Winter Illumination sa Mie (2019~2020)

2019-2020年 冬のイルミネーションを見に行きましょう ~県内のイルミネーションスポットの紹介~

2019/12/16 Monday Kultura at Libangan

~ Introduction ng mga illumination spots sa Mie Prefecture~

Ang illumination, na isang kahanga-hangang katangian tuwing panahon ng taglamig, ay ginaganap sa iba’t ibang bahagi ng prefecture. Halina’t lumabas at tignan ang kakaiba, at magandang winter illumination.

* Ang iskedyul, bayad atbp ay maaaring magbago. Kung kailangan mo ng detalyadong impormasyon, pakitingnan ang homepage o contact address. (Sa wikang Hapon lamang)

Nabana no Sato (なばなの里)

Ngayong 2019 ay ang kanilang ika-16 year ng illumination showcase.  Ang theme sa taong ito ay cherry blossoms (sakura).  Huwag palagpasin ang illumination display na ito na isa as pinaka-malaki sa buong bansa.

Period: October 19, 2019 (Sabado) hanggang May 6, 2020 (Miyerkules) – 9am hanggang 9pm
Address: Kuwana-shi Nagashima-cho Komae 270
Bayad at Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_33294.html
Official URL : https://www.nagashima-onsen.co.jp/nabana/illumination/fee/index.html
Contact number: 0594-41-0787
Tignan ang nakaraang posts: https://mieinfo.com/ja/mie-o-shiro/video-jp-mie-o-shiro/miewoshirou-nabananosato/index.html

Suwa Kouen (すわ公園)

Sa Suwa Kouen na matatagpuan malapit sa Yokkaichi Station, ang “Suwa Kouen kara no Hikari no Okuri-mono” illumination (Suwa Kouen Illumination Gift) ay magpapailaw ng higut sa 50,000 lights.  Sa December 22, isang espesyal na candle event ang gaganapin.

Period: November 1, 2019 (Biyernes) hanggang February 16, 2020 (Linggo) – 5 pm hanggang hating-gabi

Address: Yokkaichi-shi Suwasakae-machi 22-25
Bayad: Libre
Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_38427.html
Contact number: 059-350-8411

Yokkaichi Asunarou-sen (四日市あすなろう鉄道)

Isa sa mga winter traditions, ang “illumination train” ay mago-operate ngayong taon.  Ang mga train ay mago-operate araw-araw mula 5 pm at mayroong 2 carriages na lalagyan ng mga lightings.  Halina’t sumakay at mag-enjoy!

Tignan ang itinerary ng Asunarou line sa kanilang official facebook page (click here to open)

Period: November 1, 2019 hanggang February 16, 2020
Bayad: Katulad ng presyo ng regular na train ticket.
Official URL : https://www.facebook.com/asunaroubiyori/
Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_40718.html

Menard Aoyama Resort (メナード青山リゾート)

Masisilayan ang napaka-gandang winter illumination na gawa sa 250,000 lights.  Mayroon din mga iba’t-ibang music performances depende sa oras.  May mga lugar din kung saan napapalibutan ng mga LED para sa picture taking.

Period: November 23, 2019 hanggang katapusan ng taon – Mula paglubog ng araw hanggang 10 pm

Address: Iga-shi Kiryu 2356
Bayad: Libre
Detalye: https://www.menard.co.jp/resort/news/2020lightup/2020lightup.html
Contact number: 0595-54-1326

Geino X’mas 2019

May mga LED illumination at isang dreamy stage na may mga display na mga decorative objects.  * Tuwing special event sa December 22, mayroong mga dance performances at fireworks (ang main event ay magsisimula ng 1pm).

Period: December 15 (Linggo) hanggang December 25, 2019 (Miyerkules) – Mula paglubog ng araw hanggang 9 pm
Address: Tsu-shi Geino Sogo Bunka Center (Tsu-shi Geino-shi Mukumoto 5190)
Bayad: Libre
Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_20632.html
Official URL: http://www.tsukanko.jp/event/392/
Contact number: 059-265-2304

Mie Kodomo no Shiro Winter Illumination 2019

Ang isang illuminated world na may tema na tea party decor.  Magkakaroon din ng mga luxurious dresses na maaaring masuot.  Halina’t mag enjoy at magpa-picture.

Period: December 21, 2019 (Sabado) hanggang February 11, 2020 (Martes) – 9:30 am hanggang 4:30 pm
Address: Mieken-ritsu Mie Kodomo no Shiro 1F Event Hall (Matsusaka-shi Tachino-cho 1291)
Bayad: Libre
Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_40708.html
Contact number: 0598-23-7735

Toba Aquarium

Mula sa “denki unagi energy tree”, magkakaroon din ng isang giant at illuminated na puno na gawa as balloons.  At sa panahon ngayon, ang mga divers na naka Santa Claus costumes ay magda-dive sa aquarium at magpapakain ng mga isda.

