Kurso sa Paghulma Gawa sa Metal

平成28年度4月 三重県立津高等技術学校「金属成形科」受講者募集について

2016/02/01 Monday Karera, Selection

Kurso sa Paghulma Gawa sa Metal (Taong 2016 ng Abril)

Guidelines para sa mga dayuhan, sa mga taong mag-uumpisa at wala pang karanasan magtrabaho at sa mga taong may konting hilig sa paghihinang o welding.

Mie kenritsu Tsu Koutou Gijutsu Gakko

Sa taong 2016 ng Abril uumpisahan ng tumanggap ng aplikante para sa kurso ng paghulma gawa sa metal.

Saan maaring magtrabo at anong uri ng trabaho

  • Pagawaan ng mga bakal ・・・welding, pagawaan ng mga lata (pagproseso ng makina at metal plate)
  • Pagawaan ng mga produktong gawa sa bakal o metal・・welding, press manufacturing
  • Pagawaan ng metal plate para sa construction work・・・metal plate manufacturing

Layuning makakuha ng sertipikasyon

  • JIS Welding Assessment para sa pagkuha ng lisensya bilang welding technician Basic level (SA-2F)
  • Sertipiko bilang pagtatapos ng kurso sa paggamit ng welding gas (Rehistrado sa Director’s List ng Bureau of Labor sa Mie (Mie Bureau of Labor Bilang 17-4))
  • Sertipiko bilang pagtatapos sa Special Course Para sa Safety and Health Measures (Arc Welding)
  • Sertipiko bilang pagtatapos sa Special Course Para sa Safety and Health Measures (Free Grinding at Pagpapalit ng Bato)

◇Bilang ng Partisipante  10 katao

◇Panahon ng Pagsasanay

Taong 2016, Abril 6 (Miyerkules) ~ 2016, Septyembre 12 (Lunes) 6 na buwan

(Hindi kasama ang Sabado, Linggo at Holiday at mga araw na itinalagang walang pasok )

Oras ng Pagsasanay:   8:35 ~ 15:40

  • Mga Gagastusin

・Ang bayad para sa matrikula ay libre

・Magbabayad ng (20,000 yen) para sa working uniform, materyales at disaster insurance sa oras ng enrollment

・Para sa mga nais kumuha ng exam para sa JIS Welding License, may examination fee na (10,000 yen)

◇Para kanino ang kursong ito

Para sa mga nais magkaroon ng skills sa paghulma ng metal at gusto agad makahanap ng trabaho o alin man sa nakasaad sa ibaba

1.Mga dayuhang mamamayan na hindi limitado ang panahon ng pagtatrabaho at may status of residence

※ Gayunpaman, ito ay para sa mga taong marunong magsalita ng basic Japanese at nakakabasa  at nakakasulat ng hiragana.

2.Mga taong wala pang karanasang magtrabaho o kaya ay kaunti lang ang karanasan.

◎ Para sa mga taong tumatanggap ng unemployed benefits o nasa listahan ng mga naghahanap ng trabaho sa hello work, mangyaring sumangguni sa tanggapan ng Labor Employment Office.

◇Employment training at screening ng mga mag-eenrol

Para sa mga nais kumuha ng course training, kinakailangan dumalo sa enrollment screening.

(1)Araw ng screening test

Ika 1 screening   2016, Pebrero 16 (Martes)

Ika-2 screening   2016, Marso 4 (Biyernes)

Ika-3 screening   2016, Marso 23 (Miyerkules)

(kung sakaling puno na ang bilang ng enrollees, hindi na isasagawa pa ang ika 2 at 3 screening. Mag-ingat sa mga bagay na ito)

(2)Para sa mga nais sumali sa enrollment screening, sumangguni sa tanggapan ng Hello work.

Bukod dito, kailangan tumawag sa paaralan hanggang 5m, isang araw bago ang araw ng screening.

(3)Sa pagsasagawa ng screening, may aptitude test, hiragana test at interview.

