Asian Month of Motorsports at Suzuka – ang admission fee ng mga foreigners sa Suzuka Circuit ay magiging libre! 「みえ国際ウィーク2017」開催記念企画 Asian Month of Motorsports at Suzuka 外国人の鈴鹿サーキット入場が無料になります! Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp 2017/05/16 Tuesday Seminar at mga events 「Mie Kokusai Week 2017 (Mie International Week 2017)」Commemorative Event Asian Month of Motorsports at Suzuka Ang admission fee ng mga foreigners sa Suzuka Circuit ay magiging libre! Ang Suzuka Circuit ay tinatag noong 1962 bilang isang full-fledge International Racing Course sa Japan at nagsasagawa ito ng mga events sa iba’t ibang racing at motor sports, kasama na dito ang F1. Upang ipagdiwang ito, ang Mie International Week 2017 ngayong June, ay maglalaan ng lugar sa mga tao na may iba’t ibang nasyonalidad na taga loob at labas ng prefecture para makapag-diwang sa Suzuka Circuit, at gayun din ang pagsulong ng layuning mas makilala ang kultura ng motor sports ng Japan. Ang mga foreigners na may residence card o foreign passports ay maaaring makapasok sa Suzuka Circuit ng libre sa pamamagitan ng pag-reserve in advance. Mangyaring makidalo sa okasyon na ito ng Suzuka Circuit. *Para sa iba pang impormasyon ng 「Mie International Week 2017」(Japanese only), tignan dito. Schedule: ・June 3 at 4 「2017 Asia Road Race Championship Series Round 3」(2 Wheel Race) Isang road race ang gaganapin kung saan mahigit 70 players na galing sa 12 na bansa sa Asia at Oceania ang magpapaligsahan. ・June 24 at 25 「SUZUKA Race of Asia 2017」(4 Wheel Race) Gaganapin din ang ibat-ibang rasces tulad ng 「Blancpain GT Series Asia」 「All Japan Formula 3 Championship」,「LAMBORGHINI SUPER TROFEO ASIA」. Lugar Suzuka Circuit 〒510-0295 Mie Ken Suzuka Shi Inou-Cho 7992 Layunin Makakapasok kapag ipinakita ang residence certificate (residence card) o di kaya ang Foreign passport at ang mga kasama nito na hanggang 3 tao (kasama na ang may Japanese Nationality). Mayroong mga karagdagang bayad kapag ginamit ang parking lot at iba pang attractions. ※Ang pag-apply in advance ay kinakailangan. Mangyaring gamitin ang link sa ibaba o di kaya ang QR Code para sa pag-apply. http://www.suzukacircuit.jp/en/asia_month/ Makipag-ugnayan sa: Suzuka Circuit Jigyo Kikaku-ka (Business Planning Division) 〒510-0295 Mie Ken Suzuka Shi Inou-Cho 7992 TEL 059-378-1768 http://www.suzukacircuit.jp E-mail: english_info@mobilityland.co.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp « Hanapin ang Keyword! ”: Collaborative event sa pagitan ng mga parke ng probinsya Mga pagbabago sa Homepage ng [Bosai Mie.jp] sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa sakuna sa wikang Hapones at 5 pang lenguwahe. » ↑↑ Next Information ↑↑ Hanapin ang Keyword! ”: Collaborative event sa pagitan ng mga parke ng probinsya 2017/05/16 Tuesday Seminar at mga events 県営公園合同イベント「キーワードを探せ!」を開催します Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp Sa mga provincial parks ng (Hokusei Chuo Koen · Suzuka Seishonen no Mori · Kameyama Sunshine Park), ang pinaka-unang collaborative event ay gaganapin, ang “Hanapin ang Keyword! “. Mayroong mga hinandang prizes, at samantalahin ang opurtunidad na ito upang mas makilala ang mga park ng probinsya. Araw: April 29, 2017 (Sabado) ~ June 30 (Biyernes) 9am~4pm Lugar: (1) Hokusei Chuo Koen (Yokkaichi-shi Nakamura-cho 1080) TEL 059-339-2319 (2) Suzuka Seishonen no Mori (Suzuka-shi Sumiyoshi-cho Azanakaotani 6744-1) TEL 059-378-2946 (3) Kameyama Sunshine Park (Kameyama-shi Fuke-cho 801-1) TEL 0595-83-0339 Paraan ng pagsali: Humingi ng form na susulatan sa opisina ng kada park at hanapin ang mga keywords (Anim kada park) na nakatago. Pagkatapos ay isulat ang mga nahanap na keywords sa form at ipasa ang form sa opisina tuwing araw ng event. Participation fee: Libre (Hindi kinakailangang magpa-register) Prizes: (1) Regalo para sa pinaka-unang 150 katao na makaka-kolekta ng mga keyworks sa isang park. (2) May 20 na Lucky Draw “Waku waku Ticket”, na maaaring magamit sa mga may bayad na pasilidad ng 3 parks, para sa mga taong naka-kolekta ng keywords sa 2 parks. (3) Tatlong Lucky Draw na may ¥ 2000 (in pairs) para sa mga taong naka-kolekta ng keywords sa 3 parks Contact Information: For further information, please contact the offices of the nearby parks or “Suzuka Kensetsu Jimusho” (Suzuka Construction Office). Mie-ken Suzuka Kensetsu Jimusho Office of Management and General Affairs (Division of Management) Address 〒513-0809 Suzuka-Shi Nishijo 5-117 (Suzuka Chosha – 3rd Floor) TEL 059-382-8683 FAX 059-382-1539 E-mail zkenset@pref.mie.jp Share!FacebookEmailTwitterWhatsApp