2019/02/04 Lunes Mie Info
Paninirahan
敷金返還トラブルについて
Ang kontrata para sa pag-uupa ng pabahay tulad ng apartment, atbp. ay batay sa mga kasunduan ng parehong lender at borrower ayon sa mga prinsipyo ng tinatawag na contact freedom. Gayunpaman, may mga problema na maaaring mangyari depende sa kung sino sa mga lender o borrower ang magre-restore at magbabalik sa orihinal na estado kapag umaalis sa inuupahan.
[Halimbawa ng problema]
*1 Security Deposit (Shikikin)
Ang deposito na pera na ibinigay sa lender tuwing lilipat ng bahay ay tinatawag na Security Deposit (Shikikin) at gagamitin ito kapag ang taong humiram ng isang rental housing ay hindi nagbayad ng upa o para sa mga gastos sa pagrestore kapag ang bahay ay marumi o nasira. Kapag aalis sa inuupahan at hindi ginamit ang deposito na pera, ibabalik ito sa borrower.
*2 Restoration cost of restitution (Genjo Kaifuku Hiyo)
Kapag ang wallpaper o tatami ay natural na nanilaw o nangitim dahil sa sikat ng araw, pagkasira at pagkaluma dahil sa normal na paggamit, atbp, ang lender ang siyang sasagot sa restoration. Ang mga dumi at mga gasgas na dulot ng negligence ng borrower, ay dapat bayaran ng borrower ang gastos sa restoration.
Kung nagkakaproblema ka sa kasunduan sa pag-upa, tulad ng refund ng deposito kapag umalis sa rental housing, Huwag mag-alala nang nag-iisa, kumonsulta sa center.
Consumer Hotline
TEL: 188 (Japanese only)
*Kapag tumawag sa telepono, dadaloy ang isang anunsyo at gagabayan ka sa iyong lokal na municipal consultation desk o sa Mie Prefecture Consumer Affairs Center.
I-click dito para sa iba pang mga problema tungkol sa consumer affairs at consultation desk.
2019/02/22 Biyernes
2019/02/18 Lunes
2019/01/23 Miyerkules
2020/07/08 Miyerkules
2020/04/28 Martes
2020/08/05 Miyerkules
2017/02/07 Martes
2015/04/21 Martes
2019/06/18 Martes
2021/02/12 Biyernes
2021/02/10 Miyerkules
2021/01/25 Lunes