 Period: November 30 (Sabado) hanggang December 25, 2019 (Miyerkules)
Address: Toba Aquarium (Toba-shi Toba 3-3-6)
Bayad at Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_40176.html
URL Oficial: https://www.aquarium.co.jp/
Contact number: 0599-25-2555

Shima Yacht Harbor

Maraming nga yacht na magkakaroon ng dekorasyon na may mga special lightings.  Huwag palagpasin ang napaka-gandang night view ng makukulay na mga yacht sa dagat.

Period: December 14 (Sabado) hanggang December 31 2019 (Martes) – 5pm to 10pm
Address: Shima Yacht Harbor (Watarai-gun Minami Ise-cho Funakoshi 3113)
Bayad & Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_17558.html
Contact number: 0599-66-0933

Hikari no Saiten in Kihou (光の祭典in紀宝)

Ang Kihou district ay paiilawin ng mahigit 200,000 lights at ito ay ang kanilang winter tradition.  Ang 20m kataas na puno, ang light tunnel at ang heart of light ang siyang pinaka-popular.  Sa December 21, ang special event na “Kira Fes” ay gaganapin (kapag masama ang lagay ng panahon, mapo-postpone ito at gaganapin sa ika-22).

Period: December 1, 2019 (Linggo) hanggang January 5, 2020 (Linggo) – 6 pm hanggang 10 pm
Address: Kihou-cho Furusato Shiryo-kan (Minamuro-gun Kihou-cho Oosato 2887
Bayad: Libre
Detalye: https://www.kankomie.or.jp/event/detail_7936.html
Contact number: 0735-33-0334

Bilang karagdagan sa illumination display na nabanggit sa itaas, mayroon ding iba pang mga display events sa iba’t ibang lokasyon sa buong lalawigan.

Tignan ang Mie Tourism Association homepage (Mie-ken Kankou Renmei) para as karagdagang mga detalye.

https://www.kankomie.or.jp/season/detail_68.html

Libreng konsultasyon para sa visa, nasyonalidad, kasal at diborsyo sa Japan

2019/12/16 Monday Kultura at Libangan

在留資格、国籍、結婚や離婚に関する無料相談会のお知らせ

Ang MieCo, Mie Foreign Resident Consultation Center, ay magsasagawa ng mga libreng konsulta tulad ng inilarawan sa ibaba.

Ang mga taong nais magreserba ng isang serbisyo sa konsultasyon ay maaaring tumawag sa numero sa ibaba.

Telepono: 080-3300-8077
Lugar: Tsu-shi Hadokoro-cho 700 UST Tsu 3F
MieCo, Foreign Resident Consultation Center sa Mie

  1. Kosultasyon para sa immigration procedures

Magtanong sa mga isyu tungkol sa immigration, migration at residence visa sa isang Nagoya Immigration representative (Nagoya Shutsunyu-koku Zairyu Kanri-kyoku).

Konsultasyon: kada ikatlong Huwebes ng buwan

December 12, 2019 (Huwebes) – January 9, 2020 (Huwebes) – February 13, 2020 (Huwebes) – March 12, 2020 (Huwebes)

Iskedyul:

  • Ika-1 konsultasyon: simula 1pm hanggang 1:45pm
  • Ika-2 konsultasyon: simula 2pm hanggang 2:45 pm
  • Ika-3konsultasyon: simula 3pm hanggang 3:45 pm

* Ang pagpapa-reserba sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono ay kinakailangan.  Kapag tatawag, sabihin: “Nyukan Soudan Yoyaku” (Immigration Consultation Reserve).

  1. Konsultasyon sa administrative clerk

Kumuha ng appointment sa administrative clerk (gyosei shoshi) tungkol sa residence visa, nationality, marriage, divorce, atbp.

Kosultasyon: Tuwing ika-tatlong Biyernes ng buwan

December 20, 2019 (Biyernes) – February 21, 2020 (Biyernes)

Schedule:

  • Ika-1 konsultasyon: simula 1:30pm hanggang 2:10pm
  • Ika-2 konsultasyon: simula 2:10pm hanggang 2:50 pm
  • Ika-3 konsultasyon: simula 2:50pm hanggang 3:30pm

* Ang pagpapa-reserba sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono ay kinakailangan.  Kapag tatawag, sabihin: “Gyosei Shoshi Soudan Yoyaku” (Administrative Registrar Consultation Reservation).

I-Click dito para sa easy Japanese flyer