Bakante para sa Metal Molding Course – Unang termino ng 2019

三重県立津高等技術学校 金属成形科 2019年度 前期生募集

2019/02/13 Wednesday Karera

※Ang impormasyon sa recruitment sa ibang wika (Japanese, Portuguese, Spanish, English) ay makikita sa ilalim ng pahina.

Target na lugar ng trabaho ・ Mga nilalaman ng trabaho

  • Iron structure = welding, machining at thin metal sheets processing
  • Metal pieces production= welding at press working
  • Steel products manufacturing= metal sheet production process

Certification:

  1. JIS welding certification (SA-2F basic grade)
  2. Certification of skill training course of gas welding na naka-register sa <Mie Labor Bureau Director Registration Teacher Institution (Mie Labor Bureau No. 17-4)>
  3. Certification of safety and health special education sa Arc Welding
  4. Safety and health special education certificate completion (free grinding, replacement atbp.)
  5. (Optional) Slinging skill training course certificate <Registration training institution of Mie Labor Bureau (Mie Labor Bureau No. 20-2)>
  • Bilang ng maaaring sumali: 10
  • Training period
    Abril 5, 2019 (Biyernes) – Setyembre 5, 2019 (Huwebes) 6 na buwan
    (Maliban sa Sabado, Linggo, mga pampublikong bakasyon at mga araw kung saan hindi isinasagawa ang inirerekomendang pagsasanay)
    Oras ng Pagsasanay: 8:30 ~ 15:40
  • Halaga
    LIBRE ang tuition
    Sa panahon ng entrance procedure, work expenditure, protective equipment, disaster insurance etc. ito ay nagkakahalaga ng 20,000 yen
    Sa mga kukuha ng JIS welding license, ang exam fee ay nasa 10,000 yen
  •  Sino ang maaaring sumali
    Yung mga taong motivated upang makakuha ng mga kasanayan at makahanap ng trabaho sa metal forming department at naaangkop sa mga sumusunod:
    1 – Isang foreign national na may status of residence na walang restrictions sa pagtatrabaho.
    ※ Subalit, dapat mayroong daily conversation level sa wikang Japanese at nakakapagsulat at nakakapagbasa ng Hiragana
    2 – Para sa mga taong walang work experience o kulang sa experience
  • Vocational training entrance screening
    Ang mga nais sumali sa pagsasanay ay dapat lumahok sa entrance examination..
  1. Entrance Selection Date
    Unang screening: Pebrero 15, 2019 (Biyernes)
    Pangalawang screening: Marso 7, 2019 (Huwebes)
    Pangatlong screening: Marso 25, 2019 (Lunes)
    (Mangyaring tandaan na ang pangalawa at pangatlong screening ay hindi maipatutupad kung ang bilang ng mga kalahok ay umabot na sa kapasidad.)
  2.  Para sa mga nais na makilahok sa entrance exam, mangyaring sumangguni sa Public Employment Security Office (Hello Work).
    Bilang karagdagan, mangyaring makipag-ugnay sa paaralan bago mag alas-5 ng hapon isang araw bago ang araw ng screening.
  3.  Ang entrance examination content ay qualification test, hiragana test, individual interview.
  4.  Mangyaring pumunta sa Tsu technical school ng 9:00 am ng petsa ng opening.
  5.  Sa araw ng pagsusulit ay siguraduhin na dalhin ang:
    Pansulat (black ballpoint pen, pencil, eraser)
    Personal Seal (Hindi tatanggapin ang Shachihata)
    Residence card (para lamang sa foreign nationals)
    Hello Work Card and isa sa mga sumusunod:
    (1) KOYO HOKEN JUKYU SHIKAKUSHA-SHO para sa mga tumatanggap ng seguro sa pagkawala ng trabaho
    (2) Para sa mga nagtapos mula sa isang bagong mataas na paaralan, isang form ng survey (para sa trabaho)
    (3)Employment consultation card kung nagtapos sa bagong junior high school
    (4) Para sa mga iba pa kaysa sa nabanggit sa itaas, magdala ng identification card (lisensya ng kotse, health insurance card, atbp.)
  • Paraan ng pagpasok
    (1) Ang school decision notice ay ipapadala lamang sa mga matagumpay na aplikante.
    (2) I-enclose sa sulat ang decision notice at ipadala ang dokumento na “Para sa mga nagpaplano na pumasok sa paaralan”. Mangyaring magpatuloy ayon sa paraan ng pagpasok na isinasaad sa dokumentong iyon.
    (3) Hindi maaaring tumugon sa mga katanungan tungkol sa pagtanggap ng entry sa pamamagitan ng telepono atbp.
  • Ang pinakamalapit na public transport
    JR= 15 min by foot galing sa Takachaya Station
    Kintetsu= bumaba sa Hisai station, higashi guchi (west exit), sumakay ng bus galing sa Sanko bus patungong Kumozu Koukan-cho o sa Karasu Koen, bumaba sa Takachaya Danchi Mae at lakarin ng 5 minuto.
  • Lugar para sa impormasyon, pagpaparehistro at pagsasagawa ng kurso
    〒514-0817 Tsu-shi, Takachaya Komori-cho 1176-2
    Mie Kenritsu Tsu Kouto Gijutsu Gakko
    Kinzoku Seikei-ka Nyukou Tanto: Hiraga, Maeda (Mga taong in charge sa metal modeling course)
    TEL 059-234-3135  FAX 059-234-3668