(4)Sa mismong araw na ito ay kailangang nasa Tsu Koutou Gijutsu Gakko bago mag alas 9 ng umaga.

(5)Ang mga dadalhin sa araw na ito ay ang mga sumusunod.

・Gamit pangsulat  (itim na ballpen, lapis at pambura)      ・Inkan o Seal (Ink pad)

・Alinman sa nakasaad sa (1) o(2) na nasa ibaba.

(1) Sa mga tumatanggap ng employment benefit sa hello work, ipakita ang employment benefiary ID.

(2) Maliban sa nakasaad sa itaas, maaring ipakita ang sumusunod na ID ( driver’s license o health insurance card)

※  Bukod dito kailangan ding ipakita ng mga dayuhang mamamayang ang kanilang residence card.

◇Proseso para sa pagpasok

(1)Ipapadala sa pamamagitan ng sulat ang resulta ng mga taong nakapasa sa paaralan. Ihanda ang mga papeles na nakasaad sa sulat at asikasuhin ang pagproseso nito.

(2)Kung marami ang bilang ng mga aplikante, posibleng may ilang tao na hindi makakuha ng kursong ito, hinihiling namin ang inyong pang-unawa.

◇ pampublikong transportasyon na maaaring gamitin

JR………….Takachaya station 15 minutong paglalakad

Kintetsu …….Hisai Station Higashi Exit  sumakay ng bus No. 1 papuntang (Kumozu Koukan cho) o (Karasu Koen)

At bumaba sa「Takachaya Danchi Mae」mula dito 5 minutong paglalakad.

◇Lugar ng Pagsasanay・Aplikasyon・Mga Katanungan

〒514-0817 Tsu shi Takachaya Komori cho 1176-2

Mieken Ritsu Tsu Koutou Gijutsu Gakko
Kinzoku Keisei ka Enrollee’s Adviser: Mr. Hiraga at Mr. Maeda

TEL: 059-234-2839
FAX: 059-234-3668

Homepage: http://www.tcp-ip.or.jp/~tsutech/bosyuu/tanki/bosyuu_kinzoku.html

kinzoku english

[2016] Social Welfare at Nursing Care Employment Fair

2016/02/01 Monday Karera, Selection

平成28年2月7日(日)に津市で「福祉・介護の就職フェア」が開催されます

Sumusuporta kami sa mga taong nais magtrabaho para sa tao at para sa lipunan

Kung ikaw ay isang taong nagnanais magtrabaho sa social welfare at nursing care, maaari kang sumali dahil kahit sino ay maaaring dumalo.

Nilalaman: 

  • Konsultasyon sa paghahanap ng trabaho (Individual Booth Interview)
  • Pangkalahatang konsultasyon tungkol sa pagtatrabaho sa social welfare
  • Pagpapalista sa Social Welfare Human Resource Center Employment List
  • Trial Corner para sumubok sa trabaho
  • Consultation corner para sa Hello work
  • Labor Employment Center Consultation Corner para sa trabaho sa nursing care
  • Consultation Corner para sa trabaho sa daycare

Petsa:  Pebrero 7, 2016 (Linggo)  13:00 ~ 15:30 ng hapon,  oras ng tanggapan (12:30 ~)

Lugar:  Mie Center for Arts   Gallery 1 & 2

(〒514-0061  Mieken Tsu shi Ishinden Kouzubeta 1234)

Admission fee:  Libre

Aplikasyon:  Hindi kailangan

Para kanino:  Para sa mga pangkaraniwang tao at estudyante na naghahanap ng trabaho sa social welfare at nursing care o mga nagbabalak lumipat ng trabaho (para estudyante sa senior high school pataas)

Para sa mga katanungan:  Shakai Fukushi Houjin Mieken Shakai Fukushi Kyogikai Mieken Shakai Jinzai Center

(Mie Social Welfare Association・Mie Human Resource Center)

TEL:059-227-5160 FAX:059-222-0170

http://www.miewel-1.com/jinzai/

 

panflet-fair2016