Mga pagbabago sa Homepage ng [Bosai Mie.jp] sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa sakuna sa wikang Hapones at 5 pang lenguwahe.

日本語及び5か国語による災害情報の提供「防災みえ.jp」のホームページをリニューアルしました

2017/05/17 Wednesday Anunsyo, Paninirahan

Ang 「Bosai Mie.jp」 ay lugar kung saan nagbibigay ng impormasyon tungkol sa disaster prevention at mitigation sa Mie Prefecture at iba’t-iba pang mga impormasyon na makakatulong tuwing oras ng sakuna, Ang official site na ito ay ginawa ng Mie Prefecture sa wikang Hapones at 5 pang ibang lenguwahe (English, Chinese, Korean, Portugues at Spanish).

Sa renewal ng page na ito, ang impormasyon sa pinsala at ang pangunahing impormasyon sa evacuation center ay inilagay sa mapa na dinagdag sa letter information sa 「Kinkyu no page」(Emergency Page). Kaya’t kahit hindi alam ang pangalan ng lugar ay madali ito matunton sa pamamagitan lamang ng pag-visualize ng lugar. Sa karagdagan, simula sa buwan ng Mayo, ay magbibigay ng impormasyon sa ulat panahon, mga babala, earthquake warning, tsunami warning, atbp., ng live o real time sa Social Media (Twitter).

Sa oras ng sakuna, importante na malaman ang eksaktong impormasyon at gawin ang tamang aksyon upang mabawasan ang pinsala. Kaya’t mangyaring gamitin ang 「Bosai mie.jp」.

Para ma-access ang 「Bosai mie.jp」, i-access mula sa link na nakasaad sa ibaba o gamitin ang QR Code.

 

http://www.bosaimie.jp/

 

Makipag-ugnayan sa:

Mie Ken Bosai Taisaku-bu Bosai Taisaku Somu-ka

(Mie Prefecture Disaster Prevention Division Disaster Prevention Measures General Affairs Section)

〒514-8570 Tsu Shi Komei-Cho 13 Banchi

TEL: 059-224-2157

e-mail: bosaimie@pref.mie.jp