Ang Civil Traffic Safety Movement ay gaganapin sa katapusan ng taon 平成29年「年末の交通安全県民運動」を実施します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2017/11/27 Monday Seminar at mga events Ang katapusan ng taon ay ang panahon na may posibilidad sa pagtaas ng bilang ng aksidente dahil sa kadahilanang maagang dumidilim tuwing dapit-hapon, bukod pa sa pagbabago sa daloy at bigat ng traffic. At huwag din kaligtaan ang pagtaas ng bilang ng mahuhuling nagmamaneho ng lasing pagkatapos ng mga year-end parties (bonenkai). Ito ay ang panahon ng napaka-daming drunk driving accidents. Upang maitaguyod ang kaalaman tungkol sa kaligtasan ng trapiko, maprotektahan ang mga panuntunan at maiwasan ang mga aksidente, gaganapin ang “Civil Movement of Traffic Safety sa katapusan ng taon”. Period Disyembro 1, 2017 (Biyernes) hanggang Disyembro 10 (Linggo) Mga issue na tatalakayin Pag-iwas sa mga aksidente sa trapiko na kinasasangkutan ng mga matatanda at mga bata Ito ay gaganapin upang itaguyod ang countermeasures lalo na sa may kaugnayan sa aksidente sa pagitan ng mga kotse at pedestrian sa dapit-hapon Proteksyon at preference ng mga pedestrian Kapag may mga pedestrian na tumatawid sa pedestrian lane, dapat huminto ang mga sasakyan bago dumating sa lane. Tamang paggamit ng child seat at safety belt Para sa mga karagdagang impormasyon: http://mieinfo.com/ja/jouhou/anzen/child-seat-jp/index.html Pagsugpo ng drunk driving Ang pag-inom ng alak ay ipinagbabawal hanggang sa edad na 20. Ang pagmamaneho ng lasing ay isang akto na may mahigpit na kaparusahan. Hindi ka dapat magmaneho ng kotse, motorsiklo at bisikleta pagkatapos uminom ng alak, kahit na uminom ka lang ng kaunti. Kahit matapos na ang Civil Traffic Safety Movement, mangyaring ipagpatuloy pa din na makipagtulungan upang maiwasan ang mga aksidenteng pantrapiko! Makipag-ugnayan sa: Mie-ken Kankyo Seikatsu-bu Kurashi/Koutsu Anzen-ka Koutsu Anzen-han Address 〒514-8570 Tsu-shi Hiroaki-cho 13-banchi TEL 059-224-2410 FAX 059-228-4907 Email seikotu@pref.mie.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Gaganapin ang isang business briefing session para sa Mie Prefectural officials, atbp. Upang maiwasang mabaon sa maraming utang » ↑↑ Next Information ↑↑ Gaganapin ang isang business briefing session para sa Mie Prefectural officials, atbp. 2017/11/27 Monday Seminar at mga events 公務員就職希望の方へ 三重県職員等業務説明会を開催します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Isang business briefing session ang isasagawa ng Mie Prefecture office upang mas malaman ang trabaho ng mga prefectural officials, police officers at iba pang mga trabaho. Ang mga staff na kasalukuyang aktibo sa field ay maghahandog ng hands-on experiences at ipapakilala ang mga proyekto na isinasagawa ngayon ng prepektura. Para sa mga gustong magtrabaho sa Mie Prefectural Government, Mie Prefectural Police o sa mga interesadong magtrabaho bilang isang civil servant sa hinaharap, mangyaring sumali sa opurtunidad na ito. ※ Ang exam sa Mie Prefecture official recruitment ay maaari din makuha ng mga walang Japanese nationality. Subalit, depende sa test category, minsan ay kakailanganin ang may Japanese Nationality. 〇 Venue (Hindi kinakailangang mag-apply in advance) Araw at Horas: Disyembre 20 (Miyerkules), 1:30pm-4pm Lugar: Mie Ken Cho Kodo “Mie Prefectural Government Auditorium” (Tsu Shi Komei-cho 13) 〇Kansai Venue (Kailangan ang advance registration) Araw at Horas: Disyembre 11 (Lunes) (ika-1) 10: 30am-12: 00nn (ika-2) 2pm ~ 3: 30pm Lugar: Ōsaka Ichiritsu Sogo Shogai Gakushu Center “Osaka Municipal Integrated Lifelong Learning Center” (Osaka City Kita-ku Umeda 1-2-2-500 Osaka Ekimae Dai 2 Building 5th and 6th floor) Deadline ng pag-apply: Disyembre 6 (Miyerkules) hanggang 5pm ※ Mangyaring mag-apply sa sumusunod na website: https://www.shinsei.pref.mie.lg.jp/uketsuke2/dform.do?id=1509956462755 ※ Sa dalawang venues, mga dokumento, paliwanag at mga inquiries atbp. ay isasagawa lahat in Japanese. Makipag-ugnayan sa Mie Ken Jinji Iinkai Jimukyoku (Mie Prefecture Human Resources Committee Secretariat) 〒514-0004 1-891 Tsu shi Sakae-machi TEL 059-224-2932 Homepage para sa Staff recruitment: http://www.pref.mie.lg.jp/saiyo/ O di kaya i-search ang “Mie Ken Shokuin Saiyo” “Mie Prefecture Recruitment” Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp