[Owase] Kumano Kodo Center Exhibit「Kumano Yokai」at Workshops 熊野古道センター 企画展「熊野の妖怪たち」&体験教室 Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2015/08/07 Friday Seminar at mga events Kumano Kodo Center Exhibit 「Kumano Yokai」at Workshops Exhibit「Kumano Yokai」 Ayon sa sabi-sabi, simula pa noong sinaunang panahon, kilala ang Kumano Road bilang isang「Prayer Path」o「Healing Path」subalit, ayon sa kuwento, dahil sa dami ng taong nawalan ng buhay habang naglalakbay sa lugar na ito, tinatawag ding itong「Pilgrimage Path」. Ang ihip ng hangin na nagmumula sa kailaliman ng bundok ng Kumano ay nag-iiwan ng maraming 「misteryosong alamat at pangitain」at mga 「mahihiwagang kuwento」na magpa-hanggang ngayon ay nananatiling alamat. Sa exhibit na ito, ipakikilala ang ilang mga mahiwagang alamat na nagpasalin-salin na sa henerasyon. 【Kailan】Mula 2015, Hulyo 18 (Sabado) ~ Septyembre 6 (Linggo) 9:00 ~ 17:00 ※ Bukas ang lugar sa lahat ng araw (walang pahinga) 【Bayad】Libre Espesyal na workshop habang bakasyon ng summer Magbibigay ng workshop para makalikha ng mga craft work sa sinumang magpupunta dito. Kaya’t halina at isama ang inyong pamilya at mga kaibigan o kahit mag-isa lamang kayo at magtungo sa lugar na ito. Gawing isang magandang alaala ang inyong bakasyon sa Kumano Kodo Center. 【Petsa】2015, Agosto 14 (Biyernes) ~ Agosto 16 (Linggo) , ang oras ng tanggapan ay 13:00 ~ 15:00 ※Magsasara ang workshop sa oras na maubusan ng materyales 【Bayad para makasali】 14日:Xylophone na gawa sa punong kahoy = ¥500 Pag-eenjoy ng mga punong kahoy at orihinal na musika! 15日:Labyrinth box = ¥500 Kapag sumilip sa loob ng kahon, makikita ang ibat-ibang kulay na nakalatag sa ibat-ibang hugis. 16日:Workshop para woodcraft gamit ang punong kahoy ng Owase = Mula \100 Pumili sa menu kung anong bagay ang gustong gawin, maliit na hayop o sasakyan! ◆Paalala◆ Hindi tumatanggap ng reserbasyon kung kaya’t para sa mga gustong dumalo sa workshop, mangyaring magtungo sa center sa mismong araw ng workshop. Mie Kumano Kodo CenterMie-ken Owase-shi Mukai 12-4 TEL:0597-25-2666 FAX:0597-25-2667 E-mail:info@kumanokodocenter.com Homepage:http://www.kumanokodocenter.com/ Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « [Matsusaka] Mga Summer Events sa Mie Kodomo No Shiro Kurso sa Paghulma Gawa sa Metal (Oktubre, 2015) » ↑↑ Next Information ↑↑ [Matsusaka] Mga Summer Events sa Mie Kodomo No Shiro 2015/08/07 Friday Seminar at mga events みえこどもの城 夏休みのイベント Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Ngayong summer ulit ang 「Mie Kodomo No Shiro」ay magsasagawa ng ibat-ibang events. Ilan sa mga ito ang ipapakilala namin sa inyo. Mie Kodomo no Shiro TEL:0598-23-7735 (〒515-0054 Mie-ken Matsusaka-shi Tachino-cho 1291 sa loob ng Chubudai Undo Park) ※ Para sa mga programang limitado ang participants, first come first served basis ang gagawin. ※ May pagkakataon na maaring mabago ang programa. Special Summer Attraction: Treasure Hunt sa mahiwagang isla ~ nasaan kaya makikita ang kayamanan pang-dagat!? ~ Ngayong taon na ito, ang event hall ay papalitan at gagawing isang isla! Hanapin ang mga kayamanang pang-dagat sa isla. Kaya mo bang hatiin ng parehas ang mga makikitang kayamanan? Petsa: Hulyo 18, 2015, Sabado hanggang Agosto 30, Linggo mula 10:00~16:30(Huling oras ng tanggapan 16:00) Lugar: 1st Floor event hall Para kanino: Pang-kinder at elementary Bayad: ¥200 Paraan ng pagsali: Magtungo sa 1st Floor entrance para bumili ng ticket at pagkatapos ay pumunta sa event hall. Special Summer Attraction「Research Team para sa paghahanap at pagsisiyasat ng mga bagay na may buhay at hulmahin ito!~Paggugol ng summer vacation kasama ang anak at magulang!~」 Dalhin ang mga nakolektang hayop, halaman, shell at iba pa. Alamin ang pangalan nito at maaring gawing specimen ang alinmang magugustuhang bagay. Petsa: Agosto 8, 2015, Sabado ①13:00―14:30 ②15:00―16:30 Lugar: 2F Stage Space Kakailanganing Oras: 90 minutos Para kanino: Elementarya at ang magulang nito. Partisipante:bawat beses ang unang 30 pairs na darating ang unang papasukin Bayad: Libre ※ Isama ang mga magulang at dumalo sa event na ito. ※ Ang mga mammals, amphibians at reptiles ay hindi maaring dalhin. ※ Ang oras ng tanggapan ay magsisimula ng 12:30, at tatapusin ito hanggang sa mapuno ang lugar. No. 5 Pagsisiyasat sa kuwalidad ng tubig ng anak at magulang nito 「Workshop para alamin ang tubig na galing gripo at siyasatin at pag-aralan ang kuwalidad ng tubig na ito」. Ang makulay na tubig mula sa gripo ay ating alamin at subukang alamin ang kuwalidad ng nito. Obserbahan ang kaibahan ng regular na iniinom na tubig, at pag-isipang mabutin ang tungkol sa dito. Petsa: Agosto 22, 2015, Sabado 10:00 ②11:00 ③12:00 ④ 13:00 ⑤14:00 ⑥15:00 Lugar: 2nd Floor Stage Space Para kanino:Elementary pataas Hanggang ilang katao: 20 katao bawat ikot Bayad: Libre ※ Sa araw mismong na ito ay magtungo sa entrance ng 1st Floor at magpalista sa tanggapan. ※ Kung magpapalista sa mismong araw na ito bago mag 9:30 ng umaga, maari pa ring sumali bawat beses ※ Kailangang samahan ng magulang Sa Dome Theater, ipapalabas ang mga nakakatuwang animation Marami pa ring ibat-ibang event para sa summer vacation! Para sa mga detalye, alamin sa homepage ng Mie Kodomo no Shiro ang iba pang impormasyon tungkol dito http://www.mie-cc.or.jp/map/list Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp