pagbuo ng Isang Multi-kulturang Komunidad 2015 Mie Government Employee’s Examination and Municipal District Civil Employee’s Examination (B Exam at C Exam) » ↑↑ Next Information ↑↑ Paksa Tungkol sa Pagbuo ng Isang Multi-kulturang Komunidad 2015/07/13 Monday Edukasyon, Karera, Seminar at mga events 多文化共生な社会づくりの課題についてのパネルディスカッションが開催されました Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ginanap sa Lungsod ng Iga ang panel discussion tungkol sa multi-kulturalismo. Ang naging paksa ng mga panelista ay tungkol 「Gamitin ang Kapangyarihan ng Pagkakaiba Sa Pagbuo ng Isang Multi-kulturang Komunidad」 Mula sa panel discussion na ito, ipinahayag ang mga magagandang resultang natamo mula sa maraming bagay na pinasimunuan ng Lungsod ng Iga. Ipinakilala ang mga tauhang nagbibigay ng suporta sa mga dayuhang bata at ang paglalagay ng mga interpreter na nakatalaga ngayon sa consultation section ng cityhall. Si Mr. Teruyuki Tamura, ang dating Chairman ng Local Government Council ng Distrito ng Otacho ay nagbigay ng kanyang pahayag tungkol sa pagsulong ng multi-kulturalismo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga events, kasiyahan at iba pa. [Mr. Teruyuki Tamura Dating Chairman ng Local District Council ng Otacho] “Bilang district council, sa palagay ko ay napaka importante ng pagdalo ng mga dayuhan sa mga event ng komunidad. Sa pamamagitan ng pagdalo sa mga kasiyahan ito ay nagkakaroon ng pakikipag-ugnayan na naging dahilan upang maalis ang maraming problema tungkol sa komunikasyon.” Ayon kay Mr. Tamura , ang 「Palitan ng Damdamin」 ang pinaka mahalagang punto ng multi-kulturalismo. Si Mr. Masnun Sumaedi na kasal sa isang Haponesa ay mula sa bansa ng Indonesia. Ikinuwento niya ang tungkol sa pagsisikap na ginawa niya para lang masanay sa pamumuhay dito. [Mr. Masnun Sumaedi, Indonesia] “Nagtatrabaho ako sa bukiran ng kaibigang kong may edad na. Ipinakikilala ko ang sarili kong kultura pamamagitan ng pagluluto ng pagkain ng Indonesia. Kasama kong nagba-barbeque at naglalaro ng futsal ang mga kaibigang kong Braziliano, Peruano at Hapon.” Si Ms. Ochante Muray Rosa Mercedes ay mayaman sa karanasan tungkol sa kabataan at ang trabaho niya ay magbigay ng suporta sa mga dayuhang estudyante. Ipinahayag niya ang kahalagahan ng paghahatid ng mga impormasyon sa ibat-ibang wika. [Ms. Ochante Muray Rosa Mercedes Gaikokujin Jido Seito Junkai Soudan In] “Dito sa Lungsod ng Iga, maraming ethnic restaurant ang matatagpuan. At kung maglalagay sila sa menu ng salitang Hapon at salitang banyagamalamang ay maraming magpupunta. At kung ang multi-kulturang seminar na katulad nito nakasalin din sa ibat-ibang wika, maaaring makapunta ang lahat.” Si Mr. Funami Kasuhide, ang technical adviser ng Iga Nihongo No Kai ang tumayong coordinator sa panel discussion. Sa paksa ng multi-kulturalismo, tinanong siya kung ano pang paksa ang kailangang bigyan ng pansin para mas lalo pang mapabuti ang pagbuo ng isang maayos na komunidad kahit na may pagkakaiba sa kultura. [Mr. Funami Kazuhide Panel Discussion Coordinator] “Sa palagay ko, yung mga taong aktibo na dumadalo sa mga pagkakataong katulad nito ay yung mgataong maraming nalalaman, pero paano na yung ibang tao na hindi nahahatiran ng impormasyon, ang problema ay kung paano sila mahihikayat na dumalo. Sa palagay ko ito ay para sa lahat, ang isang multi-kulturang komunidad ay binubuo ng lahat.” Para mapaunlad ang isang multi-kulturang komunidad, importanteng pag-aralan ng mga bata ang tungkol dito. Kung pagbubutihin ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral, maaring sa kinabukasan ay mas mapaunlad pang lalo ang pagbuo ng isang multi-kulturang lipunan. [Panel Discussion Coordinator Mr. Funami Kazuhide] “Para sa kinabukasan ng mga kabataan dito sa Japan at Lungsod ng Iga, lalo na sa mga batang may kaugnayan sa ibang bansa, na mabigyang sila ng ng oportunidad na maging kapaki-pakinabang sa lipunang ito o kaya ay maipamalas sa kanila ang mga oportunidad na ito, ipagpapatuloy ko ang pagpapakita ng mga konkretong pamamaraan.” Para sa mga taong nagnanais sumubok sa mga aktibidad na may kinalaman sa multi-kultura, magkakaroon ng seminar para dito na may tema na 「2015 Pagsuporta sa Multi-kultura」. Patuloy pa rin ang pagtanggap ng aplikasyon hanggang Hulyo 9. Si Mrs. Tsukii Atsuko, Head ng Civil Affairs Division sa cityhall ng Iga ang magpapaliwanang ng tungkol sa seminar na ito. [Head ng Iga Civil Affairs Division Mrs Tsukii Atsuko] “Gumawa ng isang pares na binubuo ng isang dayuhan at isang Hapon, gumawa ng isang introduction『box』kung saan ipapakilala ang kultura ng nasabing dayuhan. Sa paggawa nito ay muling magugunita ang kulturang mayroon sa bansa ng dayuhan.P ara sa mga dayuhang hindi masyadong nakakapagsalita ng Nihongo, may mga pamamaraan din kung paano magkakaroon ng komunikasyon sa kaparehang Haponesa. Para sa susunod, ang dalawang taong ito magsasanay sa loob ng paaralan at komunidad bilang isang kapaki-pakinabang na supporter.” Ang realidad ng pagkakaroon ng isang multi-kulturang lipunan ay hindi madali. Subalit kung ang lahat ay makikipagtulungan para makamtam ang mithiin ito, malalapagsan ang anumang padera at pagkakaiba at mas lalong pang magiging maayos ang pagbuo ng isang magandang samahan sa lipunan. Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp