[2016] Social Welfare at Nursing Care Employment Fair

平成28年2月7日(日)に津市で「福祉・介護の就職フェア」が開催されます

2016/02/01 Monday Seminar at mga events

Sumusuporta kami sa mga taong nais magtrabaho para sa tao at para sa lipunan

Kung ikaw ay isang taong nagnanais magtrabaho sa social welfare at nursing care, maaari kang sumali dahil kahit sino ay maaaring dumalo.

Nilalaman: 

  • Konsultasyon sa paghahanap ng trabaho (Individual Booth Interview)
  • Pangkalahatang konsultasyon tungkol sa pagtatrabaho sa social welfare
  • Pagpapalista sa Social Welfare Human Resource Center Employment List
  • Trial Corner para sumubok sa trabaho
  • Consultation corner para sa Hello work
  • Labor Employment Center Consultation Corner para sa trabaho sa nursing care
  • Consultation Corner para sa trabaho sa daycare

Petsa:  Pebrero 7, 2016 (Linggo)  13:00 ~ 15:30 ng hapon,  oras ng tanggapan (12:30 ~)

Lugar:  Mie Center for Arts   Gallery 1 & 2

(〒514-0061  Mieken Tsu shi Ishinden Kouzubeta 1234)

Admission fee:  Libre

Aplikasyon:  Hindi kailangan

Para kanino:  Para sa mga pangkaraniwang tao at estudyante na naghahanap ng trabaho sa social welfare at nursing care o mga nagbabalak lumipat ng trabaho (para estudyante sa senior high school pataas)

Para sa mga katanungan:  Shakai Fukushi Houjin Mieken Shakai Fukushi Kyogikai Mieken Shakai Jinzai Center

(Mie Social Welfare Association・Mie Human Resource Center)

TEL:059-227-5160 FAX:059-222-0170

http://www.miewel-1.com/jinzai/

 

panflet-fair2016

Magtipid sa paggamit ng mga heaters

2016/02/01 Monday Seminar at mga events

「暖房代を節約しましょう」についての大切な情報

template.fw - Copia

Panahon na nang taglamig. Sa ating maliit na pamamaraan, bakit hindi natin subukan magtipid para mabawasan ang babayaran natin sa kuryente.

 

1.Iwasan ang paglabas ng init mula sa bintana.

Kahit sabihing pang mayroong heat absorber ang bintana ng mga bahay, 48% nang init sa loob ng kuwarto ay lumalabas sa mga binatana.  Iminumungkahi na gumamit ng makapal na kurtinang hanggang sahig ang haba.  Malaki rin ang magagawa kung didikitan ng dan netsu sheet o bubble wrap ang mga bintana.

At kung lalabas naman nang bahay sa tanghali, isara ang kurtina para maiwasan na hindi lumabas ang init sa loob ng bahay.

2.Linising mabuti ang filter.

Kapag napuno na nang alikabok ang filter ng aircon, nababawasan ang maayos na paglabas ng init at nasasayang lang ang paggamit ng kuryente.  Linisin ang filter ng aircon kada 2 linggo. Sa paggamit ng heater, 6% ng kuryente ang nakukunsumo para dito.

Bukod dito, hindi rin magiging maayos ang takbo ng aircon kung papatungan ng kahit na anong bagay ang makina nito na nakalagay sa labas.  Siguraduhing nasa ayos ang puwesto ng makina para maging maganda ang sirkulasyon ng hangin at ayusin ang mga bagay na nasa paligid ng makina.

3.Maayos na pag-adjust sa paggamit ng electric fan heater at circulator.

Kung gagamitin ng sabay ang electric heater at circulator at itapat ito pataas, maaari nitong ikalat ang init sa buong kuwarto para magsirkula ang init.

4.Panatiliin sa tamang temperature ang loob ng kuwarto.

Ilagay sa standard na 20 degree celcius ang temperature ng kuwarto.  Kapag bumaba nang 1 degree celcius mula sa standard temperature, aabot sa 10% ang makukunsumong gamit ng kuryente.

5.At iba pa

・Sa mga puwang ng pintuan at sahig ay pumapasok din ang malamig na hangin.  Dikitan ito ng sukima tape para hindi makapasok ang malamig na hangin.

・maaari ding maglagay ng aluminum sheet sa ilalim para hindi makapasok ang hangin mula sa sahig.

・iminumungkahi din ang paggamit ng hot water plastic bottle kung nais makatipid, lalo na kung gagamitin ito bago matulog.

・Epektibo rin ang paggamit ng table heater o carpet heater.

・kumain ng mga pagkain nakakapagpainit ng katawan katulad ng (labanod, bawang, luya, carrots at iba pang masustansyang gulay.

・kapag dinoble ang damit na sinusuot mas lalong iinit ang pakiramdam ng katawan. At epektibo rin ang pagsusuot ng maiinit na underwear.

・mag-stretch at mag-exercise para uminit ang pakiramdam ng katawan.

 

Nilikha ng(Ministry of Environment)(https://funtoshare.env.go.jp/setsuden/home/saving03.html