Homepage: http://www.tcp-ip.or.jp/~tsutech/bosyuu/tanki/bosyuu_kinzoku.html

Impormasyon sa recruitment Japanese version ・ Portuguese version ・ Spanish version ・ English version

Tungkol sa problema sa pag-refund ng deposit

2019/02/13 Wednesday Karera

敷金返還トラブルについて

Ang kontrata para sa pag-uupa ng pabahay tulad ng apartment, atbp. ay batay sa mga kasunduan ng parehong lender at borrower ayon sa mga prinsipyo ng tinatawag na contact freedom. Gayunpaman, may mga problema na maaaring mangyari depende sa kung sino sa mga lender o borrower ang magre-restore at magbabalik sa orihinal na estado kapag umaalis sa inuupahan.

[Halimbawa ng problema]

  • Matapos ako umalis sa inuupahang apartment, ako ay sinisingil ng mahal para sa bayad sa paglilinis ng bahay, kahit na ginamit ko naman ito ng malinis at maayos, ang security deposit(*1) ay hindi na-refund.
  • Matapos ako umalis sa inuupahang apartmen, ako ay sinabihan na magbayad ng napaka-laking halaga para sa gastos sa restoration cost of restitution (*2), at ang halaga ay kinaltas sa security deposit.

*1 Security Deposit (Shikikin)

Ang deposito na pera na ibinigay sa lender tuwing lilipat ng bahay ay tinatawag na Security Deposit (Shikikin) at gagamitin ito kapag ang taong humiram ng isang rental housing ay hindi nagbayad ng upa o para sa mga gastos sa pagrestore kapag ang bahay ay marumi o nasira. Kapag aalis sa inuupahan at hindi ginamit ang deposito na pera, ibabalik ito sa borrower.

*2 Restoration cost of restitution (Genjo Kaifuku Hiyo)

Kapag ang wallpaper o tatami ay natural na nanilaw o nangitim dahil sa sikat ng araw, pagkasira at pagkaluma dahil sa normal na paggamit, atbp, ang lender ang siyang sasagot sa restoration. Ang mga dumi at mga gasgas na dulot ng negligence ng borrower, ay dapat bayaran ng borrower ang gastos sa restoration.

Kung nagkakaproblema ka sa kasunduan sa pag-upa, tulad ng refund ng deposito kapag umalis sa rental housing, Huwag mag-alala nang nag-iisa, kumonsulta sa center.

Consumer Hotline
TEL: 188 (Japanese only)

*Kapag tumawag sa telepono, dadaloy ang isang anunsyo at gagabayan ka sa iyong lokal na municipal consultation desk o sa Mie Prefecture Consumer Affairs Center.

I-click dito para sa iba pang mga problema tungkol sa consumer affairs at consultation desk.