Ang bagong era “Reiwa” (Simula sa ika-1 ng Mayo 2019) at tungkol sa mga pagbabago sa limited holiday ng 2019

新しい元号「令和」(2019年5月1日から)及び2019年限定の休日の変更について

2019/04/08 Monday Anunsyo

Ang Crown Prince ay kokoronahan na sa Mayo 1, 2019, at simula sa araw na iyon, ang “Heisei” ay mapapalitan at gagamitin ang bagong era na “Reiwa”. Ang pangalang ng era na “Reiwa” ay kinuha mula sa “Manyoshu” na siyang pinakalumang Wakashu o antolohiya ng mga tula sa Japan.

(Source: Prime Minister’s Office Website)
https://www.kantei.go.jp/jp/headline/singengou/singengou_sentei.html

*Ano ang Gengo?

Ito ay isang pangalan ng era na ibinigay upang makilala ang mga taon tulad ng “Showa” at “Heisei”. Sa bansang Hapon, ang “Taika” era ng taong 645 ay itinuturing na unang napangalangang era sa kasaysayan. Sa kasalukuyan, ang era ay nagbabago kapag mayroong bagong uupo sa trono.

(Reference: Daijirin)

<Mga pagbabago sa mga holiday dahil sa abdication ng Emperor at enthronement>

Kasabay ng pag-abdicate ng Emperador at enthronement, ang Mayo 1 at Oktubre 22 sa taong 2019 lamang ay magiging holiday (public holiday). Kasabay nito, ang Abril 30, 2019 at Mayo 2 ay magiging holiday din.

Ang kaarawan ng Emperor (Holiday) ay mababago mula Disyembre 23 at maggiging Pebrero 23.

(Source: Cabinet Office Website)
https://www8.cao.go.jp/chosei/shukujitsu/gaiyou.html

*Mayroong 10-araw na magkakasunod na bakasyon mula Abril 27 (Sabado) hanggang Mayo 6 (Lunes). Sa panahong ito, ang iba’t ibang mga lugar tulad ng mga tanggapan ng gobyerno ng prefecture, mga city hall, mga tanggapan ng imigrasyon, mga embahada, atbp. Ay sarado at ang mga oras ng pagbubukas ay patuloy na magbabago kaya’t mangyaring suriin nang maaga.

(April/2019) Impormasyon tungkol sa panahunang pag-aapply sa pabahay ng prepektura

2019/04/08 Monday Anunsyo

(2019年4月)県営住宅の定期募集

Panahon ng aplikasyon para sa buwan ng April
April 2 (Martes) ~ April 30 (Martes), 2019

Maaring malaman sa website na nasa ibaba ang mga detalye tungkol sa basic information ng pabahay (katulad ng lugar, sukat, upa at iba) at kung paano mag-apply para dito.

I-click dito upang makita ang PDF file (Japanese Version)
I-click dito upang makita ang PDF file (Portugues Version)
I-click dito upang makita ang PDF file (Spanish Version)

I-check naman ang URL sa ibaba tungkol sa (Kuwalipikasyon ng application ng pag-upa), (mga patakaran sa pag-upa) atbp.
http://www.pref.mie.lg.jp/JUTAKU/HP/35745031344.htm

*Ang mga impormasyon dito ay sa wikang Hapones lamang.

*Ang mga aplikante na hindi makakatugon sa bilang ng aplikasyon para sa periodic recruitment ay tatanggapin simula sa araw pagkatapos ng lottery date na may first come first serve basis hanggang ika-unang Miyerkules ngbuwan pagkatapos ng buwan na mabuo ang bilang ng mga na-solicit na aplikasyon. Ang deadline para sa recruitment ay hanggang April 30.

Schedule ng Aplikasyon (Taon-taon ay pareho ang panahon ng pag-apply)

Buwan ng Aplikasyon Panahon ng pag pasa ng aplikasyon sa Post office  Araw ng bunutan  Araw ng pag-upa 
Abril Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 30 ng buwan Kalagitnaan ng Mayo Hulyo 1
Hulyo Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Augusto Oktubre 1
Oktubre Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Nobyembre Enero 1
Enero Unang araw ng aplikasyon hanggang ika- 31 ng buwan Kalagitnaan ng Pebrero Abril 1

※Ang araw ng simula ng pagpasa ng aplikasyon ay matatapat sa unang araw ng Martes o Biyernes ng buwang nakasaad sa itaas.

 Makipag-ugnayan sa:

Mie Ken Kendo Seibi-bu Jutaku Seisaku-ka Kou’ei Jutaku-han TEL: 059-224-2703

 (*Sa wikang hapon lamang)

Ang contact information sa bawat rehiyon ay ang mga sumusunod

(1) Hokusei Bloc (Kuwana city, Kawagoe district, Yokkaichi city, Suzuka city, Kameyama city) TEL: 059- 373- 6802

(2) Chusei Iga Bloc (Tsu city, Iga city, Nabari city) TEL: 059-221-6171

(3) Nansei-Higashi Kishu Bloc (Matsusaka city, Ise city, Owase city, Kumano city, Mihama district) TEL: 059-222-6400